By By Manay Cely Wong
PANAWAGAN AT BABALA SA AKING MGA KABABAYAN
posted 9-Dec-2018  ·  
796 views  ·   0 comments  ·  

Buksan po natin ang ating mga isip, at kilalanin ang pwersang gusting sumira sa ating kinabukasan. Malayo pa ang eleksyon, ngunit may mga taong sakim na ngayon pa lamang ay gusto nang lasunin ang isipin ng bawat Catandunganon.

Ang kwento sa operasyon ng shabu lab ay patuloy na ikinakabit sa aming pangalan. Ito ay hindi tama at manipulasyon lamang ng mga taong gustong manatili sa puwesto, at malihis ang katotohanan na sila ang totong mga demonyo na dapat nating usingin at papanagutin.

Ako at ang aking pamilya ay matagal na ninyong kilala at kasama. Kami ay mga disente, may takot sa Diyos at nagsisikap na umangat sa buhay. Higit sa lahat, nasa aking puso at nasa puso ng aking mga anak ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat sa inyo kaya kayong lahat ay kasama sa aming mga pangarap. Kailanman, ang aming pangalan ay hindi nakaladkad sa anumang isyu ng kurapsyon, pandaraya o panlalamang sa aming kababayan. Hindi makakayang dalhin ng aking konsensya na pahintulutan ang aking mga anak na makibahagi sa operasyon at distribusyon ng droga. Pinalaki ko sila bilang mabubuting tao, tinuruan kung paano mabuhay ng matino at kung paano igalang at ipaglaban ang bawat indibidwal na nangagailangan.

Sa panahon ni Sec. Vitaliano Aguirre ng DOJ, nairekomenda nang ibasura ang demanda laban sa aking mga anak na sina PBM Joseph at JB. Nangyari ito dahil nakita nilang walang katibayan at pawing pamumulitika lamang ang pagkakadawit sa aming pangalan. Sa inquiry ng kongreso, isang kongresista ang nagsabing inaabala lamang ang aking pamilya ng mga ganitong bintang, at hindi makatarungan para sa amin ang patuloy na ilantad sa kahihiyan.

Kailan lamang, muling binuhay ng DOJ ang kaso ng shabu lab at muling pinapanagot ang mga anak ko sa mga naunang bintang. Lubos ang aking paniniwala na may pwersa sa likod ng refiling na ito.

Mga kababayan, ang pagsubok na ito ay aming haharapin. Kung ito ay hamon para masukat ang aming lakas ay malugod po naming tinatanggap. Ito ay isang sakripisyo na kailangan naming pagdaanan sa aming layunin na makatulong sa Catanduanes. Hindi nila kayang durugin ang aming katatagan, dahil buo sa amin ang determinasyon na igiit ang isang makatao at matapat na gobyerno para sa ating lalawigan.

Sa aking mga tagasuporta, maraming salamat sa inyo. Ihanda natin ang ating mga sarili sa papapatuloy ng ating nasimulan.

At sa lahat na taga-Catanduanes, huwag po tayong pabulag sa ating mga nakikita.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other News Feature articles
home home album photo album blogs blogs