By By Jex F. Lucero
KAWAWA MGA KANDIDATONG WALANG KUWARTA
posted 27-Nov-2018  ·  
1,036 views  ·   0 comments  ·  

GINEBRA SAN MIGUEL PINALUHOD NG MAGNOLIA HOTSHOTS - Hindi nakuhang makapasok ng GSM sa finals ng Governor’s Cup ng PBA nang talunin ito ng Hotshots ng tatlong beses sa semi-finals ng Best of Five series. Defending champion sa PBA Governors Cup ang GSM at ito ang may pinakamagandang record ng panalo sa lahat ng koponan sa elimination round sa PBA. Ang isa pang koponan na nalunod sa quarter finals pa lamang ay ang itinuturing na pinakamakas na team sa PBA na San Miguel Beer. Ang maghaharap ngayon sa finals ay ang Alaska at ang Magnolia Hotshots. Ito ay magsisimula sa December 5, 2018 pagkatapos ng laban ng Gilas Pilipinas kontra Kazakhstan sa November 30 at kontra naman sa Iran sa December 3; 2018. Si JunJun Arcilla ay hindi raw panonoorin ang laban ng Hotshots kontra Alaska dahil masamang-masama raw ang loob niya sa pagkatalo ng GSM. Samantala si Nestor Publico, Jr. nag-uumapaw sa tuwa at pinaliguan ng kantiyaw ang mga maka-GSM lalo na iyong nagngangalang Junjun daw. Hello!!

*****

SURVEY, SURVEY, SURVEY - May mga nagsusurvey raw sa mga kandidato ngayon sa buong probinsiya. At sinasabi na hindi naman daw mga tagarito ang gumagawa nito. Well, ang sa akin lamang walang masama sa mga survey. Pero dapat bang paniwalaan ang mga survey na ito? Pag pabor sa isang kandidato, maniniwala siya pero kung hindi, ang sasabihin ay kalokohan. Sabi ko nga walang masama ang masama pag oras na ng botohan at naglabasan na iyong mga anting-anting ng mga kandidato, nababalewala iyong survey at ang mananalo ay iyong mga namili ng boto gamit iyong mga “hinabasan na mga pirak sa gobyerno.” Ngayon, anong silbi ng mga survey ninyo? Ang gawan ninyo ng survey ay kung sino ang mga kandidatong may pambili ng boto. Diyan ninyo malalaman kung sino ang mananalo lalo kung malaman ninyo kung sino ang may pinakamalalim na bulsa o balon ng kuwarta. Pag nagruluwas na diyan so mga hinabasan sa gobyerno kang mga kandidatong mahabas, ang survey mo duhay ang luwas kaan!! Huh, hangos kang mga mahabas sa gobyerno tapos ipamakal ning boto.

                                                                           ******

DAE AKONG PAMBAKAL NIN BOTO PERO KANDIDATO AKONG PBM SA WEST DISTRICT - Kandidato rin akong Provincial Board Member (PBM) pero wala akong kuwarta para sabayan ko ang mga kandidatong makuwarta. Ang maipagmamalaki ko lang naging empleyado ako ng gobyerno noon pero dae ako nanghabas nin imo nin gobyerno. Sa mga botante natin, hawak pa rin ninyo ang alas. Kayo ang maghuhusga kung iboboto ninyo ang mga kandidatong magnanakaw o kung gusto naman ninyong subukang Iboto ang hindi mga magnanakaw, nasa sa inyo iyan. Alam ko maraming matinong botante at alam ko rin na mahabang-mahabang panahon pa ang gugugulin bago maging patas ang mga labanan sa eleksyon dito sa atin. Kahit kailan ang labanan dito pag eleksyon ay one-sided dahil ang lyamado palagi ay iyong mga makuwarta. Iyong walang kuwarta palagi dejado iyan at ang laban diyan ay siyete diyes, sais diyes o di kaya doblado. Kawawa ka talaga pag kandidato kang kapos sa kuwarta. Ang tanging pag-asa mo lamang ay milagro! Lalong wala kang pag-asang manalo kung ang ilalagay ng botante sa balota ay milagro at hindi ang pangalan mo!! Tepok kang kandidatong daeng IMO!!

******

PAG IDLIP NI DUTERTE SA ASEAN SUMMIT PINAG USAPAN - Pati iyong naidlip si Duterte sa summit meeting sa Singapore ay napuna ng mga taong walang magawa. Si Duterte ay 73 years old na at ang mapagod nang husto ang katulad niya ay masama sa katawan at ang tanging lunas sa labis na pagod ay ang pagpapahinga. Mga tao talaga at kahit ako, bakit ko ipipilit ang katawan ko kung hindi ko ito kaya? Itutulog ko talaga iyan. At mismong doktor ipinapayo iyan na pag pagod ang isang tao lalo sa ganoong edad, kailangan ay ipahinga. Isa pa, hindi naman hanap pagpapakamatay ang ipinunta doon ni Duterte? Di ba?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs