By By Jex F. Lucero
Sapagkat kami ay tao lamang
posted 10-Feb-2017  ·  
565 views  ·   0 comments  ·  

Come visit the Philippines and see for yourselves how beautiful our country is? Ngek, nag-aya pa ang isang senador para tingnan ang maganda kunong Pilipinas. Para tingnan ang patayan, ang pangingidnap, pangingikil, panghoholdup ng mga pulis? Nakakahiya, iniimbitahan pa ang mga taga-ibang bansa para dumayo sa atin at tingnan ang bansa natin. Koreano kinidnap, Koreano biktima ng mga extortionist at mga kidnapper na mga pulis at dito sa atin naman mga holdupper (hulidap) na mga pulis at ang tinitira ay mga holdupper (illegal loggers) ng mga kahoy. Iyong mga holdupper ng mga narra at magagandang klase ng kahoy. Holdupper sa kaliwa, kanan, itaas at sa ibaba. Serve and protect daw? May maniniwala pa kaya sa inyo? Puwede pero mahabang panahon ang kailangang gagawin ninyong pagpapapogi. Matagal 'yon?

*****

Nagdiborsyo na ang kakasal pa lamang na mag-asawahang gobyerno ng 'Pinas at mga rebelde. Kumbaga ang pinakasalan ni PDU30 ay ang mga pinuno ng komunista na sina Sison at Jalandoni ilang buwan pa lang ang nakalilipas. Ngayon ay hiwalay na sila na ayon sa bali-balita ay ipinagbunyi ng malalaking opisyal ng militar. Bakit? Kasi sabi bubuhos na naman ang malaking pondo sa AFP at siyempre magpapasasa na naman ang mga heneral, heneral pa rin at ang kawawa na naman ay ang maliliit na mga sundalo na kakapiranggot ang suweldo. Uso talaga ang ganyan sa kahit anong organisasyon kung saan ang kumakamal ng limpak-limpak na salapi ay ang matataas na opisyal na sabi nga ay mga kurakot. Bakit kawawa ang mababang ranggo ng mga militar o mga pulis man? Kasi sila ang nagpapakamatay alang-alang sa bayan ang mga magnanakaw na matataas ang ranggo, mga opisyal sarap ng kanilang buhay. Delikado na naman ang kalagayan ng mga kababayan natin?

*****

Malaking gulo na naman ang magiging kaganapan pag nagkataon. Bakbakang militar at mga rebelde na naman at ang kawawa sa ganoong klase ng laban ay ang mga sibilyan. Tayo na namang mga sibilyan ang dadanas ng paghihirap, takot at pagdaranas ng iba-ibang klase ng pagdarahop. Pero wala tayong magagawa dahil ito ang bayan natin na hindi magkasundo-sundo ang ating mga pinuno, mga pinuno na mga oragon na kainurorag. Maorag si Duterte, maorag si Sison, Jalandoni, et. al., Tayo naman ang kawawa! Parati tayo ang kawawa! Kailan kaya titino ang mga kababayan nating mga sira-ulo?

*****

Naalaala pa ba ninyo iyong mga banat ni Duterte sa mga pari at sa simbahang Katoliko? "What moral ascendency are they talking about? Religion? Wala naman silang nagagawa kundi puro daldal!” Well, palagay ko ay nagsasabi siya ng totoo? Tungkol naman sa pangmomolestiya na sinasabi ni Duterte na pati siya biktima iyon ay nangangahulugang bakla ang paring nambiktima sa kanya. Alangan namang babaeng pari dahil wala pa naman tayo niyan. Babae kalahati at lalaki kalahati equals bakla. At tungkol naman sa pangmomolestiya ng mga pari ma-lalaki man o babae, sabi ko nga, sorry sa inyo dahil isang katotohanan iyong hindi ninyo maikakaila.

*****

Sa totoo lang noong nasa college pa ako, may naging girlfriend ako na ayon sa kanya ang lolo niya raw ay isang pari. Ayokong maniwala pero nakilala ko pa ang lolo niya at pari nga. Ngayon ano ang masasabi ninyo sa ganoong klase ng sitwasyon? Paaanong nagkaanak ang lola ng naging girlfriend ko ganoong pari nga iyon? One plus one equals two. Pari plus babae equals nagkaanak ng lalaki. Ang ama pari ang ina dahil babae ang tawag sa kanya sa wikang english ay mother. Malungkot ang ganito dahil ang itinuturo ng mga taga-simbahan hindi lang mga Katoliko ay puro kabutihan pero bakit gumagawa sila ng kabulastugan. Pari inanakan ang isang dalaga. Pastor iniwan ang asawa at sumama at inanakan ang isang dalaga. Bakit nagkakaganyan sila? Ang sagot nila ay: sapagkat kami ay tao lamang. Mabuti na lang hindi ako nagpari. Kung nagkataon isa rin ako sa binabanatan ni Duterte.

*****

Ang pangulo ngayon ng Amerika ay tunay na maka-Amerikano talaga. Ang karamihan sa mga terrorista ay mga Muslim (sabi nila, hindi ako ha), kaya ban na sila sa Amerika pero may mga bansa naman silang pinipili tulad ng Iraq, Syria,Iran, Yemen at iba pang bansa hindi kasama ang Pilipinas. Siguro kung ako rin ang pangulo ng Pilipinas, I will do the same. Terorista, papasukin mo sa bansa mo? Presidente ka, ikaw ang may otoridad para gawin kung ano ang nararapat para sa bansa mo lalo sa mga nasasakupan mo. Tulad ni Duterte kung ano ang iniisip niyang para sa kabutihan ng bansa at mga tao niya, iyon ang ginagawa niya. Sige lang, Duterte, habang nandiyan ka pa. Pag napatalsik ka dahil sa mga kakaibang mga rhetorics mo, sabi nga so be it.

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs