By By Jex F. Lucero
KINAKAPOS NG TUBIG ANG VIRAC
posted 17 days ago  ·  
443 views  ·   0 comments  ·  

Lalong tumaas ang approval rating ni PRRD sa kabila ng pambabatikos at pambabastos ng kanyang mga kritiko, tulad ni Trillanes, Joma Sison at iba pang mga malalaking personalities na hindi gusto ang kanyang pamamalakad. Ang mga pangyayaring ito ay patunay lamang na gusto siya ng mga tao at ang kanyang pamamalakad bilang lider ng bansa. Ang isang malaking isyu laban sa kanya ay ang tax reform law dahil sa biglang pagtaas  ng mga bilihin. Pero sa kabila ng nasabing isyu ay mas tumaas pa ng walong porsiyento ang approval rating ng pangulo mula 80% ito ay tumaas pa at naging 88%. Iba talaga ang Duterte magic!

******

Galit na galit si PRRD sa balita ni Joma Sison na ito raw ay na-comatose. Sinungaling daw ito. Nosibalasi ang mga nagsasalita. Isang 73 at isang 76 years old. Sabi ni PRRD pag nagkita raw sila sa impiyerno ay sasampalin niya raw ito.Sa impiyerno? Nangangahulugang pareho na silang tepok? Pero sabi ni Duterte malamang daw na mauunang mamamatay si Sison dahil mas matanda ito sa kanya. At sabi pa nga sakitin na ito at maya-maya lang ay nasa hospital. Matatandaan nating si Sison ay isa sa mga naging Professor ni Duterte. Estudyante kontra professor. Ang isa komunista at ang isa ay ayaw sa komunista dahil matagal na raw na patay ang komunismo sa buong mundo.

******

Ang Central PTA ng Calatagan High School ay nagpapaabot ng pasasalamat sa mga sumusunod sa naging maayos na Induction Ceremony and Ball, Gob. Boboy Cua, sa mga na ipamigay na mga goods sa raffle, Vice Gob. Shy Abundo dalawang libong pisong cash, PBM Joseph Al Randie B. Wong limang libong pisong cash at dalawampung sako ng semento, at limang libong pisong cash naman kay Cong. Cesar V. Sarmiento para sa sound system, at dalawang libong pisong cash galing kay Mayor Laynes ng Virac. Maayos ang nasabing okasyon at sabi nila successful daw. Kung gayon ay salamat po lalo sa mga magulang na dumalo at lalo sa mga guro. Salamat sa mabait na punong guro, Mr. Taway Ms. Aileen Tabilog ang Assistant Principal, sa aming Coordinator Ms. Mischelle Icaranom (the best so far) at ang treasurer ng CPTA na si Ms. Mary Jane Quintanilla at ang aming secretary Mr.Pacora, kay Ms. Maria Garvida, Ms. Elsie Valeza at sa masipag na BOD na si Romeo Sapico at Josephine Panti.

******

Narito ang mga Officers ng Central PTA Officers ng Calatagan High School. Pepito “Jex” F. Lucero, president, Merito P. Balin vice president Richard M. Pacora secretary, Mary Jane Quintanilla treasurer, Michael P. Clemente auditor., Committee on Internal Affairs, Nelyn Zuniega chairman, Rachel A. Valeza and Norman Sebastian members.Committee on External Affairs, Oliver M. Tabuzo,  chairman, Ma. Leonora C. Tapel and Elsie Valeza members. Committee on Plans and Projects, Garry B. Gianan Chairman, Romeo U. Sapico, Josephine Panti, and Maria Garvida members. Ms. Mischelle S. Icaranom CPTA Coordinator and Reasshiela L. Khan Asst. Coordinator. Marami pong salamat sa inyong lahat for a job well done.

******

Meron daw tayong krisis sa tubig. At totoo nga naman. Pero hindi daw nagkakasundo ang mga kasapi ng SB Virac. Ang sabi ng mga kumokontra sa pagdedeklara ng State of Calamity dito sa bayan ng Virac ay pag-aaralan daw muna ang totoong sitwasyon kung kailangan na ngang magdeklara ng state of calamity. Teka muna SB ba ang dapat kumilos na parang grabeng pagmamadali o ang Viwad? Kasi sa totoo lang ang sinisisi at minumura ng mga tao ay ang Viwad lalo na raw iyong mga Board of Directors nito.Tulad din sa Ficelco pag panay ang brownout ang pinuputakti ng mga pagmumura ay Ficelco. Tanong nila bakit pag dating sa problema sa tubig ang nagkakandarapa ay ang LGU Virac lalo na ang SB? Nagtatanong lang sila?

******

Nang halos magkamatay-matay tayo sa grabeng brownout at init ng panahon, hindi daw kumikibo ang bayan ng Virac maging ang ating probinsiya? Ngayon daw nagkakandarapa ang bayan ng Virac dahil sa problema sa tubig? Bakit daw hindi ang mga taga-Viwad ang pinipitpit? Well ang lahat po ng reklamong ito ay galing sa mga nagrereklamong mga consumers. At sa tingin ko mukhang may punto ang mga reklamador. Bakit nga hindi tinututukan ng mga taga Viwad ang problemang ito? Gumawa kayo ng nararapat na paraan. Bakit sa ibang probinsiya hindi nagkakaproblema samantalang ang kinukunan nila ng tubig ay ilalim ng lupa. Punta kayo sa Aklan at ang tubig nila ay galing sa ilalim ng lupa. Hindi ba ninyo kaya ang ginagawa ng taga-Aklan? Napakarami ng deposito ng tubig ng ilalim ng lupa natin, hindi ba? Gumawa.kayo ng nararapat na paraan. Tanong magkakatubig ba tayo kung magdedeklara ng State of calamity ang SB ng Virac?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs