By By Jex F. Lucero
Dynastiya pulitikal mawawala sa ilalim ng pederalismo?
posted 26-Jun-2018  ·  
1,205 views  ·   0 comments  ·  

Maganda ang nilalaman ng pinapanukalang pagbabago sa ating Saligang Batas lalo na iyong tungkol sa political dynasty na isinama nga sa ating Saligang Batas (1987 Constitution) pero wala namang silbi. Maganda ang definition sa panukalang Saligang Batas at talagang tunay na mawawala ang political dynasty. Subalit iyon ay panukala pa lamang at pag natapos na ang draft ng ConCom ito ay dadalhin na sa Kongreso at doon na hihimayin at kakarnehin at unti-unting ilalagay sa gilingan ng karne hangga’t sa magkadurog-durog ito at pababayaang mabulok sa isang tabi. Tapos ang panukalang mga pagbabago sa political dynasty.

******

Maging pamilya ni PRRD ay apektado dahil sa panukalang batas ay isa lang puwedeng tumakbo sa pamilya nila. Maging itong mga Aquino tatamaan din sila. Halos lahat ng mga politiko sa buong bansa ay tatamaan. Maging itong sina Richard Gomez at asawa niyang Kongresswoman Lucy Torres, sabit din sila. Itong mga Binay ng Makati, dali rin sila. Mga Villar ng Las Pinas, mga Garcia at Osmeña sa Cebu, mga Marcos sa Ilocos, mga Romualdez sa Leyte, mga Nograles sa Davao, mga Singson sa Ilocos at iba pang mga lugar sa buong bansa na ang dynastiya politikal ay naghahari sa ating pinapanukalang Saligang Batas ay Sayonara na sila.

******

Sa pinapanukalang Saligang Batas sa ilalim ng Pederalismo magkakaroon na ng definition ang political dynasty at iyon ay lumabas na sa CT at may mga nalulungkot at meron din namang natutuwa dahil nga sa maraming mga pulitiko ang maaaring tamaan ng nasabing panukala. Maraming malalaking pamilya ng pulitiko ang tatamaan at maaaring maging sanhi na ito ng pagkatapos ng paghahari nila sa kanilang nasasakupang lugar. Hindi na pupuwede na si Tatay ay alkalde at si anak ay PBM. Hindi na pupuwede na si Kuya ay gobernador at si kapatid niya Vice governor. Pero naman humaba iyong termino ng panunungkulan nila. Apat na taon at isa lang ang reeleksiyon.

******

Anupa’t sa kabuuan sa parteng political dynasty, gustong-gusto ito ng marami kasi nga sabi nila iyong mga taong gusto ring magsilbi o magnakaw sa gobyerno ay magkakaroon na rin ng pagkakataong magsilbi at magnakaw sa gobyerno at hindi iyong palagi na lang iyong iisang pamilya. Bagay pirmi naman sanang sinda ang pirming may umba, may morcon, may minudo, may beef steak, my inihaw na lapu-lapu, tangigue,boda blue marlin, kalain naman baga. Panamiton naman so iba. Kahit sa akala man lamang kasi ang totoo kapag nakaabot na sa Kongreso at hinalukay nila ang panukalang pagbabago sa Saligang Batas, tiyak na parang binuhusan ng kumukulong langis ang Kongreso.

******

Ang tanong ngayon, magugustuhan naman kaya ni PRRD ang mga pagbabagong ito? Magugustuhan naman kaya ng mga duwapang na pulitiko sa Kongreso ang mga pinapanukalang ito sa ating Saligang Batas? Makayanan kaya ni PRRD ang gagawing hakbang ng mga suwapang na pulitiko para manatili silang hari sa kani-kanilang kaharian? Magustuhan naman kaya ni PRRD na maging pamilya niya ay mawawala ang paghahari-harian nila sa Davao? Papayag naman kaya ang mga Marcos, Romualdez, Singson, Garcia, Angara, Dy, Osmeña, at iba pang malalaking pulitiko na matagal ng naghahari-harian sa kanilang lugar na basta lang mawawala ito? Tingnan nga natin?

******

Tingnan nga natin kung hanggang saan ang gustong mangyari ng ating pangulo tungkol sa ikabubuti ng pulitika sa ating bansa. Sa totoo lang, kapag nagawa ni PRRD ang pinapanukala ng mga miyembro ng ConCom, sasaluduhan ko ito ng maraming beses kahit litrato nito. Pero kung dati at dati pa rin ang mangyayari lahat ng mga litrato niyang makikita ko, may gagawin ako. Pero hindi ko sasabihin sa inyo kung ano? Maniwala kayo sa hindi, hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs