By By Jex F. Lucero
Nagkabilihan na naman ng boto
posted 31-May-2018  ·  
1,350 views  ·   0 comments  ·  

Tapos na ang barangay SK eleksyon at ayon sa mga taga-barangay ay grabe raw ang bilihan ng boto. Doon sa San Andres, may napabalitang ang bilihan ng boto sa isang barangay doon ay umabot daw ng One Thousan Five Hundred ang hatagan, panalo ang highest bidder siyempre. Sa barangay kapitan ang tinutukoy ko. Sa SK hindi masyado ang bigayan. Karamihan sa mga nanalo ay hawak pa rin daw ng mga .pulitiko. Pero may mga nanalo ring walang kinakapitang pulitiko. Tunay na ang ngalang bilihan ng boto ay hindi na mawawala sa kahit na anong eleksyon. At ngayong 2019 midterm eleksyon ang pinaghahandaan ng mga pulitiko ay ang pambili ng boto.

*****

Doon sa San Andres, may isang barangay captain ang natalo dahil sa kayabangan. Kung titingnan ay talagang mananalo ang kandidatong ito sa pagka-kapitan dahil sa pamimili nito ng boto sa halagang 800 pesos bawat botante. Ang pamimigay ng kalaban ay 500 pesos lamang bawat botante. Hindi pa tapos ang botohan nagkantiyaw ng nagkantiyaw ang 800 pesos ang pamigay. Ang hindi niya alam ay may pahabol palang isang libo kaya naging isang libo limang daan ang tutal na ipinamigay ng kalaban. Sa totoo raw ay hanggang limang daan lang daw talaga ang ipamimigay pero dahil daw sa pagyayabang ng 800 ang pamigay iyong pinakatago-tagong pera na ayaw na sanang mahanginan ay inilabas todo at ang nagyabang na kandidato talo. Leksyon: hangga’t hindi pa sentensiyado ang naglalabang manok, dapat ay tahimik ka lang. Kasi may mga pagkakataong ang manok lalo na teksas kahit na patay ng titingnan, meron pa rin iyang huling kikig na tinatawag. Huling kikig ng  kalaban isang libo laban sa walong daan bale one thousand five hundred, hutad baga so otso sientos.

*****

Dito sa Virac naman may isang kandidato rito na ang kalaban ay hawak daw ng isang pulitiko. Pero ang isang kandidato ang ginamit niya ay kagandahang loob lamang at pangakong magandang serbisyo kung siya ay mananalo. Walang pera para pambili ng boto pero ang kalaban ay hindi nagawang makapamili ng boto dahil bantay sarado siya ng mga supporters ng kandidatong walang pera. Resulta ng laban, panalo ang walang kuwarta. Nagpapatunay na kung ang mga botante ay magiging bigilante lamang hindi makakaporma ang mga madaya sa eleksyon. Bihira lang mangyari ang ganito. Dahil sa kabuuan ang bilihan ng boto ay talamak.

*****

Meron namang isang kuwento na isang kandidato sa pagka-kagawad ang ipinagbili ang bahay at lupa para sa kanyang kandidatura. Asang-asa iyong tao na mananalo siya dahil nga sa namili din siya ng boto. Bukod sa namili siya ng boto, karamihan sa lugar nila ay mga kamag-anak niya at ng asawa niya. Resulta ng laban, talo ang nagbenta ng ari-arian.. Mabuti na lang daw ng ultimo ora na parang kakapusin na ng pambili ng boto, isasanla na raw sana ang asawa nito at ang dalawang anak na dalaga. Suwerte, napigilan ng kumpare at iyong dalawang anak naging kasambahay na ngayon ng kanyang kumpare. Sige dalawang taon lang ang termino ninyo at makaraan ang dalawang taon eleksyon na naman. Matutuloy na ang pagsangla ng asawa at anak ninyo.

*****

Ilang buwan na lang filing na ng Certificate of Candidacy ng mga gustong kumandidato. Doseng senador ang lalaban sa national position at sa local naman ay mga kongresman, gobernador, bise gobernador, mga PBM, mayor, Vice mayor at mga kagawad. Parang kailan lang national eleksyon. Ngayon ilang buwan na lang, filing na naman ng COC. Tanong ko sa sarili ko, kakandidato bang muli ako para matalong muli? Kasi nga walang sapat na pondo kaya medyo alanganin. Ngayon pati delikado nang mamili ng boto. Baka sa administrasyong Duterte, may masampolan sa pamimili ng boto mahirap na. Baka iyong plano namin ng aming grupo na ang gagawin na lang ay manghuli ng namimili at nagbebenta ng boto. Puwede rin, di ba?

*****

Nakadalawa ang Boston laban sa Cavaliers kasi nga sa sarili nilang bahay ginanap ang dalawang laban. Nang lumipat ng bahay, naisahan naman  ang Celtics at isa pang muli sa sariling bahay ng Cavaliers bago bumalik sa Celtics. Sabi sato ga natad ang laban. Ang GSW naman at ang Rockets nagtig-isang panalo ang magkatunggali. Sa Lunes magbabangasan ng mukha ang dalawa at gagawin ang pangatlong bugbugan sa sariling bahay ng GSW. Hula ko lang ito ang maglalaban sa kampeonato GSW vs. CCavaliers. Para fair, Rockets vs. BCeltics?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs