By By Jex F. Lucero
Virac Public Market at terminal, may pondo na
posted 8-Oct-2018  ·  
1,029 views  ·   0 comments  ·  

CONGRATULATIONS, (FORMER) MAYOR FLERIDA ALBERTO! – Kamakailan napabalita at ngayon nga ay kumpirmadong ang pondo para sa Virac Public Market at Terminal o Integrated Business Complex ay aprobado na ng Malakanyang at ito ay malapit nang pasimulan. Ang lahat ng ito sa pagkakaalam ko ay sa pagsisikap ni dating alkalde Flerida Alberto.Pero ang sinasabing proyekto as originally planned ay sa Moonwalk at hindi ang dating Virac Public Market building dito sa Concepcion na ang kalahati ay abandoned building na.Wala pong nangyari sa mga panukalang mga nasa gobyerno natin para ayusin ang lumang public market. Sa halip ang matutuloy ay iyong pinanukala ni dating alkalde Flerida Alberto na gawin ito sa Moonwalk kung saan ay nabili na ang lupa para sa nasabing proyekto.

*******

MAY MGA HUMIHIRIT PARA ILIPAT SA CAVINITAN ANG VIRAC PUBLIC MARKET AT TERMINAL.

Meron daw mga humihirit na sa halip na sa Moonwalk ay ilipat na lang daw ang nasabing proyekto sa barangay Cavinitan kung saan ay mapapalayo pa sa poblasyon ng Virac ang public

Market at terminal ng mahigit isang kilometro.Dito ay maramiang tumututol dahil masyado na raw malayo sa sentro ng Virac.Isa pa ang aprobadong lugar na nakasaad sa nasabing proyekto ay Moonwalk at hindi Cavinitan. At isa pa rin ang lote sa Moonwalk ay nabilina at kung bibili na naman ng panibagong pagtatayuan ng nasabing proyekto, ito ay aabutin pa ng mga dalawang taon. Lalong matatagalan at galit na ang mga dating nag-ookupa ng mga stall sa nasabing palengke. Pasalamat nga tayo at sa pagsisikap ni dating alkalde Flerida ay nagkaroon ng pondo ang panukalang proyekto. Dalawandaang milyong piso po ang halaga ng nasabing proyekto. Muli, congratulations kay dating mayor Flerida Alberto.

*****

OKTUBRE 26 SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY- Tulad ng ginawa noon ni Cong.CS kung saan ang Catanduanes State Colleges ay ipinaglaban niya sa kongreso para maging unibersidad ito ngayon ay nagawa niya naming special non-working holiday ang Oktobre 26 ang Founding day ng Probinsiya ng Catanduanes. At ngayon ang isa niya naming ipinaglalaban sa kongreso at ito ay umuusad na ay ang tungkol sa kung saan ang probinsiya ng Catanduanes ay magiging Abaca Capital of the Philippines and the World sa dahilang maging sa buong mundo tayo ang pinakamalaking producer ng produktong abaca. At meron pang isang bill na ipinasa ang ating kongresman na nakabinbin sa kongreso at ito ay ang tungkol sa kung saan ang lahat ng capital town ng probinsiya sa buong Pilipinas ay ico-convert into a city. Na siya naming dapat kasi kahit anong gagawin natin sa bayan ng Virac ay walang kapaga-pag-asang maging siyudad ang Virac kung ang pagbabasehan ang mga requirements tulad ng dami ng tao (population). Iyon lang ang tanging pag-asa ang ma-convert ang mga capital town into a city. Samantala ang pakikiramay ay taos sa puso naming ipinaabot sa buong mag-anak ni Cong. Cesar V. Sarmiento sa pagyao ng kanilang kapatid. Muli, condolence po sa buong mag-anak po ninyo.

*****

SALAMAT PO, PBM JOSEPH AL-RANDIE B. WONG – Ang Central Parent-Teacher Association (CPTA) ng Calatagan High School ay gusto ring magpa-abot ng malaking pasasalamat kay PBM Tiptip Wong sa idinonate nitong 20 sakong semento. At least kahit papaano ay hindi na mababasa ang sapatos ng mga bata sa pagpasok nila sa kanilang mga kuwarto. Hindi na sila magrereklamo na nababasa ang kanilang mga paa at hindi na sila magkaka-alipunga. Sa pamamagitan ng mga sementong ibinigay ni PBM Wong natapos na rin ang kanilang pathwalk. Muli sa pamamagitan po ng CPTA ng Calatagan High School, sa mabait na principal na si Mr. Danilo V. Taway at ang aming Coordinator na si Ms. Mischelle lcaranom ganoon din ang vice president ng CPTA Mr. Merito Balin at si Mr. Pepito Avila at mga kasama na siyang nagtulong-tulong para tapusin ang paggawa ng daanan ng mga estudyante patungo sa kanilang mga kuwarto na hindi nababasa ang kanilang mga paa. Muli salamat po, PBM Wong!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs