By By Jex F. Lucero
AYUSIN MUNA ANG ROTC
posted 1-Dec-2018  ·  
446 views  ·   0 comments  ·  

WALANG PREMATURE CAMPAIGNING PA SA NGAYON - Kung kandidato ka at gusto mong magpakilala dahil baguhan ka lang sa larangan ng pulitika, puwede mong gawin iyon basta huwag lang daw garapal dahil sa totoo lang wala naman daw tinatawag na premature campaigning dahil sa hindi pa naman nagdedeklara ng election period ang Comelec. Kaya mga kandidato samantalahin na dahil wala namang premature campaigning at mismong Supreme Court ang nagdeklara niyan. Magpaka-epal na kayo basta sabi nga huwag lang iyong garapalan.

******

ROTC GUSTONG IBALIK NG GOBYERNO - Sang-ayon ba kayong Ibalik ang ROTC sa mga estudyante sa kolehiyo? Para sa akin ayos lang dahil isa ito sa makapagbibigay disiplina sa mga kabataan nating estudyante. Pero bago sana Ibalik ito kailangan ay ayusin muna ang magpapatupad nito. Dahil sa totoo lang, grabe ang mga abusadong mga opisyal ng ROTC na ginagamit ang pagiging opisyal nila sa hindi tama. Naranasan ko ito kung saan may mga opisyal ng ROTC na kung makapanakit ng mga kadete akala mo otorisado silang gumawa ng ganoon na lamang. At hindi lang iyan ilan na bang kadete ang namatay dahil sa pagiging abusado ng ilang mga opisyal ng ROTC? Mabuti hindi iyan nangyayari dito sa atin.

******

DAPAT SA MGA OPISYAL NG ROTC IYONG NAKAKAINTINDI NG TRABAHO NILA - Dapat sa mga opisyal ng ROTC iyong nakakaintindi kung ano sila? Kasi sa totoo lang noong panahon namin hindi naman sa namimintas tayo, ang pinaiiral ng mga opisyal ng ROTC ay iyong kayabangan, katapangan kuno, pero mga wala namang laman ang mga kukote. Ang alam lang ay ang manakit (physical) at manghiya ng mga kadete. Sobra ang yayabang pero pag dating sa klase, mga no talk at mga no say. Kumbaga, hanggang ROTC lang sila. Dapat sana ay pipiliin iyong mga nararapat at hind iyong puro lang kayabangan at kahambugan ang tanging alam.

******

DUTERTE VS SIMBAHANG KATOLIKO - Patuloy ang iringang Duterte at Simbahang Katoliko. Pag bumanat ang Duterte, sagot naman ang CBCP sa pamamagitan ni “David”. Kaya ang labanang Duterte at David ay magpapatuloy. Kung ano ang kahihinatnan ng bakbakang Duterte at David ay hindi natin alam. Ang nakakatawa ang sabi ni David, Duterte is a sick man ang sagot naman ni Duterte iyong mga abuloy sa simbahan pinakikialaman ni David. Ganda ng laban. Pero suma tutal ang tinitira ni Duterte ang buong simbahang Katoliko. Ngayon lang ito nangyari sa kasaysayan ng ating bansa na ang isang presidente ng bansa ay harap-harapang tinatalo ang simbahan o ang mga taga simbahang Katoliko. Never pang nangyari ito sa ating kasaysayan.

******

NASAAN NA SI ESPINIDO? - Masyadong binigyan ng espasyo ng ilang taga-media ang isang pulis na sinasabing idedestino dito sa ating probinsiya. Merong nagsasabing nandito nanaka-assign sa MPS Virac at meron nagsasabi na ito ay Provincial Director na dito sa ating probinsiya. Iyon pala ni anino ng nasabing pulis ay ni hindi nasilayan dito. Grabe kung gumawa ng mga istorya ang mga kasama natin. Dapat naman sana kung gagawa tayo ng kuwento ay iyong totoong nangyari. Hindi iyong mga haka-haka lamang. Tapos ngayon ang huling balita sa nasabing pulis ay ibinalik na naman daw ito sa Region 8. Sa susunod niyan nandoon na naman sa MPS San Andres. Oorag kang mga parabalitang ini na puro man sana oya na, papunta na oya, assigned na sa Bicol. Turonong na daw kamo kang mga kabuahan nindo. Bago kayo gagawa ng balita siguraduhin ninyong ang ibabalita ninyo ay iyong totoo. Alam naman natin iyan, di ba?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs