By By Arnold Matencio Valledor
ANG PASKO NI NIŃO
posted 23-Dec-2018  ·  
361 views  ·   0 comments  ·  

Sa Multi-Purpose Hall ng kanilang eskwelahan na may mga palamuting pamasko, nakalatag sa pinagdugtong-dugtong na mesang sinapinan ng puti at pulang tela ang mga luma ngunit mapapakinabangan pang mga gamit ng kanilang mga guro at prinsipal: sapatos, sandals, damit, pantalon, shorts, tuwalya at kumot.

Pumapailanlang ang awiting pamasko mula sa sound system ng kanilang eskwelahan na nasa stage ng naturang Hall. Napapasabay si Nińo sa pag-awit habang natutuwang tinitingnan ang mga pamasko sa kanilang mga mag-aaral. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang kaniyang tatay, nanay at ang dalawang nakababatang kapatid.

At tinawag na silang mga mag-aaral ng kanilang prinsipal upang mamili.

Sa lahat na salansan, namili siya. Dumampot. Isinilid sa malaking plastik na ipinamimigay ng teacher-coordinator ng naturang proyekto. Napuno ang bag.

Taos-pusong nagpasalamat siya sa kaniyang mga guro at prinsipal. Bitbit ang bag, lumakad siya pauwi. Na naging lakad-takbo. Na naging takbo. Mabilis. Nag-uunahan ang makapilang ulit nang tinahi ng tatay niyang sapatos. Nangingilid ang luha niya at nalalasahan niya ito habang kinakanta ang awiting pamasko na pumapailanlang sa sound system ng kanilang eskwelahan.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Maikling Kuwento articles
home home album photo album blogs blogs