By By Jex F. Lucero
NANALO SI CATRIONA GRAY KASI ORAGON
posted 23-Dec-2018  ·  
868 views  ·   0 comments  ·  

ONANG OBAN (CATRIONA GRAY) ‘NALONG MISS U - Kinoronahang Miss Universe si Onang Oban. Pang-apat na Pilipinang Miss Universe. Una si Margie Moran, Gloria Diaz, at Pia Wurstbach at ngayon naman si CATRIONA (Onang) GRAY (OBAN). Ang galing ni Onang sa mga sagot niya sa interview portion Q & A. Super galing talaga! Bakit magaling ang sabi nila? Ang sagot ay simple lang kasi ORAGON!

******

LAVA WALK SIKAT NA SIKAT - Malamang na bumuga na naman ang bulkang Mayon? Nauuso na kasi ang lava walk. Ganun pala iyon? Ang lakad ni Catriona na lava walk? Ganda ng lakad niya at namayagpag ang walk na lava. At lalong maganda iyong kulay ng suot niya na pulang-pula. Nang si Pia ang kulay ay blue ngayong kay Catriona ay pula. Pulang-pula talaga! Ang maganda pa ay isa siyang Bikolana at isa siyang ORAGON!

******

14th MONTH PAY PINAPANUKALA PARA SA MGA PENSIONERS SA KONGRESO - 13th month pay lamang ang natanggap ng mga pensioners pero isang kinatawan ang nagpanukala na ang mga pensioners ng GSIS at SSS ay bigyan din ng 14th month pay dahil kakapiranggot lang  daw natatanggap ng mga pensioners. Siguro itong nagpanukala ng bill na ito ay hindi miyembro ng mga buwaya doon sa crocodile farm ng kongreso?

******

MATANDA NA SI PACQUIAO PARA SA AKIN:SABI NI LOMACHENKO - Ayon kay LOMACHENKO na katimbang ni Pacquiao, hindi raw niya lalabanan si Pacquiao dahil sa edad nito na 40 years old na. Tama si LOMACHENKO Pero Sabi naman ni Pacquiao hindi naman daw niya lalabanan si LOMACHENKO dahil sa luma na raw ito. LOMA-chengko. Pero ako, kahit ako ayokong labanan ni Pacquiao si Lomachenko dahil napakabata pa nito at napakalakas. Pero kung ka edad ni Pacquiao si Loma puwedeng puwede.

******

MEDICAL MARIJUANA DAPAT DAW, AYON KAY MISS UNIVERSE. Kailangan daw talaga ito ng mga taong may sakit. Maski mga doctor sa buong mundo ay inirerekomenda ito sa mga taong may sakit. Pero maliwanag na iyon lang daw may sakit. Kung gagamitin marahil ng taong wala namang sakit ay hindi ito kailangan. Dahil iyong gagamit ng marijuana na walang sakit, tiyak na siya ay magkakasakit. Pero sa ibang bansa ito ay legal tulad ng bansang Canada. At sa iba pang states sa Amerika. Marami sigurong mga adik doon ano?

******

NAGKAKAGULO MGA BUWAYA SA CROCODILE FARM - Batuhan ng batuhan ng baho mga buwaya sa kongreso. Sila sila nagpapalabasan ng baho. Mga kapalmuks talaga! Akalain ninyo ginagawa ng sangkalan si DBM Secretary Diokno. Ibinunton ang sisi ng mga buwaya sa kay Diokno. Pero hindi kinampihan ng Malakanyang ang mga buwaya sa CROC farm. Saludo pa rin ang Malakanyang kay Diokno.

*****

ANO KAYA KUNG ISANG BUWAYA SA KONGRESO ANG MAGPANUKALANG ILEGALIZE ANG SHABU - Ano kaya, ano? Pero ang batas ay para lang sa mga buwaya sa crocodile farm sa kongreso. Tutal naman ang mga buwaya sa kongreso parang mga naka-shabu parati na ang pinagkakaguluhan kuwarta palagi. Parang mga adik? Kaya ilegalize na ito sa kongreso,para pag papatayin sila ng mga pulis na pareho nilang mga adik. Ang gugulo, pare-pareho naman silang mga magnanakaw at mga adik. Patayan na kayo mg kapalmuks?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs