By By Jex F. Lucero
SANTA CLAUS IS COMING TO TOWN
posted 21-Aug-2018  ·  
889 views  ·   0 comments  ·  

Santa Claus is coming to town. Iyan ang balitang bumulaga sa akin kamakailan ng isang kaibigan at kakilala. Ayon sa nagbalita sa akin, isa  sa mga kakandidato ang mamimigay ng tig-isang sako ng bigas sa buong lalawigan ng Catanduanes bilang pamasko. Wala raw pipiliin, kumbaga ala-Erap style. Kung sa isang bahay halimbawa tatlong pamilya ang nakatira, tatanggap ito ng tatlong sakong Bigaa para sa tatlong pamilya. Sabi pa ng mismong nagbalita sa akin, hindi pa raw muna niya masasabi kung sino ang kakandidarong ito at kung anong puwesto tatakbuhin niya Pero tiyak niya raw na ang nasabing tao ay hindi nagbibiro at totoong gagawin ang mga sinabi niya. Kaya?

******

Tingnan natin sa Disyembre kung hindi nga nagbibiro ang taong ito at tingnan natin kung totoo nga ang pahayag niya? Pero masyadong seryoso ang naghatid ng balita sa akin at sabi pa mukha niya raw ang igagarantiya niya na gagawin ang sinabi ng taong mag-aala-Erap sa pamimigay ng tig-isang sako ng bigas bawat pamilya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw sabihin sa akin ang pangalan ng taong kakandidato. Marahil sosorpresahin ang mga taga Catanduanes at para naman magkaroon siya ng magandang imahen at para din marahil makilala siyang mabuti ng mga tao. Kumbaga magpapakilala siya. Well, abangan na lang natin ang pag dating ni Santa Claus.

******

Samantala maliwanag na marahil sa mga tao ang tila muling pagsasama o pagtandem ni Gobernador Boboy Cua at dating Gobernador Hector Sanchez. Ito na kasi ang paniniwala ng mga tao kung saan sa lahat ng mga pistahan makikita na nating ang dalawa ay magkasama sa mga tarpaulin na nakalagay sa mga kalye. Bumabati at nagpapahiwatig na sila ay muling magkasama sa darating na eleksyon. Kung matatandaan natin nagpahayad na rin ng kanyang posisyon sa kung ano ang kanyang tatakbuhin sa 2019 si PBM Joseph Wong. Kongresman din ang kanyang target. Kaya tatlo na sila, Jorge Sarmiento, Hector Sanchez, at Joseph Wong. Ang dalawa ay wala pang pormal na pahayag maliban kay Wong.

******

Ganundin sa panig ni Gobernador Cua, wala pa ring pormal na pahayag kung sino sa magkapatid ang tatakbong gobernador? Matunog din kasi ang balitang si mayor Bos Te ang tatakbong gobernador. Kung sino talaga sa magkapatid ay abangan na kang natin. Lahat naman kasi ay pakiramdam na lang muna. Kumbaga ay nagtatantiyahan lang muna sila. Ganyan naman talaga sa pulitika kung sino ang medyo matunog ang pangalan at sabi nga pumipick up iyon ang isusubo sa laban. Iyon ay ang sa parte ng magkapatid na Cua.

******

Samantala sa parte naman ng magkapatid na Kong.  Cesar Sarmiento at Jorge Sarmiento, wala pa rin silang pormal na mga pahayag maliban sa pagpapakilala o mga bali-balita na si Kong. Cesar Sarmiento ay kakandidatong gobernador at kongresman naman si George. Sa pagkakatatag ng mabonggang Kusog BIKOLANDIA, may mga nagpapalagay na si Jorge Sarmiento ay baka kakandidatong kongresman sa partylist at gagamitin ang putok na putok ng KUSOG BIKOLANDIA. At may malakas ding balita na itong si dating gobernador Cely Wong ay kakandidato ring kongreswoman partylist sa ilalim ng Senior Citizen. Well, ang lahat ay hindi pa pormal. Ang lahat ay kailangang marinig muna natin sa mismong bibig nila. Ang mga Wong kongreso ang target. Ang mga Cua kapitolyo dahil hindi sila puwede sa kongreso bilang mga naturalized Filipino Citizen. Ang mga Sarmiento kapitolyo at kongreso. Ako naman ang target ko CR dahil kanina pa ako nadudumi. Samantala nagpadala sa akin ng mensahe si Marlon Suplig na tuloy daw pag kandidato niyang PBM. Ako naman pag-iisipan ko pa dahil pinipigilan ako ng kaibigan kong artista na maghunos dili daw muna ako dahil iyong pondo ng gagamitin sa pangangampanya na sequester daw ng kabit niya at malamang na hindi na makukuha pa. Patay!!!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs