By By Jex F. Lucero
Nagpaparamdam na mga kakandidatong kongresman
posted 14-Jul-2018  ·  
1,176 views  ·   0 comments  ·  

Iyong nangyaring misencounter sa probinsiya ng Samar sa pagitan ng army at pulis kung saan ay anim na pulis ang nasawi ay tila nauwi sa pagtuturuan ng magkabilang panig. Ang sabi ng mga kaanak ng pulis ang naganap ay pananambang ng mga army. Ayaw nilang tanggapin ang sinasabi ng mga army na misencounter ang mga pangyayari kundi inambush ang mga pulis. Sa resulta ng inisyal na imbestigasyon sinasabing medyo nagkulang  ng konti sa pakikipag-coordinate ang mga army. Pero lumalabas na sa kabuuan nagtuturuan na ang pulis ang nagkulang at ganun din ang mga army. So parehong may pagkukulang ang magkabilang panig. Dahil dito minabuti na lang ni PRRD na ang pangyayari ay siya ang siyang responsible.

Iyan ang pangulo natin!

******

Samantala naman ang NCRPO Chief ay muling inilunsad ang kampanya laban sa mga pulis na abusado, sa mga pusher at mga loko. “Agad I-Send Mo sa Team NCRPO. Ito ang number nila sa Smart: 09999018181 at sa Globe: 09158888181. Siguro kung napanood ninyo sa TV tatlong kotong cop ang tinuktukan ang mga ulo at sigurado masisibak sila puwesto. Ang kakapal ng mga mutha. Akalain ninyo nagsisimula pa lang sa trabaho nila pangongotong na kaagad ang natutunan?  Mind you mga kapatid lahat sila ay panay mga Police Officer l (PO1). Ay hamag na, ngonian gapahinog-hinog sinda sa kaso nindang extortion. Dito sa atin wala pa namang ganyang mga kaso. Maliit lang kasi lalawigan natin at madaling idisiplina ang mga lispu natin.

******

Tila nabuwisit na ng husto si PRRD sa relihiyong Katoliko. Kasi nga naman kahit sa ang simbahan binabanatan ang pangulo. Sa lahat ng simbahan halos binabanatan si PRRD. Ang pamamalakad niya laban sa droga, pati pagbaba ng aprobal rating niya isinisermon ng mga pari. Sabi nga ng isang halos linggo-linggo ay nagsisimba “anuman daw ngaya ito si father ta pati so pagbaba kang approval rating ni Duterte pigasermon pa? Bagj man ngayang kalain na pati pulitika piga bale sa pagsermon?” Sa heleng ko baging bako man talagang tama na pati pagbaba kang aprobal rating ni Duterte ipagasermon pa man. Kaya hindi rin natin masisisi na birahin ng pangulo ang simbahang Katoliko lalo na ang mga pari.

******

Nakakatakot iyong mga sinasabi ng mga kritiko ni dating CJ Sereno. Mismong si Jose Maria Sison ang source ng mga pagbubulgar laban sa dating Chief Justice sa kung papaanong inapoint ito ni PNoy. . Nakakakilabot! pero naniniwala na ako sa karma! Si yumaong CJ Corona pinatalsik ni PNoy kuno via impeachment kung saan napatalsik ito sa pamamaraang gapangan ng mga senador. Ibinulgar ito ni Sen. Bong Revilla. At ngayon nasaan na si Sereno? Nakarma! Pinag-iisipan daw na kakandidato itong senador? Pero inulan ito ng katakot-takot na batikos sa FB. Sabi kahit daw presidente ng purok ay hindi ito mananalo. Grabe naman pero sa purok namin matatalo talaga siya dahil ikakampanya kong huwag siyang iboto.

******

Alam ba ninyong sa Amerika ang mga teacher ay unti-unti at tahimik na tinuturuan ng mga otoridad humawak ng baril? Ang dahilan ay dahil sa mga pangyayaring maraming mga estudyante ang nabibiktima ng mga karahasan ng mga masasamang elemento ng lipunan. Pupunta sa mga paaralan at ang pagdidiskitahan ang mga batang walang malay. Usong-uso ang ganitong pangyayari sa Amerika. Kadalasan mga may baltik sa ulo ang mga gumagawa nito. Basta lang mambabaril ng mga bata at eskuwelahan pa ang pupuntahan. Marami ang sira-ulo sa Amerika. Ang binibiktima iyon pang mga inosente. Kaya tama naman ang ginagawa ng mga otoridad na turuan ang mga gurong humawak ng baril. Sa Amerika po ito!

******

Nang ang mga taga-media ay nabibiktima ng mga pamamaslang ng mga taong bayaran inisip din ng mga otoridad na bigyang armas ang mga taga media. Pero hanggang doon lang ang mga kaisipang iyon. Ngayon naman nang ang mga nabibiktima ng pamamaslang ay mga pari, sinasabing dapat ay armasan na rin sila. Pero magugulat kayo dahil maraming mga pari ang nagsipunta sa mga otoridad para mag-aplay ng lisensiya sa pagdala ng baril. Ako man mag-aaplay din ako para payagan ako ng otoridad magdala ng granada, baril na kalibre 50 at limang bazooka. Biyo-biyo na. Giyera kung giyera!

******

Medyo nagpaparamdam na ang mga kakandidatong kongresman. Si dating gobernador Hector Sanchez at dating gobernador Cely Wong tila namamataan na sa probinsiya nating palsok palsok ang kuryente. Pero nakauna na sa kanila si Jorge Sarmiento ang nakakatandang kapatid ni Cong. CVS. Siguro naniniwala sila sa kasabihang the early bird catches the worm. Hala kamo, dae na maawat?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs