By By Jex F. Lucero
Hindi kaya makialam ang mga pulitiko sa BKSE?
posted 6-May-2018  ·  
1,090 views  ·   0 comments  ·  

May bagong pangalan na ngayon ang bayan ng Virac. Ginawa na nila itong Viracay. Kasi nga mawawala pansamantala ang Boracay kaya for the meantime ay Viracay muna tayo. Hawig na rin di ba? Ang Boracay ay sa Caticlan at ang Viracay ay sa Catanduanes. Hindi naman sa nang gagaya tayo. Sa lagay ay gumagawa lang tayo ng konting diskarte baka sa pamamagitan nito kahit papaano ay dumagsa sa atin ang mga turista. Sabi nga diskarte lang! At sa kung sinumang nakaisip ng bagong binyag sa bayan ng Virac ayos lang ginagawa mo. Sa totoo lang klik na klik!

*****

Sa CamSur, dibdiban na ang labanan sa barangay at SK eleksyon. Doon ang nagkakainitan ng husto ay ang mga malalaking pulitiko. Halos magpatayan na sila. May mga balita pa ngang nagkakabilihan na raw ng boto. At sinasabing meron pa raw pulitikong parang sinasapian na ng demonyo. Mainit ng talaga! Lumabas na mas mainit sa tag-init na panahon. Pero kahit papaano ay wala pa namang nababalitang nagpapatayan. Pasalamat tayo dito sa ating probinsiya at matahimik pa rin. Wala pa rin tayong nababalitaang gulo dahil sa pulitika. Na hindi naman dapat dahil pag sinabing SK at barangay eleksyon ito ay non-partisan at ang nararapat talaga ay labas ang pulitika. Ang tanong ay maiiwasan naman kayang huwag makialam ang mga pulitiko?

*****

Maiiwasan naman kayang huwag makialam ang mga pulitiko? Iyan sana ang tanong na hindi na kailangang itanong dahil sa totoo lang alam na ng lahat ang katotohanan. Sabi nga ang ganyang tanong ay nakakainsulto at katawa-tawa. Kasi nga alam ng lahat kung ano ang klase ng SK at barangay eleksyon sa atin. Sabi ang SK at barangay eleksyon ay mas malupit kaysa anumang eleksyon dito sa atin. Ang bilihan sa Kapitan ay 500 piso ang pinakamababa at 1000 piso ang pinakamataas pero may mga balita pang higit sa isang libo at hayagan. Ang lupit di ba? Kaya nga sabi ko malaking problema ito sa mga pulitiko natin na may mga tao sa barangay dahil obligado silang tulungan ang mga tao nila. Iyan ang kung tawagin natin ay non-partisan. 

*****

Nagkaroon ng gusot ang Pilipinas at Kuwait dahil sa ginagawang pagsaklolo ng mga taga-Philippine Embassy sa isang OFW na ayon sa balita ay nakararanas ng pang-aabuso ng isang Kuwaiti national. Hindi nagustuhan ng mga taga-Kuwait ang ginagawang pagsaklolo na nauwi sa pagpapatalsik ng ambassador ng Pilipinas sa Kuwait na si Ambassador Villa. Masyadong mabilis at mabagsik na desisyon ang ginawa ng gobyerno ng Kuwait. Hindi kaya nila ito pagsisihan sa bandang huli? Ano sa palagay ninyo? Kung ako ang tatanungin, hindi tayo panghihinayangan ng Kuwait. Isa ito sa pinakamayamang bansa sa mundo at mas mayaman pa ito sa bansang Amerika. At higit sa lahat protektado ito ng malalaki at malalakas na bansa. Kumbaga dae lamang Manolo sa sarong nasyon ang Kuwait.

*****

Para sa akin tama lang ang naging desisyon ng pangulo na pauwiin na lang ang lahat ng Filipino sa Kuwait. Tama si PRRD na ang iniisip ng mga taga-Kuwait ay nagiging pabigat pa tayo sa gobyerno nila. Lalo at nadawit ang bansa nila sa nangyari sa isang Pinay na pinatay ng hindi naman kababayan nila. At napakahusay ng desisyon ng pangulo na iyong 5 bilyong pisong nalakap niya sa China ay siya niyang gagastusin para sa mga kababayan natin makauwi lang sa ating bansa. Napakagaling na pangulo kapag sa kapakanan ng mga Kababayan buong-buo ang pagtulog at suporta niya. You are the one!!!!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs