By By Jex F. Lucero
FAKE NEWS
posted 19-May-2018  ·  
1,337 views  ·   0 comments  ·  

Noon ay naibalita ko na ang bagay na ito sa inyo na kung saan ang mga babae sa ibang bansa ay tinutuli din. Lalo sa Middle East kung saan ay talagang lahat yata ng babae dumadaan sa makalumang kaugalian na ito. Kamakailan ay napabalita sa isang TV channel kung saan maging dito sa ating bansa sa parteng Mindanao ang kaugaliang pagtuli sa mga babae ay ginagawa pa rin. Pero ang pagkakaalam ko isinasagawa ito pag mga baby pa ang mga babae. Sa Saudi Arabia pangkaraniwan lang ito. In other words, very common ang nasabing practice sa mga Muslim countries. Pero sa mga lalaki hindi pupuwedeng hindi magpatuli, ma-Muslim ka man o Kristiyano. Lalong walang lusot sa mga Muslim. Sa mga Kristiyano marami pa ang mga potsu kasi walang sapilitan. Potsu...nakakahiya!! Matanong ko ano kaya hitsura ng mga babaeng tinutuli? Napag-uusapan lang po!!

*****

Umpisa na ang kampanyahan sa barangay at SK eleksyon. Sa maniwala kayo sa hindi, ang mga sinasabi nila na kung sino ang dinadala ng mga malalaking pulitiko ang mga kandidatong nakalalamang pa rin. Lahat daw halos na nakakabit sa mga malalaking pulitiko ang siya pa ring lamang at may mga tsansang manalo kaysa doon sa mga nagsasariling sikap o iyong mga kandidatong nagsosolo. Dito sa atin tiyak na malakihan ang hatag ng mga kandidato. Kasi one on one halos ang labanan sa mga barangay. Sabi pa iyon daw mga hawak ng mga pulitiko ay tinatapalan na rin ng mga hindi nakakabit sa mga pulitiko. Kasi nga may mga kandidato ring may mga sinasabi sa buhay at kaya ring tapatan ang bigay ng mga pulitiko. Kaya mabigat din ang laban. Pero mangilan-ilan lang iyon at majority pa rin ang mga kandidatong hawak ng mga pulitiko. Iyan ang diwa at totoong imahe ng kung tawagin natin non-partisan!! Di ba? Ano mga taga-Comelec ang masasabi ninyo?

*****

Nagkakagulo ang mga nasa gobyerno natin dahil sa inilagay na mga missile sa malapit sa ating bansa ng bansang China. Parang mga tulirong isda na .nagpapanic.  Malapit daw ito sa bansa natin at halos tumbok daw tayo nito. Nakakatawa dahil wala namang giyera. At kung may digmaan man kahit walang nakaumang na missile sa atin kung kaaway tayo ng China titirahin tayo. Walang giyera at kaibigan natin ang China anong ikinatatakot nila? Masyadong mga nerbiyoso. Sa ayaw at sa gusto natin pag nasiraan ng ulo ang mga Intsik at mga Kano wala tayong magagawa. Mag-uubusan tiyak sila ng mga armas nila at tiyak damay na naman tayo. Maliit na bansa lang tayo at kung ano ang gusto ng mga dambuhalang bansa hanggang bow na bow na lang tayo,kahit masakit sa kalooban natin. Tigan sana kitang goop goop!

*****

Nitong mga nakaraang araw dinayo ng husto ng mga turista ang probinsiya natin. Mga local tourist lang sila ganunpaman turista pa rin sila. Nakakatuwang marami na talagang dumadayo sa mga lugar natin. Pagpapatunay na malusog at masigla ang turismo sa atin. Sana dumami pa sila dahil sa totoo naman ay napakaganda ng lugar natin. Hindi sa pagmamayabang walang sinabi ang tourist spot sa ibang lugar kung dito lang naman sa Pilipinas. Masasabi ko iyan dahil halos buong Pilipinas ay naikot ko na rin. Cebu, Iloilo, Davao, Cagayan de Oro, Cotabato, GenSan, Isabela, Pangasinan, Zambales, at marami pang ibang lugar sa Pilipinas at masasabi kong maganda ang Catanduanes. Naiiba tayo dahil sa meron tayong SHABU Lab. Anong say ninyo? Alam ba ninyong may mga bisita akong galing sa ibang lugar at itinatanong nila kung saan daw iyong napabalitang shabu lab? Sana gawin na lang tourist attraction ang nasabing shabu laboratory. Kasi nagtatanong ang mga taga-ibang lugar?

*****

Noong mag attend ako ng Publisher’s Association of the Philippines Inc. (PAPI) sa Zambales naranasan ko ang makatikim ng kantiyaw ng mga kapuwa ko Bicolano. Kasi bawat probinsiya sa Bicol may ipinagmamalaki sila. Tanong nila sa akin ano naman daw ang puwedeng  ipagmalaki ng ating probinsiya. Wala akong maisagot. Ang nasabing ko na lang ay meron kaming shabu lab.Dahil nagkakatuwaan lang naman sumagot iyong taga Masbate na meron din daw shabu lab sa kanila at dalawa pa. Pero sa susunod meron na akong ipagmamalaki sa mga kantiyaw nila. Catanduanes abaca capital of the Philippines (world).Tinatrabaho na iyan ng kongresman natin, Cong. Cesar V. Sarmiento.

*****

Alam ba ninyong putok na putok ang balitang isang bilyonaryong taga Catanduanes ang gustong sumali sa labanan sa pagka-kongresman sa eleksyon sa 2019? Noon pa ay napapabalita na itong sasali sa larangan ng magulong.pulitika. At ngayon muli na naman daw kinalampag ng mga alipores nito para sumabak sa laban. At tila interesado na raw at nagtanong pa raw sa mga kaalyado nito kung tama na raw bang panggastos ang six hundred million pesos sa laban niya. Wala raw makaimik sa figure na ibinigay ng bilyonaryo. Matiyaga kong Inalam ang balitang ito sa mga may dala nito. Pero ni isa walang  nagkumpirma kung totoo ito o hindi. Anong tawag sa ganitong balita? Siyempre pa di fake news?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs