By By Jex F. Lucero
ANG BAGONG GM NG FICELCO?
posted 16-Jul-2018  ·  
1,137 views  ·   0 comments  ·  

Binobola pa rin ng mga economists ni PRRD ang mamamayan na hindi raw totoong kaya tumaas ang inflation rate ng ekonomiya natin dahil sa pagpapatupad ng Tax Reform Law (TRAIN). Pilit pinapaniwala ng mga economic managers ni PRRD sa pangunguna ng NEDA at DBM na kaya nagtaasan ang bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. At hindi dahil sa TRAIN. Masyadong pinalalabas na tayo ay mga bobo. Ang totoo mismong si PRRD ang nagsabing matamlay ang ating  ekonomiya at agad naman itong kinontra ni Diokno na kung titingnan daw ang mga statistics, lalabas na mali ang obserbasyon ng pangulo. Hahaha..Kung mali si PRRD, ang 100 milyong Pinoy ay hindi marahil magkakamali. Tama ang obserbasyon ng pangulo. Ang mali si Diokno. Dahil ang alam niya lang ay puro no. Dapat maging Diokyes ka naman at gumawa na kayo ng nararapat na hakbang para matigil ang pagtaas ng inflation o pagtaas ng mga bilihin. At aminin ninyong kaya tumaas ang inflation rate dahil sa pagpapatupad ninyo ng TRAIN na sobrang bilis ng pagtaas ng mga bilihin.

*****

Nahalata na rin siguro ni Duterte na palpak ang TRAIN kaya lang hindi siya makapiyok dahil sa laking tiwala niya sa mga ekonomista niyang sa tingin ko ay mga bobo at mga palpak. Kung hindi sila mga bobo, bakit nangyayari itong pagtaas ng inflation rate na umabot 5.2% at ngayon lang ito nangyari makaraan ang limang taon. Ang sabi ni Sen. Lacson, itigil ang pagtuturuan at kailangan ay gumawa ng paraan para matigil ang pagtaas pa ng inflation. Ang sabi ng taga-NEDA, hindi naman daw ito magtatagal. Sa mga nakakaintindi, ang ganitong sitwasyon ay kritikal at maaaring hindi na ito mapipigilan pag lumala pa. Kaya tama si Lacson, dapat kumilos iyong dapat kumilos at hindi puro pa-cute sa diyaryo. Ang papangit  naman nila at mga kalbo pa. Hindi lang iyon mga pustiso pa mga ngipin nila at mga bad breath pa! Ang papangit ninyo, para kayong Ficelco at Viwad na super palpak ang serbisyo. Magsama-sama na kayo.

*****

Malaking problema pa rin ang kawalan ng kuryente sa ating probinsiya. Kung ire-record ang mga pagmumura laban sa kooperatiba, hindi na siguro magkakasiya sa sampung libong ream ng yellow pad paper. Iyon ay kung maliliit lang ang letrang isusulat sa papel. Ang sabi ginagawa naman daw nila ang lahat. Ang lahat-lahat ng kasinungalingan, kagaguhan, panluluko, na sinasabi nila noon pa na ayon sa kanila may mga inaayos lang kaya laging may brownout? Kung totoong may inaayos lang kayo, ayusin ninyo nang mabuti para sa ganoon ay maniwala naman kami sa sinasabing bagong pamunuan (GM) ng Ficelco. Lumalabas kasing ang pinaka-makapangyarihan sa nasabing kooperatiba ay ang mga directors. GM, OIC noon wala naman daw sinabi? Ngayon kaya ganun din? Tingnan nga natin kung ano ang magagawa ng isang GM  na kahit maliit ang katawan ay malaki ang puso at utak. Makikita natin iyan sa mga darating na araw.

******

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ipinagpipilitan ng SUWECO na i-install daw ang dalawang genset para matapos na ang problema sa kuryente? Ang sa kanila sa pagkakaintindi ko ay hydro power plant. Nang ginagawa pa lang ang hydro plant nila, ang ganda ng sinasabi nila? Katunayan may sinasabi sila noon na magkakaroon ng sobrang kuryente ang probinsiya at baka mag-eexport pa tayo? Nasaan na kaya iyon? Nawala dahil ang totoo ang  mga hydro power plant natin ay nagdedepende rin lang sa ulan. Ito ang sinasabi ko noon pa na walang mangyayari sa mga hydro power plant na ito? Tingnan ninyo ang gusto nilang mangyari para daw maibsan ang problema sa kuryente, dapat daw ay bigyang permiso ng NEA na I-install iyong dalawang genset. Genset samantalang hydro plant ang hawak ninyo? Nakakatawa, di ba? Iyong suhestyon ko puwede iyon kumuha kayo ng tubig sa dagat para magkaroon ng tubig ang hydro power plant ninyo. Pagkatapos nito sampahan ninyo ako ng kasong libel, ako lang huwag na kayong magdamay ng iba dahil diyan kayo magaling, ang mang kaso. Mahirap kayong kalaban dahil mayaman ang kompanya ninyo pero maganda ang magiging laban. Mayaman kontra mahirap.

******

Mahirap hulaan ang labanang Pacquiao vs. Mathysse? Wala tayong masyadong naririnig sa boksingerong ito maliban sa katotohanang ang pambato natin ay 40 years old na. Ngayon lang tayo nagkaroon ng boksingerong lumalaban sa ganyang edad. Si Elorde noon ang edad niya sa huling laban niya kay Carlos Ortiz ay 31 years old pa lang siya. Pagkatapos noon ay wala na. Pero dahil sa magaling si Pacman, may disiplina sa sarili at marunong pumili ng makakalaban kaya ang buong sambayanang Pinoy ay pumapabor sa kanya. Pero huwag tayong pakasisiguro baka masahol pa ang laban nito kay Horn? Sa ganito kasing mga laban, malaki ang nagagawa ng edad ng isang tao. Alam nating lahat na kapag nagkakaedad na ang isang tao, humihina na rin ang kalidad ng pakikipaglaban. Sa kahit na anong laro, iba ang laban ng isang bata pa kumpara sa isang may edad na. Iyan ang katotohanang dapat nating tanggapin. Pero dahil marami ng karanasan si Pacman, sana makuha niya sa gulangan ang kalaban niya.  Bilang mapagmahal sa kapuwa Filipino kahit dehado tayo sa edad, Pacquiao pa rin ako!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs