By By Jex F. Lucero
MARAMING GUSTO MAGING ALKALDE
posted 21-Oct-2018  ·  
908 views  ·   0 comments  ·  

CATANDUANES RABIES-FREE PROVINCE - Parang ayokong maniwala na rabies-free ang Catanduanes. Kasi sa totoo lang sa dami ng asong kalye (Askal) sa buong Catanduanes, papaano nasabi ng DOH na rabies-free ang Catanduanes? Sa lagay pala, iyong mga asong kalye na nagkalat sa buong probinsiya ng Catanduanes ay mga walang rabies? Parang ayoko talagang maniwala? Ganun pa man nakakatuwa ang balita at kung totoo ang sinasabi nila. Congratulations!

*****

ANG DAMING GUSTONG MAGING ALKALDE?- Dito sa bayan ng Virac, tatlo na ang alam ko, dating alkalde Cito Alberto, Atty. Posoy Sarmiento, at incumbent Mayor Sam Laynes. Sa San Andres naman dati pa rin incumbent Mayor Bos Te at ang  kalaban ayon sa balita ay si Abel Suarez. Sa bayan ng Bato, one-on-one pa rin daw, incumbent mayor Eulogio Rodriguez vs. dating alkalde Rodulfo. Ang maganda ang labanan sa Caramoran. Si dating alkalde lsuela ay bumaba at nakipagsanib puwera sa bise alkalde na si Aguilar. Kandidatong alkalde si Aguilar at ang bise alkalde niya ay si dating mayor Isuela. Baligtaran kumbaga!

******

BOARD TOPNOTCHER SA ENGINEERING EDWIN OGERIO, KANDIDATO RING ALKALDE SA CARAMORAN - Pasok na rin sa pulitika si Engr. OGERIO ang naging board placer sa engineering ng CSC noon na ngayon CSU na. Kailangan na raw na pumasok siya dahil gusto niya raw matugunan ang mga hinihingi ng kanyang mga kababayan. Si Aguilar, at ito ngang si Engr. Ogerio ang makakatapat nila ay ang incumbent mayor Agnes Popa. Pero meron pa raw isang kakandidatong alkalde sa Caramoran na sinasabing magbibigay daw ng magandang laban sa tatlong kandidato na sina Popa, Aguilar at Engr. Ogerio. Good Luck! Bakbakan na!

******

ANAK NI DATING VG BONG TEVES MAPAPALABAN KAY ALKALDE CHITO CHI - Paolo Teves ang pangalan ng anak ni dating VG Bong Teves na siyang makakatapat one on one ni incumbent mayor Chito Chi. Magandang laban ito. Isang walang muwang sa pulitika at isang beterano sa nasabing larangan. Sabi sa Baras ang labanan daw ay parang Bong Teves vs. Chito Chi. Parang ganun na nga yon. Kaya dapat magdouble-time nito si mayor.

******

BONG TARIN PA RIN SA PAGKA-ALKALDE SA VIGA - Samantala usap-usapan pa rin na para raw magaang ang laban ng incumbent mayor ng Viga na si Bong TARIN. Sobrang bait daw kasi ng nasabing alkalde. Kung anong bait ni mayor, ganun din ang kanyang magandang First Lady. Wala akong masabi sa mag-asawang ito. Good luck! Kumusta ko nga pala si Jean.

*****

DI PA RIN MALINAW KUNG SINO SA MGA WONG KAKANDIDATO- Sa Miyerkules wala nang duda kung sino sa mga Wong ang lalaban sa posisyong kongresman. Sinasabi kasing si PBM Tiptip Pero sinasabi rin ng ilan na si dating gobernador Cely Wong. Kung sino sa dalawa, malalaman natin yan pagfile nila ng kanilang kandidatura. Ganun pa man sino man sa kanila puwede. Qualified sila at walang problema. Ang problema lang nila ay kung papaanong manalo sa laban?

******

TULOY DIN ANG LABAN NI MARLON SUPLIG, TULALIAN, CHAVEZ - Ayon kay Marlon Suplig at iba pang kasama, tuloy din ang pagkandidato nila sa puwestong Provincial Board Member (PBM) dito sa West District. Samantala napagpasiyahan ko ring kumandidatong muli sa posisyong PBM dito rin sa West District. Dinedma ako ng Boss ko kaya tuloy ang laban. PBM pa rin ang takbo ko. Pero pagsisikapan kong huwag tumakbo kasi nakakapagod. Maglalakad lang ako. Ang partidong nasapian ko ay ang Lakas-CMD.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs