By By Jex F. Lucero
PINAKAISTUPIDO AT PINAKABOBONG ABOGADO
posted 18-Nov-2018  ·  
1,052 views  ·   0 comments  ·  

TINAWAG NA PINAKAISTUPIDONG ABOGADO NI PRRD SI SENADOR AT LP PRESIDENT KIKO PANGILINAN - Ito ay matapos ibunton ang sisi sa batas na kung saan ang author nito ay si Pangilinan. Ang tinutukoy nito ay ang RA 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act  of 2006. Dito kasi nakasaad kung saan ang mga bata na  nakagagawa ng krimen na ang edad ay kinse pababa ay hindi puwedeng sampahan ng kaso. Kahit ang kaso ay murder, panggagahasa, iligal na droga at iba pang mga klase ng kaso ay libre ito. TInawag pa ni Duterte si Pangilinan na pinakabobong abogado sa lahat. Grabe ka naman! Puwede naman sabihing nagkamali lang iyong tao, tinawag pang pinaka-istupidong abogado! Pinakabobo na, pinaka-istupido pa! Kung ako si Pangilinan, isusumbong ko siya kay Kris Aquino, kay Pnoy bokal at kay Sharon Cuneta.

******

ANO ANG RA 9344? - Section 30 of RA 9344 states that Children below the age of Criminal Responsibility, If it has been determined that the child taken into custody is 15 years old or below, the authority which will have an initial contact with the child has the duty to immediately release the custody of his/her parents, guardian or in the absence of thereof to the child’s nearest relative. Basta ang edad ng bata 15 anyos pababa, anuman ang kaso niyan, murder, rape kaya sabihin pa nating sangkot siya sa maramihang pagpatay ng tao, siyempre, ang sino mang otoridad na siyang unang nakahuli sa menor de edad ay hindi puwedeng ikulong iyan. Ang gagawin na lang ng otoridad ay itu-turn over ang bata sa mga magulang o kung wala man ay sa pinaka-malalapit na kamag-anak nito. Nakapatay, ikukulong? Hindi puwede dahil iyan ang isinasaad ng batas na kung saan ang author nito ay si Tang Kikoy na agom ni Manay Sharon. Kaya nga dumami ang mga magnanakaw, mga kriminal na mga bata dahil sa batas na ito ni Tang Kikoy at kaya tinawag na pinakaistupido at pinakabobong abogado ni PRRD.

******

SIMBAHANG KATOLIKO AT MGA OBISPO PINASADAHAN NA NAMAN NI DUTERTE - Ito ay pagkatapos na punahin ni Duterte ang nakaugalian ng mga Katoliko na All Saints Day at All Souls pa. Sinasabi ni Duterte na ano ba itong All Saints Day, ito ba ay nangangahulugang mga santo ang lahat ng namamatay? Iyong mga lasenggo at iba pa sila ba ay mga santo? Dito ay pabiro pang sinabi ni Duterte “santo nyo santo Rodrigo.” Sa mga pagbibirong ito ni Duterte na talagang may laman kung iisipin natin, nag-react ang isang obispo at sinabing Duterte is a very sick man. Binalikan naman sila ni Duterte na papaanong hindi raw siya magiging maka-diyos samantalang nag-aral siya sa Ateneo at kumuha siya ng Law sa Colegio de San Juan de Letran? Dito ay binalaan ni Duterte ang simbahang Katoliko at iba pang relihiyon sa pag-atake sa kanya gamit ang kanilang relihiyon. Hehehe? Ito ang pangulo natin na hindi napapayuko sa anumang relihiyon. Ang iniintindi niya ay ang sakop niya ang gobyerno. Ang mga relihiyon na sinasabi sa ating saligang batas na may separation of powers between church and state dapat ito ang pinaiiral. Hindi na nga naman ito panahon ng kastila.

******

SEX ABUSE CRISIS, PANGUNAHING AGENDA NG CATHOLIC BISHOP CONFERENCE SA USA - kung dito sa Pilipinas pinoproblema ng mga namumuno ng simbahang Katoliko ang ating presidente doon sa Amerika ang pinoproblema ng mga pamunuan ng katoliko ay ang kanilang mga alagad (sex clergy abuse). kung natatandaan ninyo si Cardinal Mccarick ay nahaharap sa sapin-saping kaso ay ito ang numero unong agenda ng mga obispong katoliko sa Amerika. Maging sa North Amerika ay ito rin ang numero unong problema nila. Dito sa Pilipinas Duterte lang ang dumadakdak ang mga naabuso ay tameme, walang boses dahil sa grabeng pagsasampalataya.

******

PULITIKA, PULITIKA AT PULITIKA PA - Kung pulitika ang pag-uusapan, ayos lang. Kung gusto ng mga kandidatong mangampanya, sige lang tutal wala pa namang bawal ngayon dahil hindi pa panahon ng kampanyahan. Iyong mga nagpapakilala pa lang, sige lang kayo. Wala pang bawal. Kung gusto na ninyong mamili, sige na pera nyo naman ang gagastusin at wala pang vote-buying sa palagay ko? Sigaw lang kayo ng pabili ng boto nyo!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs