By By Jex F. Lucero
HINDI MAUBOS- UBOS MGA SALOT SA ATING PROBINSIYA
posted 27-Aug-2018  ·  
1,235 views  ·   0 comments  ·  

Kasong murder laban kay Gob. Cua, et al kaugnay sa  pinaslang na si Mr. Larry S. Que ay dinismis ng DOJ base ito sa  resolusyong  inaprobahan makaraan ang sampung  buwan at inilabas kamakailan lamang. Ang rason kung bakit binasura ang kaso ay insufficiency of evidence.

******

Balik sa mahal na presyo ang bigas natin (commercial rice). Hindi ko alam kung ang NFA rice natin ay iyong magandang klase tulad ng NFA rice kamakailan na wala-wala ang mga commercial rice. Sana ang bigas NFA natin ay iyong bigas para pagkain ng tao. Kasi naman ang bigas NFA noon tunay na pambaboy lang talaga. Iyong lasa iyong amoy para sa hayop lamang. Sana naman iyong bigas para sa tao. Hindi naman tayo mga hayop di ba? Mura nga, hindi naman kaya ng sikmura natin. Be kind to human beings naman. Mga tang na nyo!

******

Mahigit 300 ang mga barangay sa buong lalawigan ng Catanduanes at ayon sa PDEA 20 barangay lamang sa buong probinsiya ang matatawag na drug-cleared. Asus.. ang dami pa palang barangay ang nasa question mark, ano? Ang tagal na ng kampanya laban sa droga, hindi pa rin nauubos ang mga salot sa lipunan dito sa ating probinsiya. Ang liit-liit ng probinsiya natin, hindi sila maubos-ubos. Bakit kaya? Kung sinlaki ng Albay ang probinsiya natin, maniniwala pa ako. Pero itong Catanduanes OMG hanggang ngayon pinamumugaran pa rin ng mga kampon ng mga diyablo?

******

Ayon kay PBM Joseph Al Randie Wong, magfo -focus daw siya sa livelihood o pangkabuhayan kung sakaling mahalal siyang kongresman ng probinsiya ng Catanduanes. Pulitiko na rin kung mangarap si PBM. Nagdeklara na rin itong si PBM Wong bilang kakandidatong kongresman at kamakailan ay sumapi na rin ito sa partido ni Sen. Villar ang Nationalista Party. At napabalita ring ang dating gobernador Cely Wong ay tatakbo ring kongresswoman sa Senior Citizens Partylist. Ayos...

******

 Sa 2017 report ng COA sa bayan ng Caramoran, lumalabas na mga gastador, ibig sabihin malalakas gumastos, sa load ng kanilang cellphone ang office of the vice mayor at ang SB at iba pang opisina ng nasabing munisipyo. Ang opisina ni Mayor Popa na may nakalaang budget sa opisina niya na three hundred thousand pesos pero ang nagastos lang ng opisina niya ay abot lang mahigit ostsenta mil pesos lamang. Wow, ang tipid ni mayor! Iyong mga magastos na iyon kaya siguro ginagawa nila iyon dahil hindi naman kanilang pera. Sige lang kayo mura lang naman ang bayad sa abogado pag may kaso na sa Ombudsman, di ba?

******

Sa mga magulang ng Calatagan High School na ang mga anak ay nag-aaral sa nasabing paaralan, nais po namin kayong paalalahanan na ang Induction Ceremony and Ball ng nasabing paaralan ay sa petsa 24 ng Agosto, 2018. Mag-uumpisa po ang programa 2:30 ng hapon. Meron pong paraffle sa mga magulang kaya dapat nandoon po kayo para masaya ang lahat. Invited po lahat ng taga-barangay Calatagan.

******

Sabi ng mga senador, naghihingalo na raw ang Federalism na isinusulong gobyerno ni PRRD. Sa nakikita ko nga tila ayaw ng mga senador ang Federalism kasi ng delikado sila. Tulad ni Lacson kung sa lugar nila talbog siya dahil malalakas ang mga makakalaban niya. Kasi nga bawat region ay dalawa lang ang kukuning senador. Kung dito sa Bikol ang dami ng mayayaman dito at puwedeng pataubin si Trillanes, si Escudero, si Honasan kaya wala sila. Muli ang pansariling interes ng mga pulitiko ang nangingibabaw kaya tama ang sabi ng mga senador na papatayin nila o mamamatay na ang pederalismo ni PRRD. Pero ang PRRD ay hindi pa nagsasalita at hindi pa nakikialam. Sa tingin ko gagawa at gagawa iyan ng hakbangin at magugulat na lang ang lahat.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs