By By Jex F. Lucero
Walang eleksyon sa 2019?
posted 30-Jul-2018  ·  
1,145 views  ·   0 comments  ·  

Kamakailan ay pumili ng mga opisyal ang Calatagan High School-Central Parent Teacher Association (CPTA) Officers. Ang mga nahalal ay ang mga sumusunod: Pepito “Jex” F. Lucero, president,   Merito P. Balin, vice president, Richard M. Pacora, secretary, Mary Jane T. Quintanilla, treasurer and Michael Clemente, auditor. Committee on Internal affairs, Nelyn Zuniega, chairman, Rachel Valeza and Norman Sebastian, members. Committee on External Affairs, Olivia Tabuzo, Chairman, Ma. Leonora Tapel and Elsie Valeza, Members. Committee on Plans and Projects, Garry Gianan, Chairman, Romeo Sapico and Josephine Panti, Members. CPTA Coordinator  Michelle S. Icaranom at Assistant CPTA Coordinator Reashiela Khan, Principal ng Calatagan High School, Mr. Danilo V. Taway. Induction of elected and appointed officers soon to be announced.

******

Isang taga-media na naman ang pinatimbuwang ng mga taong hindi mo maintindihan kung bakit pag ang isang tao ay nagsasabi ng totoo ay hindi nila nagugustuhan? Sabi the truth will set you free. Hindi pala totoo ang nasabing kasabihan. Ang totoo at tama pala pag nagsabi ka ng totoo, ikaw ay papatayin. The truth will kill you. Isa na itong katibayan dahil itong pinatay na radio broadcaster sa Daraga pag pinagsabihan daw ito ng ina nito na maghinay-hinay sa mga sinasabi niya bilang anchor, ang sagot daw nito ay”basta totoo ang pigasabi ko dae ning problema.” Kaya ayun si Joey Llana na isang napakabatang taga-media at nagsasabi lang ng totoong obserbasyon niya sa mga totoong nangyayari sa ating gobyerno at kapaligiran ay pinatahimik ng mga taong walang nagawa sa buhay nila. Sa totoo lang sigurado akong ang mga nasa likod ng krimeng ito ay mga taong sinusunog na ang kaluluwa sa impiyerno. Sana totoo ngang may impiyerno para sa ngayon ay sinisilaban na.

******

Maniwala kayo sa hindi ang pinakatotoong nakasira sa administrasyong Duterte ay ang pagpapatupad nila sa Tax Reform Law (TRAIN). Dito nagkalokoloko ang ekonomiya natin na ayaw lang nilang tanggapin ang katotohanang ito dahil sa kanilang paniniwala na sa hinaharap ay makakabawi ang ating gobyerno. Kung makakabawi, walang problema. Papaano kung lalo tayong mabaon sa paniniwala? Marami na ang namatay sa paniniwala! At marami pa ang maghihirap o mamamatay sa maling paniniwala. At lalo pang tataas ang inflation rate dahil sa paniniwalang akala lamang. At pag ito ay nagpatuloy dito na mag-sisimula ang kalbaryo ni San Rodrigo at ito ay dahil sa mga bopol niyang mga ekonomista. Kasabihang ang sumisira sa bakal walang iba kundi ang sarili niyang kalawang.

******

Samantala kung oobserbahan natin itong mga miyembro ng grupong makabayan daw ito, makikita nating kahit sinong pangulo ang ilagay natin diyan ay palagi nilang kinokontra. Wala silang nagugustuhang tao na nandidiyan sa Malakanyang. Lahat ayaw nila. Lahat ay mga tuta daw ng Kano. Lahat sila ay walang nagagawang mabuti. Lahat sila ay masama. Lahat sila ay mga bobo. Lahat sila ay mga korap. Lahat sila ay mga palpak na para bang ang ibig sabihin ay sila ang pinakamagagaling sa buong Pilipinas. Lalo na itong Renato Reyes, itong si Casiño at mga nahahawang mga kabataan sa UP na mga nakikinabang sa libreng tuition. Ano kaya sila? Mga Filipino ba sila o mga taga-Africa?

*******

Pasok na sa final ang SMB ng pataubin nila ang Alaska Aces sa best of five series kung saan ay nakaisa lang ang manggagatas. Hindi na sila pinaporma ng SMB sa pang apat na laro at ito ay tinuldukan na nila at naghihintay na lang sa mananalo sa labanang Rain or Shine at Barangay Ginebra. Tabla ang bakbakang ROS at Gin Kings. Pag hindi nagustuhan ng Gin Kings ang amoy ng pintura at nahilo sila, talo ang Gin Kings. Pero naman pag nalasing ang Elastomer Painters sa alak na Gin, talo din sila. Samakatuwid magkakatalo lang sila sa pagkahilo. Hilo sa amoy ng pintura at hilo sa pagkalasing. Parehong nakakahilo!

******

Malamang walang eleksyon kung ipipilit nila ang plebisito at ginusto ng tao ang pinapanukalang pagbabago ng Konstitusyon. Kasi sa ayaw nila sa gusto, kapag nabotohan ng mga tao ang panukalang pagbabago ng Konstitusyon, magkakaroon ng transisyon galing unitary patungong federalism. At sa tantiya ng mga nagpanukala ng bagong Saligang Batas, ito ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong taon. Kaya kung ganito ang mangyayari, ang susunod na eleksyon ay sa taong 2022. Pabor sa mga nakaupo! Palakpakan sila Pero nagparinig na ang pangulo na ayaw niya ng walang eleksyon sa 2019. Pero kung ang taong bayan ang kikilos sa pamamagitan ng Peoples Initiative, iyon naman ay iba nang usapan.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs