By By Jex F. Lucero
Mayor Peter “BOS TE” Cua for governor?
posted 29-Apr-2018  ·  
1,437 views  ·   0 comments  ·  

Pagdating sa sports, numero uno tayo diyan. Ang paborito kong team sa basketball na Magnolia Hotshots ay pinatikim lang ng isang panalo sa kampeonato ng labanan laban sa San Miguel Beer. Buong akala ko kahit isang panalo ay hindi ito pagbibigyan ng SMB pero nakatsamba rin ng isa at muntik pang makadalawa. Pero tapos na iyon at dito naman tayo sa susunod. Congratulation sa mga taga-SMB. At sana kami naman sa susunod.

*****

Ang isa pang napakagandang laban na napanood ko kamakailan ay ang labanang Pilipinas at Amerika sa One Championship (mixed martial arts) Belingon vs Leone. Sobrang nakakaawa iyong Kano halos mamatay-matay pero ang tagal bago itinigil iyong laban. Ibang klase laban nila may siko, tuhod, halos lahat ng buong katawan na puwedeng makapanakit puwedeng gamitin. Siguro kung ako ang sasali sa ganoong laban, gagamitin ko kagat ala-Tyson noon, kinagat kalaban niyang si Holyfield. Pag hindi ko nakuha sa kagat duduraan ko. Lululutab-lutaban ko. Pag dae ko nadara sa lutab, bungagon  ko ning duhay sabay dulag. Sa totoo lang grabe ang mixed martial arts na laban, masyadong nakakaawa kahit na sabihin pa nating panalo si Kevin Belingon ng Pinas.

*****

Malapit na ang eleksyon ng barangay at SK. Kanya-kanya ng puntahan ang mga kakandidato sa mga boss nila. Hingian na sila ng ayuda. At ang dami na nilang mga kamag-anak, mga kumpare at kumare, mga kaibigan at mga kaalyado. Ang bigat na naman nito sa bulsa ng mga pulitiko. Laking sakit ng ulo na naman ng mga pulitikong humahawak sa kanila lalo at malapit na rin ang midterm national eleksyon. Kung saan maglalaban-laban na naman ang mga gobernador, mga mayor down to municipal kagawad at ganoon din ang doseng senador. Na sa inisyal na survey kahit isa sa mga nasa oposisyon ay walang lumalabas. Kung meron man ay ang lalayo nila. Numero uno si Grace Poe, Cynthia Villar at Pia Cayetano. Panay chicks.

*****

Samantala, nakakatuwa ang mga balita sa mga maglalaban-laban sa mga kongresman at mga gobernador. Sabi Wong for Governor at Wong for kongresman, kaya Wong- Wong, Cua for Kongresman at Cua for Governor. Kaya Cua-Cua, Sarmiento for Governor at Sarmiento for kongresman kaya Sarmiento-Sarmiento. Magandang laban, pamilya laban sa isang pamilya at isa pang pamilya. Puerte arayutan kaini. Pero mangyari naman kaya ang ganitong laban? Well, pakulo lang ito ng mga malilikot na kaisipan ng mga walang magawang mga atat na atat na paglaban labanin ang mga pulitiko natin.

*****

Ito pa ang isang balita na si Gob. Cua ay tatakbo raw mayor ng Virac. At kung ganoon ang makakabangga niya ay ang kasalukuyang alkalde Sam Laynes at ang tao ni PRRD na si dating mayor Flerida  Alberto o di kaya mismong si dating mayor Cito Alberto? Sino nang kakandidatong gobernador sa mga Cua? Ang sabi daw ang ka kakandidatong gobernador sa mga Cua ay ang alkalde ng San Andres na si Mayor Peter “Bos Te” Cua. Na sinasabing siyang brains ng mga laban ng mga Cua sa pulitika at siyang sinasabi ring pinakamayaman sa pamilyang Cua. Sabi pa nga ng mga malalapit sa mga Cua na ang Virac Town Center ay baby ni Bos Te. Meaning naging isang katotohanan ang VTC dahil kay Bos Te. Ganoon siya ka-enterprising!!

*****

Pero ang lahat ng mga naglalabasang mga balitang binabanggit ko ay masasabi nating balitang pulitika na maaaring mangyari at maaari ding hanggang balita lang. At least kung mangyari man nakauna na ako sa mga balitang nakarating sa akin. Pero may nagbulong sa akin na ang huling balita ko iyong tungkol kay Bos Te ay umaani ng maraming thumbs up. Balita lang iyon at sabi ko nga puwedeng mangyari at puwedeng hindi. Pero ang sigurado ko si PBM Sonny Francisco ay hindi na kakandidatong PBM at si Cong. CS ay hindi na rin kakandidatong kongresman. Pero qualified siyang kumandidatong gobernador.

*****

Bakit daw ayaw kumandidatong kongresman ni Boboy Cua? Hindi po pupuwede dahil isa sa mga qualifications sa mga kakandidatong kongresman kailangan ay natural born Filipino citizen. Si gobernador Cua ay naturalized Filipino citizen at iyon po ang pagkakaiba ng natural born at naturalized. Governor no problem, kongresman hindi puwede. Unless marahil kung sa pinapanukalang Charter Change ay payagan na mga katulad nila. Kasi nga kung tutuusin puwede ngang governor, di puwede ring kongresman, di ba?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs