By By Jex F. Lucero
People power natunaw na
posted 30-Sep-2018  ·  
797 views  ·   0 comments  ·  

Napakaraming reklamo ang ibinabato kay Honorable Contreras. Na hindi naman napagtataka dahil ang ganitong bagay ay normal lamang sa judge dahil nga isa siyang judge. Pero ang nakapagtataka ay ngayon lang ito nangyari sa kabila ng napakatagal na niyang isang judge dito sa RTC Virac. Maraming mga isyu ang ikinakabit kay Honorable Contreras bagama’t ang iba ay tila personal na at masasabi nating may isang tao o mga tao na nasa likod ng mga reklamo laban sa kanya. Ganyan talaga ang buhay ng isang judge. Noon nga may isinampang  petisyon laban sa judge ang Sangguniang Panlalawigan (SP) kung saan gusto nilang mapatalsik ito. Ang hirap talaga pag judge ka. Pero judge ka at kailangan ay panindigan mo ang pagiging judge mo at kailangang harapin mo anumang problema ang dumating sa buhay mo bilang isang judge. Kaya ang dapat ginagawa ni judge sa anumang reklamo ang ibabalibag sa kanya, sige lang dahil iyan ang mga ganyang bagay ay parte ng kanyang trabaho. At umasa kayong anumang reklamo ang nasa harapan ni Honorable Contreras, haharapin niya iyan at sasagutin niya lahat.

******

Natatandaan nating napabalita na may suspension order daw ang Supreme Court laban kay Honorable Contreras. Pero nagfile naman daw ito ng Motion for Reconsideration. At kung wala daw mangyari sa motion na isinampa niya ay susunod siya sa order ng SC. Na siya namang dapat. Pero iba naman ang mga isyu dito kung saan judge laban sa isa pang judge at isa pang judge. Kumbaga tatlong judge ang sangkot sa nasabing mga kaso. Ang ganda ng labanan, ano? Doon sa una, mga akusadong nakakulong sa BJMP ang mga reklamador at lumalabas daw na hindi nila alam kung ano mga rirereklamo nila. Iyon ang masama, pipirma ka sa isang reklamo ng hindi mo alam kung ano pinirmahan mo at inirereklamo mo. Kaya sa susunod kayong mga taong hindi ninyo alam kung ano ang pinapipirmahan sa inyo, huwag lang pirma kayo ng pirma. Darating ang araw na ipapahamak kayo sa ganyang ginagawa ninyo.

******

Umani ng papuri ang programa ng gobyerno laban sa droga.Lumabas sa survey ng SWS ang very good satisfaction rating na 78% ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga. Ito ay sa kabila ng kampanya ng mga kritiko ni DU30 na kung saan pinalalabas na napakasama ng kampanya nggobyerno laban sa droga. Pinalalabas ng mga oposisyon sa pangunguna ni Trillanes, et. al. na peke ang papeles sa kanyang amnestiya na iginawad ni dating pangulong Aquino, na ang mga napapatay daw sa drug war ay mga mahihirap at maliliit lamang. Dito sa resulta ng SWS, lumalabas na gusto ng mga tao ang ginagawa ng gobyerno. Ako man ay gusto ko rin ang kampanyang ito laban sa iligal na droga. Sabi ko nga, salot sa lipunan ang mga pusher, user, druglord at para sa akin kung pupuwede lang ay dapat kunin na silang lahat ni Lord. Sige na po, Lord. Ang problema, ayaw ng ganito ng mga pari. Gusto nila huwag silang papatayin, manapa’y alagaan sila at bigyang kalayaan para sa darating na araw makapatay, makapanggahasa, habang lulong sa droga, makapagnakaw para pambili ng shabu at makagawa ng marami pang iba-ibang klase ng krimen.

*****

Samantala iyong inaasahang people power kuno ng mga kritiko ni PRRD noong anibersaryo ng Martial Law na inaasahang dadaluhan daw ng mga aabot sa isandaang libo ay lumiit ito ng hanggang kulang kulang apat na libo na lamang. Hindi nila nakuha iyong isandaang libo sa kabila ng mga black propagandang ibinabato kay PRRD. Naririyan ang sinasabing convicted ito ng isang international tribunal at iba pang mga paninirang sabi nga below the belt. Halos hindi na makain ng isang tao ang mga paninira sa pangulo. Pero sa halip na paniwalaan ang mga paninira ay lalong tinatangkilik ang mga programa ng gobyerno. Lalong tumaas pa ang trust rating ng pangulo sa kabila ng walang humpay na panunuligsa ng mga oposisyon at sa kabila ng pagsama ng simbahan sa pagtuligsa sa mga programa ng gobyerno at sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin. Na maituturing ding malaking pagkakamali ng mga taga oposisyon na sa halip na tumulong sa pamahalaan para mabigyang solusyon ang problema ay lalo pa nilang pinalalala.

******

Sa survey ng Pulse Asia ang nangunguna sa mga kakandidatong senador nangunguna si Sen. Grace Poe at sinusundan ito ng isa pang babae na si Sen. Cynthia Villar, Nancy Binay, Sara Duterte, Sonny Angara, Koko Pimentel, Lito Lapid, Bong Revilla at iba pa. Pero ni isa man sa oposisyon ay wala. Ang kumakabit na si Bam Aquino ay nahulog na sa bangin.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs