By By Jex F. Lucero
CROCODILE FARM?
posted 19-Dec-2018  ·  
765 views  ·   0 comments  ·  

Tama iyong mga nagkokomentaryo na pasikip nang pasikip ang mga kalye dito sa Virac dahil sa dami ng iba’t ibang klase ng sasakyan. Pinakamarami ang mga tricycle. Halos wala nang mapuwestuhan ang ibang uri ng sasakyan. Puwera pa diyan iyong mga trucking na kung minsan ay nakahambalang sa mga kalye para magdiskarga ng mga pangarga nila. Ang pamunuan lokal ay sinasabing may ginagawa naman daw silang remedyo para malutas ang problemang ito. Remedyo at isa rito ay harangan ang ilang kalye hangga’t sa lahat ng kalye ay hindi na puwedeng daanan. Tanong: ano ang remedyong ginagawa ng lokal na pamahalaan para sa problemang ito ng sikip ng trapiko? Hindi magtatagal ang poblasyong Virac ay matutulad sa EDSA. Paano maiiwasan ang suliraning ito na mangyayayari at nangyayari na nga at lalong lalala sa mga darating na araw?

******

Naabsuwelto sa kasong plunder ang aming kapartido sa LAKAS-CMD na si dating senador Bong Revilla. Maraming mga komplikadong katanungan ang nagsusulputan sa pagka-absuwelto ng aming kapartido sa napakabigat na kaso. Ang isang katanungan ay kung puwede pa raw sampahang muli ng parehong kaso si Bong Revilla. lto ang mga tanong ng mga hindi nasiyahan sa desisyon ng husgado. Hindi ako abogado pero natatawa ako dahil saan ba naman kayo nakakita o nakaalam na pagkatapos na gawaran ng desisyon ang isang kaso at acquitted ang akusado ay sasampahang muli ng parehong kaso? Tapos na iyong kaso. Pero kung convicted si Revilla, puwede siyang mag-apela. Kaso pinawalang sala siya ng korte kaya tapos na ang kaso. Doon sa mga nag-iisip na  puwede pang kasuhang muli si Revilla ng parehong kaso kung saan ay acquitted siya, nananaginip lang marahil ang mga taong iyon.

******

Ayon kay dating SB Chairman Conchita Carpio Morales kung nasa Sandiganbayan pa raw siya, iko-convict niya raw si Revilla. Bilib din naman ako dito kay Morales. Sabi sato, iba ang hinalon kang babayeng ini. Retired na at lahat-lahat, humihirit pa rin. Mabuti na lang at retirado na itong babaeng ito. Kung nagkataon na nandiyan pa iyan sa SB, tigok si Revilla. Doon naman sa tanong kung kailangang ibalik daw iyong milyones na sangkot sa usapin sa palagay ko ay walng ibabalik si Revilla dahil pinawalang sala siya ng korte. Sa mga desisyon ng korte, ang alam ko ang pinagbabayad ay ang mga nako-convict, iyong pinawawalang sala ay hindi pinagbabayad. Kaya maliwanag na ang magbabayad ay iyong mga kapuwa akusado ni Revilla na sina Napoles at Cambe. Lalo namang wala akong babayaran dahil hindi ako kasama sa kaso. Ang maraming utang na dapat bayaran ay iyong mga nasa gobyerno na mga magnanakaw, na mga kontratista, samantalang sila ay inihalal ng mga tao para magsilbi at hindi para nakawin ang kuwarta ng gobyerno sa pamamagitan ng pangongontrata. Mga hanep kayo! Mga buwaya kayo. Mga ganid, mga linta, mga buwitre, mga ahas! Mga pagmumukha ninyo ahas!

******

May mga nagtatanong sa akin kung saan daw ang alam kong merong crocodile farm. SabI ko sa Manila zoo ang alam ko meron pero hindi farm. Ang alam kong maraming crocodile sa Kongreso, sa Lower and Upper House. Ang kakapal talaga ng mga mukha nila sabi nga hindi sila tinatablan ng bala. Ginamitan na nga raw ng howitzer iyong iba, pero bale wala. Makukunat na ang mga balat at walang sinabi ang mga baril. Kaya ang ginawa raw ng mga humuhuli sa mga buwaya ay ginamitan ng laser pero bale wala rin.  Pilit ng nagtatanong sa akin kung meron daw crocodile farm dito sa atin. Ang sagot ko na lang doon sa mga munisipyo baka meron kasi marami daw mga buwaya diyan at palit palit sila ng balat. Minsan daw nasa munisipyo sila at kung minsan naman ay nasa kapitolyo. Kaya may crocodile farm sa mga munisipyo at meron din sa kapitolyo. Madali raw makikilala ang mga buwayang ito dahil hindi na tinatablan ng hiya ang mga mukha nito? Kapalmuks, ano?

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs