By By Jex F. Lucero
BROWNOUT CAPITAL OF THE PHILIPPINES
posted 7-Jun-2018  ·  
1,208 views  ·   0 comments  ·  

Dito sa CamSur, kahit isang segundo ay walang brownout. Dito malamang naglipana ang mga anghel. Diyan sa atin sa Catanduanes ay parating may brownout. Kasi nga, ayon sa napag-alaman ko, pinamumugaran ng tatlong demonyo na siyang sinasabing dahilan ng madalas na brownout. Mahirap kalaban ang demonyo dahil ang gusto ng mga demonyo ay dilim. Kasi nga sila ang kung tawagin ay kampon ng kadiliman. Mabuti pa si Simeon at takot iyon sa dilim kaya gusto walang brownout. Sa arin pa daw magakasurolo ang mga kampon na ini ni Satanas?

*****

Bonggang-bongga ang Abaca Festival! Huge success by the organizers. Hindi sumali ang Ficelco sa Festival. Mabuti naman at kung sumali sila baka masunog iyong mga nagagandahang float. Isa pa, baka makilala na ng mga tao iyong tatlong demonyo na siyang dahilan ng madalas na brownout. Hindi magtatagal ang Catanduanes ang siyang kikilalaning Abaca Capital of the Philippines and the World. Ang lahat ng ito ay sa pagsusumikap ng ating kongresman Cesar V. Sarmiento. Catanduanes Abaca Capital of the World.

*****

Meron tayong Abaca Capital of the Philippines and the World. Ang galling, di ba? Ano naman ang iba pang puwede nating ipagmalaki? Ang dami pa, di ba? Biggest shabu lab in the Philippines? Pinakamaraming malalakas na bagyo! O ano di ba? At ang pinaka-pambihira ay ng makopo ng CSU ang number 1-2-3 sa board exams ng civil engineers sa buong bansa. Napakagaling, di ba? Pero may isa pang puwedeng ipagmalaki ang mga taga-Catanduanes na sana ay ipakipaglaban din ito ni kongresman sa Kongreso ang gawing BROWNOUT Capital of the Philippines and the World ang Catanduanes?

*****

Ang malungkot ang number 1-2-3 na nakuha ng mga magagaling na engineers natin ay may katapat na sila ngayon. Isa dalawa at tatlo may pang-apat pa nga raw nakuha na rin at tinapatan ang magagaling nating mga engineers. Sila ay sina demonyo uno, demonyo dos, demonyo tres at demonyo kuwatro. Sila ang sinasabing dahilan ng panay brownout sa Catanduanes. Sabi wala naman daw sila sa impiyerno. At kumikita raw sila ng limpak limpak na kademonyohan. Sana ibalik na sila ni Lord sa lugar na nararapat sa kanila.

*****

Sabi sa akin ng ilang mga kaibigan ko, masyado raw bulgar ang mga salitang ginagamit ko laban sa mga gumagawa ng hindi tama. Aminado ako diyan. Pero anong magagawa ko iyon ang hinihingi ng panahon? Ngayon kailangang ala demonyo ka dahil ang mga kalaban mo mga masahol pa sa demonyo, diyablo at kay Satanas. Talo na ngayon ang mga anghel. Wala nang binatbat ang espada ni Mike. Ang dala dala na ngayon ni Miguel armalite, AK 47 at mga granada. Sabi nga, kailangan palaban ka at dapat handa ka lagi. Tulad dito sa atin ang mga consumers ng Ficelco, ginagago lang ng ilang mapagsamantalang mga demonyo kailangan ay demonyo ka na rin para parehas ang laban. Tingnan ninyo ala demonyo na rin ang mga lenggwahe ko. Tumatabla na rin di ba?

*****

May naisip ako na ano kaya iyong kooperatiba ng CamSur ay ilipat dito sa Catanduanes para naman maranasan natin ang ganda ng serbisyo ng Casureco. Walang kabownout-brownout dito sa Naga at sa buong CamSur. Tapos ang Ficelco, ilipat sa CamSur, ano? Magwawala siguro mga taga-CamSur. Ang una-unang ipoprotesta nila ay tatawagin na rin silang mga demonyo. Pangalawa pag uuwi sila ng CamSur mag titinginan sa kanila ang mga tao dahil may mga sungay na sila. Ang maganda lang sa kanila kahit mga sungayan sila sagana sila sa kuwarta. Kaya malabong pumayag sa naisip ko ang mga taga CamSur. Pero siguro kung invisible mga sungay nila baka lulunukin nila ang kahihiyan. Pero duda pa rin ako? Matitino kasi sila.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs