By By Jex F. Lucero
Boy Abunda for president
posted 15-Apr-2017  ·  
1,047 views  ·   0 comments  ·  

Maligayang pagdating/pagdalaw ng mga bakasyonista galing sa iba-ibang lugar. Meron galing Manila at karatig, iba naman galing Bisaya, Mindanao at ibang bansa. Lalo sa mga taga-USA at iba pang bansa sa abroad na naririto at nagbabakasyon at para rin madalaw ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Speaking of bakasyonista, naririto pala si Mr. & Mrs.Bo Rodulfo  and family na permanente nang nakabase sa USA. Welcome at sana ay mag-enjoy kayo sa inyong bakasyon kahit alam nating napakaikli lang ng inyong pamamalagi sa ating probinsiya.

*****

Sinasabing pag Mahal na Araw ay panahon daw ng pagtitika o paghuhugas ng mga pagkakasala. Ito ay sa palagay ko ay patungkol sa lahat ng tao, puwera ang mga bata na wala pang muwang sa mundo na sabi nga mundo ng mga taong makasalanan. Mga bata na pag namulat kung anong klase ang mundo natin ay mabibilang na rin sila sa mga taong parehas natin ang kulay. Kaya’t kung tutuusin, sabi nga bawat taong isisilang sa mundo nating ito, tiyak na mabibilang din sila sa mga makasalanan. Samakatuwid nga, lahat ng tao sa mundo ay makasalanan. No exemption! Pari, pastor, deacon, lahat makasalanan. Pero naman, madali namang maalis o mawala ang mga kasalanan ng isang tao kung ito ay magsisisi, magbabago, ibabalik ang takot at pagtitiwala sa Panginoon. Lalo sa ganitong mga pagkakataon.

*****

Kaya ito na ang mga araw na kung saan ang mga magnanakaw nating mga nasa gobyerno, pulitiko man o hindi, at iba pa nating mga kababayan na sangkot sa mga iligal na gawain ay ito na ang pagkakataon  para kahit papano ay mabawasan ang mga pagkakasala. Kung hindi po ninyo alam kung papaano ang paghugas ng mga pagkakasala, ang tanging gagawin lamang ninyo ay huwag na kayong maging magnanakaw, huwag na kayong maging iligalista, huwag na kayong magdrodroga, huwag na kayong magnanakaw ng salapi ng bayan, mga pulitiko at mga nasa gobyerno huwag na kayong nangingikil at tatanggap ng SOP. Kapag nagawa po ninyo ang ganoong mga bagay sa mga panahong ito o kahit sa ano mang oras, tiyak ko sa inyo nakapaghugas na kayo ng inyong mga pagkakasala. Simple lang naman, di ba? Pero mas maganda kung pagkatapos ninyong magbago ay huwag na kayong uulit dahil kung pagkatapos ninyong magbago sa panahong ito ay balik kayo sa dating gawi kinabukasan, bale wala ang pagkakabuting ginawa ninyo.

*****

Ang estilo ni PDU30 sa kanyang pamamalakad ng ating gobyerno ay kakaiba sa lahat ng nagdaang pangulo ng ating bansa. Ibang-iba sa kahit na sinong naging pangulo. Hindi siya katulad sa mga nagdaang pangulo na parang ang tingin sa mga Amerikano ay diyos na dapat kung ano ang kanilang sinasabi ay kailangang sundin at hindi pupuwedeng hindi susundin. Kaya’t tiklop tuhod ang mga naging pangulo sa kung ano ang sinasabi ng Amerika. Pero hindi sa panahon ni PDU30, wala siyang inirespeto simula nang maging pangulo siya. Kakaibang-kakaiba si Duterte sa lahat ng bagay kumpara kina Cory, Ramos, Erap at GMA. Ang mga nasabing pangulo ay hindi mo maringgan ng mga pagmumura sa pagsasalita sa harapan ng buong mundo. Mumurahin ka niya maging sino ka man pangulo ka man ng ibang bansa o senador ka man ng ating gobyerno. At wala siyang pinalilibre oras na nagkasala ka lalo’t ang pagkakasala mo ay tungkol sa pagnanakaw sa kuwarta ng bayan. Siya nga siguro ang hinahanap nating pangulo pero hindi mangyayari ‘yan dahil tayong mga Filipino ay kakaiba ang ating kultura. Pag nakuha natin ang ating nais hindi pa tayo nasisiyahan at gusto pa natin ay higit pa sa nakuha o naabot na. Sabi ngani sato, kita daang mga tawo dae nin kanigoan.

*****

May mga nagsasabi na kahit daw yata kailan ay wala  tayong  makukuhang matinong pangulo ng ating bansa. Ito ay dahil  sa lahat na naging pangulo ng bansa natin, maging lalaki o babae, ay panay may mga hindi mabuting ginawa sa panahon ng kanilang panunungkulan. Parang ganoon nga! Siguro puwede namang subukan natin iyong ibang kasarian tulad ng LGBT. Baka puwede nating subukan si Boy Abunda o di kaya si Aiza Seguerra bilang pangulo ng ating bansa?

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs