By By Jex F. Lucero
JUSTICE FOR LARRY QUE
posted 9-Dec-2018  ·  
975 views  ·   0 comments  ·  

LALONG DUMAMI MGA AKUSADO SA SHABU LAB CASE - Nadagdagan pa ng siyam na akusado ang kaso sa shabu laboratoryo. Pati iyong dinismiss na dati ni Fiscal Suarez ay kinasuhan muli ng i-review ito ng DOJ Undersecretary Villar. Ang mga isinama uli sa demanda ay ang mga isinabit ng star witnesse na si Ernesto Tabor, Jr. Ang malungkot pati iyong star witness ay isa na ring akusado, Ang isa pang masakit ay kung talagang wala ka namang kinalaman sa nasabing kaso pero kasama ka sa mga kinasuhan. At wala kang magagawa dahil iyon ang lumabas sa muling pagrerepaso ng kaso. Dahil dito ang mga nakasuhan ay magbabakasyon sila sa kulungan lalo’t ang nasabing kaso ay walang piyansa. Walang problema sa mga nasangkot na mayayaman dahil makakakuha sila ng magagaling na abogado at talagang makikipagbanggan ng husto sa mga taga-DOJ. Pero iyong mga wala namang inaasahang sasagip sa problema nila, ang gagawin nila ay magpahinog ng bayag. Ang malaking problema sa mga nasangkot na itong mga walang-wala ang bayag ay matagal bago mahinog. Sorry, toltoga na sana an baad mahinog sa patorotoltog.

*******

ANO NANG NANGYARI SA KASO NI MR. LARRY S. QUE? Muli ang nanaig na kaso at paulit-ulit at parang wala nang katapusan ay ang kaso ng shabu laboratoryo. Para na itong teleserye. Nagkaroon na ito ng mga pag-iimbistiga sa Kongreso at nagkadismiss-dismiss na ang ibang mga akusado at heto nga ni-review ng DOJ at lumabas na lahat na taong lumabas sa bibig ni Tabor ay kasangkot. At siguro kung buhay si Larry Que, baka sangkot din ito dahil isa rin siya sa  pangalang nababanggit madalas ni Tabor sa ginawang imbestigasyon dito. Pero ang kaso ni Larry Que hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta. Dito natin makikita na mas mahalaga ang kasong tungkol sa shabu kaysa sa buhay ng tao. Iyong shabu laboratoryo na hindi pa nga yata nangyayari ay grabe ang pagpapahalaga ng ating otoridad pero iyong tao na pinaslang sa kung anong dahilan ay hindi mabigyang hustisya. Ang hinihingi ng pamilya ni Larry ay hustisya at dapat managot ang dapat managot. Hindi itong laboratoryo ng hindi naman natin alam kung nagsasabi ng katotohanan ang mga taong nagsasabing laboratoryo nga ito ng shabu o pagawaan ng tokwa? Alin ang mahalaga iyong buhay ng tao na basta lang pinatay ng walang ano pa man at humihingi ng hustisya ang mga naulila ni Larry Que o ang laboratoryo ninyong nababalot ng kababalaghan at nahahaluan ng pulitika? JUSTICE FOR LARRY QUE!!!  Mga pulis, kilos naman kayo diyan!

*******

NAKAKATUWA ITONG BOSS NG PAO - Dito sa atin pag ang isang tao ay nasasangkot sa isang kaso kung saan halimbawa ay akusado ka ang lalapitan mo ay ang Public Attorney’s Office o ang PAO. Pag ikaw naman ang nagrereklamo o may inirereklamo, pupunta ka naman sa Piskalya o Prosecutor’s Office. Pero itong si Attorney Persida Acosta iba ang style niya, siya pa ang nauunang mag-iimbistiga lalo pag mga malalaking kaso tulad ng dengvaxia, Carl Arnaiz at Kian delos Santos murder case. Di ba dapat ang hahawakan niyang mga kaso ay ang sa mga akusado? Bakit siya pa ang nauunang mag-imbistiga  sa ganoong mga kaso? Di ba dapat trabaho iyon ng mga pulis, Soco at NBI? Si Acosta, iba ang style. Hindi kaya nabubuwisit sa kanya ang mga taga-Prosecutor’s, Office, mga taga-NBI at mga pulis? Ngayon naman nagsisigaw naman siya na dapat daw mabigyang katarungan ang kaso ng menor de edad na napatay diumano ng mga pulis. Papaano kung ang may hawak ng mga kaso ng mga akusado ay mga taga-PAO?. Kung ikaw ba, maniniwala ka pa sa mga taga-PAO ganoong ang mismong boss nila ay kakampi ng prosecution? Oo nga  ang PAO at ang mga taga-piskalya ay nasa ilalim ng Department of Justice pero magkaiba sila ng trabaho. Ang mga fiscal sa complainant at mga taga-PAO ay sa mga akusado. Naguguluhan ako sa mga ginagawa ng amo ng mga taga-PAO. Siguro mas maganda kung lumipat na lang sa Piskalya si Atty. Acosta? Ano sa palagay ninyo. Biyo biyo na!!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs