By By Jex F. Lucero
Nang-uuto ng people power mga kalaban ni Duterte
posted 17-Sep-2018  ·  
961 views  ·   0 comments  ·  

Nanawagan ang mga taga-oposisyon sa pangunguna ng guwapong asawa ni Sharon Cuneta na pumunta raw sa Senado kung saan naroroon ang senador na si Trillanes na ikinulong ang sarili niya para hindi siya mahuli ng mga otoridad sa bisa ng arrest warrant na may kaugnayan sa pagpapa-walang bisa ng amnestiya na iginawad sa kanya ni dating pangulong Aquino. Ayon kay Pangilinan, People Power na raw. People Power na raw pero ang mga tagasunod nila ay mangilan-ilan lang. Wala na hindi na kumakagat ang mga tao sa mga pakulo ng mga taong ginagamit lang ang masa para sa sarili nilang interes at kapakanan. Tulad sa mga People Power noon kung saan ng nakapuwesto na ang mga demonyo, sila na ang mga hari at sila ang nagpasasa sa pinaghirapan ng mga taong nagbuwis ng kanilang buhay. At ngayon nananawagan na naman ang mga demonyo para gamitin na naman ang mga tao sa dating gawain nila na gagamitin ang mga tao para sa sarili nilang interes at kapakanan. Ang ginagamit naman nila ngayon ay ang social media bukod sa mga taong puwede nilang utuin at papaniwalain. Come on, sama na kayo, mga uto-uto!

******

May mga taong tapat kay PRRD na tila sinusulsulan ang pangulo na magdeklara ito ng Rovolutionary Government tulad ng ginawa ng yumaong pangulo na si Cory Aquino. Ang REVGOV ay mas masahol pa ito sa Martial Law. Puwedeng tunawin nito ang Kongreso na binubuo ng Mataas at Mababang Kapulungan at lahat ng gobyerno lokal. Ang gagawin ni DU30 kung saka-sakali ay magtatalaga ng mga Officer-in-Charge (OIC). At ang susunod ang panukalang batas na Pederalismo ay wala nang makakaharang. Tuloy-tuloy na at magkakaroon na tayo ng Bagong Saligang Batas. Ito ay mga hala-haka lang pero iba ang utak ng pangulo lalo ay may mga  senador din na ang mga utak ay mga patiwarik din. Pag nagharap ang mga senador na balagbag ang utak kalaban ang pangulo, lugi sila dahil kapag nagdeklara ang pangulo ng Revolutionary Government, para silang ice cream na basta na lang matutunaw. Ang tanging masasabi na lang nila ay babay, mga malalaking proyekto ng gobyerno. Patay, wala na tayong SOP. Lahat, pati mga gobernador pababa, ubos.

******

Ito ang nakakatakot na senaryo kung saka-sakali. At puwede ring iyong mga notoryus na mga magnanakaw sa gobyerno delikado. At maniwala kayo sa hindi ang haka-hakang ito tungkol sa RevGov ay matagal nang niluluto ng mga maka-Duterte at sabi nga vetsin na lang daw ang kulang at puwede na itong hanguin at ilatag sa lamesa para kainin. Ngayon ang labanan ay pakiramdaman. Alam nating ang utak ni DU30 ika nga ay may pagka-weirdo. Hindi mo maintindihan pero isang bagay lang ang mabuti, ang hangarin niya na mapabuti ang sambayanang Filipino. Ang bunganga niya ay hindi mo mapigilan dala ng grabeng emosyon niya sa mga kapalpakang ginagawa ng mga kababayan nating mga salot sa lipunan. Palaban siya sa lahat ng bagay lalo kung apektado ay ang mga naaapi at ang mga nang-aapi ay mga matataas na tao sa lipunan na kung tawagin natin ay oligarchs.  Makiramdam tayo!

*****

Pag nagdeklara ng Revotionay Government may eleksyon pa kaya? Depende iyan sa kung ano ang gusto ng pangulo. Pag sinabi niyang wala nang Kongreso at lahat ng elected official deklaradong bakante, wala na siyempreng eleksyon. Diyan na naman natin makikita iyong mga sipsip sa mga malalapit kay DU30 o sa kanyang mga alipores. Katakotakot na sipsipan, sikuhan, gulangan, siraan para lang ma-appoint na OIC. Mangyayari lang naman ito kung idedeklara ng pangulo ang Revolutionary Government. Pero kung hindi naman tuloy ang eleksyon at sabi nga happy days are here again.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs