By By Jex F. Lucero
KUSOG BIKOLANDIA INILUNSAD
posted 13-Aug-2018  ·  
1,156 views  ·   0 comments  ·  

Nilinis ng Ombudsman ang pangalan ng dalawang pulitiko na sina Gob. Cua at Alkalde Laynes ng Virac at Bgy. Captain Helario Sarmiento ng Palta Small. Nangyari ang lahat dahil sa isinampang kaso ng maybahay na pinaslang na si Larry Que. Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa nadiskubreng shabu laboratory sa Palta Small. Lack of merit ang rason ng Ombudsman kung bakit ibinasura ang kaso.

******

July 31, 2018 PAPI Convention at eleksyon ng mga bagong opisyal ng nasabing media organisation. Ang nahalal na pangulo ay si Nelson Santos. Ang convention at eleksyon ay ginanap sa National Press Club, sa Manila.

*******

Samantala, ginanap naman ang First Bicol all Media Convergence ng KUSOG BIKOLANDIA sa Legazpi City kung saan ang nasabing press conference ay nilahukan ng mahigit 400 na mga taga-media (print and broadcast). Pinakamalaking bilang sa buong BIKOLANDIA ang naganap na pagtitipon ng mga taga media sa buong Bikol para sa paglulunsad ng KUSOG BIKOLANDIA. Ang KB ay nakasalang na sa Comelec para sa akreditasyon nito. Ang KUSOG BIKOLANDIA pumapangalawa na sa Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Duterte ng Davao.

******

Ang paglulunsad ng KUSOG BIKOLANDIA ay ang isa na marahil sa pinakabonggang pagtitipon ng mga taga-media sa buong Bikol. Ang Chairman ng nasabing organisasyon ay pinangungunahan ng negosyanteng taga-CamSur na si Noel de Luna at ang pangulo nito ay walang iba kundi ang ating kababayan na si Atty. Jorge Sarmiento.

******

Nauuso ang mga pagpatay sa mga pulitiko, nanunungkulan man ito o hindi o mga naging alkalde halimbawa o naging konsehal kaya. Lumalabas sa mga balita na ang dahilan ay puwedeng sa pulitika o di kaya dahil sa matagal ng alitan. Sana ay hindi naman umabot sa atin ang ganitong mga pangyayari. Pero hindi natin maiaalis na baka mangyari din ito sa atin dahil kung magkaminsan ang pulitika sa atin ay umaabot na sa sukdulan. Diyan madalas nangyayari ang mga karahasan kapag umabot na sa sukdulan ang sobrang pamumulitika. Pero sana kung isa kang pulitiko dahil tahimik naman ang probinsiya natin, dapat ang paiiralin ng mga pulitiko ang hinahon at pagpapakumbaba.

******

Hindi ninyo madadala kung saan man ang kapangyarihan ninyo. Ang masaklap pa niyan kapag napagbintangan kayo na kayo ang nagpayari sa isang tao, tatatak iyan sa ulo ng mga naagrabyado at tiyak na magkakaroon ng mga paghihiganti at diyan magkakaroon ng panibagong patayan. Gantihan  ika nga kaya sa kalaunan wala ng tigil ang patayan sa isang lugar. Tingnan ninyo sa ibang probinsiya halos nagkakaubusan ng kanilang lahi dahil sa kanilang karumal-dumal na gawain.  Ipanalangin natin na sana maisantabi ang karahasan at kababaang loob ang siyang loving nasa isip ng bawat isa lalo sa mga pulitikong walang ibang hangad kundi kapangyarihan at sarilling kapakanan lamang.

******

Bumaba daw ang bilang ng krimen sa ating probinsiya ng 41%. Magandang balita at least may malaking pagbabago sa ating kapaligiran. Akalain mong 41% ang ibinaba? Alam kasi natin na ang tendency ng krimen sa atin ay palaging pataas. At ngayong bumaba ito dapat lalong pagbutihin ng mga otoridad ang kanilang magandang ginagawa unless na ang totoo pala ay hindi totoo ang balita na bumaba ang bilang ng krimen sa atin? Kaya dapat magsumikap ang mga otoridad natin.

******

Kasi sa totoo lang sa ibang lugar ang mga otoridad ang totoong mga pasaway. Pulis sangkot sa hulidap, pulis sangkot sa pangongotong, pulis sangkot sa KFR, pulis sangkot sa panggugulpi, meron pa ngang pulis isang rapist, at iba pang mga krimen na sa halip na pulis ang tagapagpatupad ng batas ay sila ang sangkot sa mga krimen. Nakakalungkot, di ba? Lalo iyong mga napapabalita na mga pulis ang nagtatanim ng ebidensiya sa isang suspek? Masama iyan akalain ninyong inosente ang isang tao dahil lang sa hindi ninyo mahulihan ng ebidensiya ay kayo mismo ang maglalagay para lang makasuhan ninyo ang isang tao? Napakasama!

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs