By By Jex F. Lucero
Bong Teves kakandidatong Bise Gobernador
posted 11 days ago  ·  
514 views  ·   0 comments  ·  

PNPA PULIS - Pag nagtapos ka ng pagka-pulis sa Philippine National Police Academy (PNPA), tiyak na may sinasabi ka. Para ka ring nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Pero mas sikat ka ngayon pag nagtapos ka sa PNPA. Dahil tapos ka na ng pagka-pulis, tapos ka pa sa kursong oral sex. Galing ano, pati oral sex pinag-aaralan pa nila? Sa akala kaya natin magiging mabuting pulis kaya ang ganitong mga nagpupulis pa lang ay kababuyan na ang itinuturo ng mga nakakataas sa kanila? Natuto sila ng kababuyan sa pagtri-training nila natural na ang natutunan nila ay gagawin nila sa trabaho nila. Hindi ba ganun yon? Sana nga ay hindi? At sana iyong mga baboy na mga nagturo ng kababuyan ay katayin na!

******

PARTE RAW NG HAZING ANG ORAL SEX - Saklap buhay naman kung ang nangyaring oral sex sa mga nagtri-training sa pagpupulis ay parte raw ng hazing. Magpupulis ka sa training pa lang ay bababuyin na ang pagkatao mo? Kung ako ‘yon, papatayin ko lahat na mag-uutos sa akin para gawin ang ganoong magpapababa ng pagkatao ko. Wala akong ititira sa kanila. Kawawa ang mga nabiktima dahil sa hangaring maging pulis kahit hindi na kayang sikmurain ang ipinagagawa sa kanila ay gagawin matupad lang ang ambisyong maging pulis. Kahit ito ay mangangahulugang pagkasira ng buong pagkatao nila. Dapat iyong mga sangkot sa kawalanghiyaang ito ay huwag ng bibigyang pagkakataong makabalik pa sa pagiging pulis.

******

SABIT SA ANTI-HAZING LAW - DIto raw magagamit ang anti-hazing law sa mga lalabag sa batas na ito, ayon kay Sen. Lacson. Itinuturing kasi ang hazing scandal na ito sa oral sex kung saan ang sangkot ay mga kadete. Napakabigat ng mga kaparusahan sa mga masasangkot sa mga kasong hazing kung saan puwedeng mauwi sa habang buhay na pagkabilanggo at milyong milyong pisong multa sakaling mapatunayan ang mga may kinalaman dito. Oral sex parte ng hazing? Hala kayong mga mahihilig sa hazing sa inyong fraternities…

******

BONG TEVES KAKANDIDATONG BISE GOBERNADOR. Nakausap ko pansumandali si dating gobernador Bong Teves at sinabi niya sa akin na kakandidato siyang bise gobernador. At kinumpirma niya ring kakandidatong alkalde ng Baras ang kanyang panganay na anak na si Paolo Teves. Tila may halong intriga ang pagtakbo niyang bise gobernador. Meron daw tumutulak sa kanya para kumandidato siyang bise gobernador. Pagbibigyan daw niya ang gustong mangyari ng mga taong gusto siyang pakandidatuhin. Siguro nakita rin ni Bong Teves na mahirap kumandidato sa isang partylist lalo at ito ay hindi masyadong kilala?

*******

LALONG LUMALA ANG POLITICAL DYNASTIES SA GOBYERNONG DUTERTE - Lahat ng anak ni Duterte ay kandidato. Mga anak ni Erap ganun din, Mga anak ni Sen. Sotto hindi rin nagpapahuli. Mga Singson sa Ilocos, mga Marcos din, mga Villafuerte dito sa Bikol, at iba pang mga lugar sa buong Pilipinas kung saan halos buong mag-anak nila ay mga kandidato. Sa Makati ang mga Binay magkapatid magkalaban. Sa Taguig ang mga Cayetano parang gusto sarilinin na nila. Dito sa atin nauuso na rin. Mga Wong sige na rin, Villaluna sa Bagamanoc mayor iyong tatay iyong anak PBM. Sa San Andres mayor iyong kapatid gobernador iyong isa. Dito sa Virac ayaw ding paiwan ang magkapatid, isa gobernador ang isa kongresman. Pag lumusot ang Federalism ni Duterte ang unang malalagas na pamilya ay ang pamilya ni Duterte kung magpapakatotoo siya sa Federalismo niya. Pero kung magkakalukuhan tuloy ang dinastiya pulitikal sa Pilipinas.

******

HAPPY HAPPY - Kung mahilig kayo sa sports gugustuhin nyo bang kumuha ng isang coach na taga-ibang bansa na ang tanging alam na sabihin sa kanyang mga player ay ang salitang happy happy. Ganyan ang klase ng volleyball coach ng Ateneo Lady Eagles na isang taga-Thailand na si Coach Tai Bundit. Bihira siyang magbigay ng instruction sa mga volleyball player niya maliban sa pagsasabing happy happy. Siya ang coach ng phenom na si Alyssa Valdez noon sa Ateneo de Manila University at ngayon siya pa rin ang coach ng Creamline Cool Smashers ng Premium Volleyball League ( PVL ). Pero sa maniwala kayo sa hindi, hindi siya marunong ng English at lalo na ng Tagalog. Ang tanging alam lang niyang sabihin sa mga player niya ay happy happy. Na ang ibig sabihin niya sa panahon ng paglalaro ay kailangang happy lang sila. Sa maniwala kayo sa hindi, isa siya sa pinakamagaling na coach sa Thailand at champion coach din siya ng Ateneo de Manila Lady Eagles sa larong volleyball.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs