By By Jex F. Lucero
LUCAS PINAHINGA NI PAC-MAN
posted 23-Jul-2018  ·  
1,201 views  ·   0 comments  ·  

Ipinakita ni Pacquiao sa buong mundo na sa edad na 39 ay may asim, alat, at anghang pa siya sa larangan ng larong boksing. Nandoon pa rin iyong gilas sabi nga, at iyong lutong ng mga jab niyang nagpabagsak at nagpayanig sa buong katawan ni Lucas at mga alalay niya na nanggaling pang Argentina at Mexico. Si Lucas ay apat na taong gulang ang lamang niya kay Pacquiao, At napakaganda ng rekord ni Lucas 39 na panalo at 33 nito ay pinabagsak niya ang kanyang mga kalaban. Problema sa laban niya sa ating paboritong boksingero, siya ang pinabagsak at pinaayaw sa loob lamang ng 7 rounds.

*****

Sa hula ng promoter ng Golden Boy Promotions na si Oscar delta Hoya na nagsabing ang pinakamagaling daw na boksingerong nakalaban niya ay si Manny Pacquiao na kung mananalo raw si Lucas, iyon ay sa pamamagitan ng knockout at kung si Pacquiao naman ang mananalo iyon ay sa puntos lamang. Ang hula ni dela Hoya ay kabaligtaran ang nangyari. Umuwi ang bata ni dela Hoya na si Lucas na luhaan at balita ko ay naglulupasay daw sa galit dahil sa kanyang pagkatalo. Si dela Hoya ay nagwala din daw dahil malaki ang talo nito sa pustahan pero nakangiti pa rin dahil kahit papaano ay kumita siya ng malaki sa nasabing laban. Pero ang pinakamasaya at kilalang palaban sa pustahan at uuwing paldo ang bulsa ay walang iba kundi si Chavit Singson.

*****

Sa totoo lang ay marami akong hindi gusto sa kababalangkas pa lang na panukalang Saligang Batas. Sa kasalukuyang ang mga kongresman natin ay mahigit dalawang daan lamang at ang mga senador natin ay beinte kuwatro lamang. Pero sa pinapanukalang Saligang Batas na Federalismo ang mga kongresman natin ay abot apat na raan at ang mga senador ay trenta y sais. Akala ko mababawasan iyong mga buwaya sa kongreso. Iyon pala ay lalong dumami. Halos dalawangdaan ang madadagdag kung sakaling maaprobahan ang Federalismo. Kawawa na naman ang mga Pinoy nito.

******

Pero meron akong gusto sa  Federalismo at ito ay ang provision sa Anti-Dynasty kung saan ay well defined na ito.  Pero ang tanong ay papayag naman kaya ang mga kongresista at mga senador kung saan ay magkakamag-anak halos lahat sila? Magmula sa pangulo, mga senador, mga kongresman, mga alkalde at iba pa halos lahat sila ay magkakamag-anak. Sa pinapanukalang Saligang Batas mababawasan ang mga suwapang sa impluwensiya, kapangyarihan sa gobyerno. Maganda ang nilalaman ng anti-dynasty provision sa panukalang Batas at sana naman ay magpakatotoo ang mga tao sa kongreso.

******

Mistulang ginaya na naman natin ang estilo ng mga Amerikano kung saan ang pinapanukalang pwedeng Batas natin ay maliwanag na patterned sa US Constitution.Halos lahat ay kinuha natin sa US Constitution. Well, walang masama basta ba sa ikabubuti ng ating kababayan. Ang masama kung nanggagaya na tayo tapos palpak pa? Sa paghahalal ng pangulo kasama nating ihahalal ang pangalawang pangulo. Pag manalo ang pangulo sakop mo na ang pangalawang pangulo. At agad-agad ang pangalawang pangulo ay meron puwesto kaagad. At hindi puwedeng basta-basta maaalis. Hindi katulad ng kasalukuyang Constitution natin na ang pangalawang pangulo ay walang trabaho at puwedeng alisin ng pangulo anuman oras na gustuhin niya.

*****

Sabi ni PRRD hindi raw siya magre-resign kung ang papalit daw sa kanya ay si VP Leni Robredo. Ayaw niya raw na ang papalit sa kanya ay isang “incompetent”. Incompetent nga ba? Eh bakit ang lakas ng loob na siya raw ang mamumuno sa opposisyon? Huh wala na bang ibang pupuwede? Nandiyan naman si Trillanes, bakit hindi siya ang mamumo? Nandiyan si Drilon, si Pangilinan, at hindi ang isang babae na incompetent sabi ni Duterte. Nauubusan na ba sila ng tao? Kawawa naman!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs