By By Jex F. Lucero
AMOY PULITIKA NA ANG PANAHON
posted 14-Oct-2018  ·  
1,017 views  ·   0 comments  ·  

NAGPAPA-ALAALA BA SIYA O MAY NAAAMOY? - Nagpapa-alaala ba siya o may nababalitaang kabulastugang ginagawa ang ilang kasapi ng ating kapulisan dito sa ating probinsiya? Kasi sabi ng kauupo pa lang ng pulis director na si PNP-OIC Senior Superintendent Jonathan Panganiban na hindi niya raw ito-tolerate na gumawa ng hindi tama ang ating kapulisan. Puwedeng nagpapaalala, may naaamoy o puwedeng nagbibigay babala sa mga  pulis natin para huwag silang magkamaling gagawa ng hindi naaayon sa batas dahil kung hindi ay maaaring maharap sila sa nararapat na kaparusahan na puwedeng ipataw ng batas. Ako’y naniniwala na more on babala (warning) ang naging pahayag ni director. Just do the right thing and nothing more. At wala kayong problema!

******

CUA DETERMINADONG LABANAN ANG SINUMANG MAKAKAHARAP NIYA - Akala mo tag-ulan nang talaga kasi iyong mga kakakandidato parang mga nasa putikan na at nakatikim na ng ulan kaya Kokak....kokak..na ang maririnig mo na si ganito ay kakandidatong tanod, vice councilor, vice kapitan, vice grip, at vice versa. Si Gob. Cua ay sigurado na raw, uulitin ko na sigurado din ako na mula sa araw na ito at sa mga susunod pang mga araw ay maaaring magbago ang isipan ng isang tao. Kaya’t hangga’t hindi pa nakapagpa-file ng COC ang isang kandidato ay hindi pa natin masisiguro kung totoo ngang kandidato siya. Ang totoo kahit naka-file ka na anytime puwede mong i-withdraw ang kandidatura mo. Pero hindi ko sinasabing magwi-withdraw si Cua dahil sa tingin ko determinadong kakandidato siya at handang labanan sinuman ang makakatapat niya.

*******

KONG. CESAR SARMIENTO HANDA RING TAPATAN KAHIT SINO SA POSISYONG GOBERNADOR - Kahit wala pang opisyal na pahayag si Kong. CS, maliwanag sa mga ikinikilos niya na ang target niya ay ang posisyong gobernador sa darating na 2019 eleksyon. Kung si Gob. Cua ay determinadong labanan ang sinumang makakaharap niya sa 2019 eleksyon, ito namang si Kong. CS kahit wala pa itong masyadong sinasabi o mga pahayag ay handa na rin ito sa palagay ko sa malaking derby. Maganda ang labanan sa gobernador dahil ito ay isa laban sa isa. Kung meron mang sasali sa one on one derby na ito, tiyak ko na iyon ay saling pusa lang. Sa ngayon ang maririnig natin sa mga tao ay iisa lang “magayon ang bakbakan sa gobernador.”

******

DUMAMI KAKANDIDATONG KONGRESMAN - Kung noon tatlo lang ang alam nating kakandidatong kongresman, ngayon ay dumami na sila. Noon ang alam natin ay si Jorge Sarmiento, PBM Joseph Al Randie Wong, at Hector Sanchez. Ngayon biglang naging lima na sila. Meron nang Joseph Santiago, at Atty. Nonong Mendoza. At balita ko ay meron pang dalawang sasali sa sabong sa pagka-kongresman. Sabi mga malalaking negosyante raw ang mga ito at handang tapatan o higitan pa ang ipinagmamamalaki ng mga makakalaban nila. Lahat-lahat samakatuwid ay pito ang mag-uumpugang bato sa puwestong kongresman. Huh.. biglang dumami sila!

*****

VG ABUNDO MAY MAKAKATAPAT DIN SA 2019 ELEKSYON? May narinig akong balita na meron ding makakalaban si Vice Governor Shirley Abundo? Sabi pa sa balita bibigyan niya raw ng magandang laban ang bise gobernador. Ang dahilan daw kung bakit ayaw pang lumantad ang tao ay dahil sa gusto raw bigyang sorpresa ang lahat. Huh..iba rin ang pakulo, ano? Ang nakakatuwa nito ay baka siya ang masorpresa?

******

CITO O FLERIDA? Sa puwestong alkalde sa Virac hindi pa rin tiyak kung sino ang makakatapat ni Mayor Laynes. Si dating alkalde Cito Alberto o dating mayor Flerida Alberto o si Atty. Posoy Sarmiento? Sa tingin ng marami, Alberto vs Laynes ang magbabanggaan. Iyan din ang tingin ko pag hindi si Cito, si Flerida muli ang makakatapat ni mayor Laynes. Pero hindi puwedeng basta-bastahin lang ang grupo ni Atty. Posoy Sarmiento na muntik nang makapusoy noong nakaraang eleksyon? Tatlo malamang ang kandidatong alkalde sa bayan ng Virac. Samantala tatlo rin ang kakandidatong bise alkalde dito sa Virac, Dok Zafe, Dok Arlene, at PBM Sonny Francisco.

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs