By By Jex F. Lucero
Milyong-milyong mananaya ang minalas
posted 22 days ago  ·  
307 views  ·   0 comments  ·  

NADALE NA - ang mahigit na bilyong pisong premyo sa lotto. Ang nanalo ay sinasabing taga-Albay at ang isa ay taga-Samar. Hati ang dalawang nanalo ng tig-kalahating bilyong piso. Ang mga masuwerteng taong ito ay ang puwedeng sabihin nating mahal na mahal ng Diyos. Pero hindi naman nangangahulugang iyong mga hindi nanalo ay hindi sila mahal ng Diyos. Ang tawag doon sa mga hindi sinuwerte ay minalas. Milyong-milyong mananaya ang minalas!

******

BAKBAKAN NA - Puwede pa ring magkaroon ng mga pagbabago sa mga posisyong tinatarget ng mga kandidato pero konti na lang ito. Sa gobernador, tulad ng inaasahan magiging mahigpitan ang labanang CUA vs. SARMIENTO. Sa kabilang dako naman, ang bakbakang Chavez vs. Vega ay malamang higpitan din. Samantala ang isa pang gubernatorial candidate na si SUPLIG ang sa kanya naman ay hindi ang makipag-paramihan ng boto sa mga katunggali niya kundi ang sa kanya ay kung sino raw ang ayaw sa iba pang apat na kandidato ay puwede siya. Ganunpaman nakasentro ang matinding labanan sa pagka-gobernador sa SARMIENTO vs. CUA. Walang duda!

******

MAGIGING APAT DAW ANG KANDIDATO SA BISE GOBERNADOR? - Kung bakit ay hindi masyadong malinaw ang balita? Pero lately ito ang usap-usapan. Sinasabi ring malamang daw na magkaroon ng seryosong katunggali si VG Shy Abundo. Sa ngayon tatlo sila, Rodulfo, Tapel, at isang question mark kaya bale apat sila. Pag nagpalitan ng puwesto, malalaman din natin yan? Pero sigurado akong hindi ako dahil sabi ko nga wala akong milyones. Pero kung ako ang nanalo ng four hundred milyon sa lotto, malamang baka ako ang kalaban ni Sarmiento at ni Cua.

******

MAG fb TAYO - Masarap ang bakbakan sa fb lahat ng malalaswang salita ay diyan ninyo matatagpuan. Tulad ng gago, ulol, tanga, ugok, tang ina mo, at marami pang ibang malalaswang salita. Kung noon hindi tayo sanay sa ganitong mga salita ngayon marahil kung mahilig ka sa fb masasanay ka na rin. At lahat ng PEKENG balita ay diyan mo rin mababasa. Iniisip pa lang yata ang isang isyu ay naka-post na.. Diyan mo makikita o mababasa ang mga kasinungalingan, kalaswaan, at iba pang mga bagay na hindi puwede lalo sa mga musmos o mga kabataan. Nakakalungkot isipin pero wala tayong magagawa dahil ang noon ay hindi na ngayon. Ang noon ay kahapon at matagal na yon. Ang ngayon ay malaki na ang mga pagbabago. Lalo sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga tao lalo ang mga kabataan. At karamihan sa nagpi-facebook ay mga kabataan at tunay na mga agresibo. At kung mahina ang sikmura mo sa mga blogger, tiyak na susuka ka ng barko.

*****

MGA TAGA-MEDIA HINDI MAGTATAGAL MAGKAKASAPAKAN - Ang tinutukoy ko ay iyong mga taga-media sa atin. Gusto niyo ng away, huwag niyong pinagtatagal. Kung konting diperensiya din lang, huwag pinagtatagal lalo para matapos na kaagad. Kung matindi away ninyo, magpatayan kayo kaagad kung hindi kayo makikinig sa mga nagsasabi sa inyong mag-ayos lang kayo. Tamang-tama malapit na ang Todos Los Santos, habol na habol pa kayo. Ang problema sumisikip na ang sementeryo. Pero kung apurado kayo, go go go! Huwag nyo lang isasali ang mga walang kinalaman sa kabaliwan ninyo

******

BELATED HAPPY 80th BIRTHDAY MAMA  (MILA IDANAN) Eighty years old noong October 22 ang pinakamabait na biyenan sa buong mundo. Sorry po kung hindi ako nakarating sa birthday ninyo. Natrangkaso po ako at hindi ko talaga kayang magmaneho. Marami pa namang birthday ang darating.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs