By By Jex F. Lucero
NAGKAKAHIRAPAN
posted 12-Nov-2018  ·  
1,135 views  ·   0 comments  ·  

PEPITO FERNANDEZ LUCERO  a.k.a.  JEX F. LUCERO - Sa mga nakakakilala sa akin lalo at dito ako kumuha ng second year high school diyan sa Catanduanes National High School (CNHS) nang ito ay nandiyan pa sa kapitolyo, sasabihin nilang lahat ng pangalan ko ay peke. Simula kasi sa elementary school, ang pangalan ko ay Jose Lucero. At nang mag high school ako, ang pangalan ko ay Jose Lucero pa rin. Pero ang palayaw sa akin na Jex ay dati na iyan hanggang mag-college ako. Nagtapos ako ng high school sa Manila sa Manuel L. Quezon High School. At ang first-year college ko ay sa Manuel L. Quezon University. Nagpalipat-.lipat ako ng eskuwelahan sa college. Nag-aral din ako sa Davao Central College, diyan sa Catanduanes College at nagtapos ako ng AB at BSE sa Catanduanes State Colleges.

*****

PAPAANONG NAGING PEPITO LUCERO ANG PANGALAN KO? - Nang matapos ako ng college, nag-job hunting tayo at naging empleyado tayo ng kung ano-anong kumpanya (private). Pero gusto ko talaga magtrabaho sa gobyerno. At pinalad naman tayo at limang taon tayong nagtrabaho sa tinunaw na Ministry of Human Settlements ni Imelda Marcos. Nang mawala ang MHS, napasok naman tayo sa Supreme Court. Dati sa Municipal Trial Court, na-promote at napunta naman sa Regional Trial Court bilang Court Interpreter. At doon nga pala itinuwid iyong pangalan ko. Sa birth certificate ko ang totoong pangalan ko ay Pepito at hindi Jose. Iyong Fernandez ay ang apelyido ng mother ko. Kaya PEPITO FERNANDEZ LUCERO. Iyong JEX F. LUCERO iyon ang dati kong pangalan sa kolum kong “TINGNAN NATIN.” At ngayon po isa akong kandidatong muli, muli dahil pangalawa na ito. Talo kasi noong una dahil hindi pa ako nakapagnanakaw para pambili ng bato. Joke pero iyong iba diyan sabi nila nananatili daw sa puwesto nila  kasi magnanakaw sila. Subukan daw nilang huwag magnakaw tiyak  hindi na sila mananalo uli?

******

NAGALIT ANG MGA PARING KATOLIKO SA MGA PAGBIBIRO NI PRRD - Sabi ng CBCP, si PRRD daw ay very sick man. Hehehe. Na pikon sila! Pero kung banatan sa lahat ng simbahan si PRRD, halos walang pakundangan. Ngayon lang nagkaroon ng pangulo ang Pilipinas na ni katiting ay walang takot tuligsain ang simbahang Katoliko. Itong si PRRD ay walang kober-kober sa kung ano ang gusto niyang sabihin laban sa simbahan. Nagmula ang lahat ng ito ng banatan ng banatan ng simbahan si PRRD. Ngayon ay tinuloy-tuloy na ni PRRD. Parang si Rizal. Hangga’t sa ito ay iniwanan ang katolisismo at ito ay naging Mason. Pero ito ay panahon ng Kastila at naiiba ang palakad noon. Alam ba ninyong ang isa sa mga dahilan ng pagsapi ni Rizal sa Mason ay ang pagmamalupit nito sa mga Filipino? Tanong nagmamalupit ba ang mga taga-simbahan sa mga kababayan natin? Kayo na po ang sumagot niyan? Sick man nga ba si Duterte o sinasabi niya lang ang sa akala niya ay tama pero hindi matanggap ng mga taong iba naman ang paniniwala.

******

NAGKAKAHIRAPAN - HIRAP NA HIRAP SA KUNG SINO ANG GUSTO NG MGA BOTANTE - Nagkakahirapan daw ang mga botante sa kung sino ang mga kandidatong iboboto nila sa 2019? Sa puwestong kongresman Jorge Sarmiento, Cely Wong, Hector Sanchez, at Joseph Santiago kung magtatanong-tanong ka, tila hindi pa nila ma sagot kung sino sa apat ang pipìliin nila. Sa gobernador lalo talagang hirap na hirap ang mga tao. Napapailing talaga sila? Hindi talaga sila makasagot kaagad? Sabagay hindi pa nag-uumpisa ang laban. Talagang magkakaalaman ang lahat sa panahon ng kampanyahan. Pero masasabi talaga natin kung sino ang malakas pag ultimo oras na kung saan diyan natin makikita kung sino ang magaling sa diskarte o kung sino ang may alam kung papaanong manalo sa mahigpitang laban? Dito magkakaalaman kung sino ang marunong ng larong pulitika. Pulitikang ang marunong maglaro ang siyang magwawagi

*****

ALING BANSA SA ASIA ANG MABILIS ANG PAG-UNLAD NG EKONOMIYA? - Baka sasabihin ninyo ang Pinas? Laking pagkakamali ninyo? Lalong hindi ang Laos, Cambodia, Myanmar o iba pang bansa na nakahanay sa kung tawagin natin ay third-world country. India, ito ang bansang napakataas ng projection ng Asian Development Bank sa GDP nito na puwede raw umabot ng 7.3% kumpara sa bansang Laos, at Cambodia na ang GDP ay abot lang ng 6.7%. Ito ay sa kabila ng ang India ay pinamumugaran ng mga taong kung tawagin natin ay mga untouchables dahil itong mga taong ito ay mga mahihirap at ni hindi sila puwedeng makisalamuha sa mga nakakaangat ang buhay sa lipunan at sa kabila nang sa India kung titingnan natin noon, diyan ka makakabalitang mismong sa mga kalye nangangamatay ang mga tao dahil sa gutom. At diyan ka rin makakita ng mga taong nangangamatay sa gutom pero ang mga baka ay nagkalat sa mga kalye at hindi kinakatay kasi holy cow daw iyon. Pero ngayon maunlad na ang nasabing bansa. Punta kayo sa India, manghuli kayo ng baka.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs