By By Jex F. Lucero
Champion ang Magnolia Hotshots sa PBA Governor’s Cup
posted 4-Jan-2019  ·  
406 views  ·   0 comments  ·  

MISS AUSTRALIA, NOT MISS PHILIPPINES, ANG MISS UNIVERSE? - Ito ang naglabasan sa mga pahayagan sa Australia na ang Miss Universe ay taga-Australia at hindi taga-Pilipinas. Parang mga tanga ang mga taga-Australia, ano? Maliwanag na ang inihayag ni Steve Harvey ang new Miss Universe ay Miss Philippines at hindi Miss Australia. Pero matanong nga natin mga sarili natin? Ano bang talaga ang nationality ni Catriona? Siya ba ay Pinay o Australian? Considering na ang ama niya isang Australiano, maaaring Australian nga siya, di ba? Sabagay hindi natin alam mga rules sa mga sumasali sa ganyang pageant kaya hindi natin alam kung puwede ang kahit anong lahi. Ngayong gustong angkinin ang Miss Universe ng Australia dahil Australian daw ito, di kunin na nila at gawan nila ng kulungan para hindi na makabalik sa Pilipinas. Huh, mga Australiano, punta kayo rito at buhatin ninyong parang baboy ang Australianang Miss Universe ninyo!

******

Dumating na iyong tatlong kampana ng Balangiga sa Samar. Ito ang mga kampanang puwede natin tawaging ninakaw sa atin ng mga Amerikano. Tanong: bakit napunta sa Amerika ang mga kampanang iyon? Kung iyon ay atin at dinala sa Amerika ng mga Amerikano ng hindi nagpaalam sa atin iyon ay ninakaw. Kaya ko sinasabing ninakaw ng mga Amerikano ang tatlong bandila. Iyon ay atin at pinkinabangan ng mga Amerikano. Ibinalik lang ng walang anupaman? Ni magpasalamat wala tayong narinig sa mga Kano. Mga ingrato ang mga Amerikanong ito. Pasalamat tayo kay PRRD at kay Trump dahil nangyari ang saulian sa kanilang pamunuan.

******

Kampeon ang Magnolia Hotshots laban sa Alaska Aces. Hindi binigyan ng pagkakataong makalamang man lamang ang Alaska. Kahit isang quarter ay hindi makuhang makalamang man lamang ang Alaska. Grabe ang nilaro ng mga taga-Hotshots. Lalo si Barroca na siyang tinanghal na MVP finals. Sa palagay ko nagkamali ang pagpili ng Best Import? Dapat ibibigay ang Best Import sa kung anong koponan ang nagkampeon. Nakita natin kung gaano kagaling ang laro ng import ng Hotshots na si Travis. Supergaling at malayo sa huling laban nila ang ginawang Best Import na si Harris. Dapat para sa akin ang Best Import ay si Romeo Travis. Anyway congratulations sa Magnolia Hotshots.

******

Isa sa nagpakita ng galing sa larong Magnolia vs. Alaska ay ang tinaguriang The Cyclone na Jio  Jalalon. Tamang-tama lang ang tawag sa kanyang The Cyclone. Sundot dito, sundot doon, agaw ditto, agaw doon kahit gaano kalaki ang katapat niya. Ipinakita ni The Cyclone kung papaanong ang isang six-eleven ang taas ay nilulusutan niya at iniwasan. Kahit nga si Slaughter ng Ginebra ay nagagawa niyang malusutan at nagmumukhang ang lumusot sa kanya ay isa ring seven footer. Ganyan kagaling si Jalalon kaya hindi nakapagtatakang sila ngayon ang champion. Mga maka-Gin Kings at San Miguel Beer, diyan muna kayo sa tabi.

******

Tila ang masuwerteng kulay ngayon sa mga magkakampeon ay ang kulay asul. Nang magkampeon ang Ateneo Blue Eagles, kulay blue siyempre ang kulay ng uniporme nila. Huwag lang kayong magtataka kung papaanong naging blue ang kulay ng Agila. Sa parte ng kulay ng Hotshots iyon ang talagang kulay ng uniporme nila. Katunayan nang pagkatapos ng laban sa kampeonato isinuot nila ang uniporme nilang kulay blue. Sa sports lamang ang mga larong asul ang kulay ng uniporme nila. Buwenas kumbaga ang kulay asul sa larangan ng sports. Merry Christmas and a Happy New Year sa lahat!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs