FIFTY MILLION SA BATOCABE KILLER
By Jex F. Lucero
posted 7-Jan-2019  ·  
238 views  ·   0 comments  ·  

SINO ANG PUMATAY O NAGPAPATAY KAY KONG. BATOCABE? Sino nga ba ang pumatay o nagpapatay kay Batocabe? Kung ang tatanungin ang pamilya ng namatayan, ang dahilan ng pagkamatay ng kongresman ay pulitika at mariing sinasabi ng maybahay ng namayapa na alam nila kung sino ang may kagagawan ng krimen. Maliwanag na ang tinutukoy ng pamilya ng namayapa ay kalaban sa pulitika ang may kagagawan ng karumaldumal na krimen. Pero walang maliwanag na katibayan na pulitika nga ang dahilan? Wala pang naipapakita ang mga otoridad na ang pumatay o nagpapatay sa kongresista ay isang pulitiko o inutusan ng pulitiko maliban sa pagsasabi ng pamilya ni Batocabe na pulitika ang puno’t dulo ng lahat. Kumbaga, nagsususpetsa lamang ang pamilya Batocabe.

*******

Dahil kung totoong alam nila ang kriminal at may sapat na silang katibayan, dapat hinuli na ang kriminal/mga kriminal na  ito. Katunayan ang reward na dati ay 30 milyon ito ay dinagdagan ni PRRD ng 20 milyon kaya ito ay naging 50 milyon na. So katibayan lamang, ito na nangangapa sa dilim ang otoridad. Hindi nila alam o kilala ang mga kriminal o pinuno ng mga kriminal. Sabi sato, gakuhap sa diklom ang mga imbestigador o mga otoridad. At marahil kung panay spekulasyon lamang ang mangyayari malamang mauwi ito sa hanggang hula-hulaan na lamang. Isang perpektong krimen na kadalasang nangyayari sa apat na sulok ng ating bansa.

******

Malamang na ang kaso ni Batocabe ay mauwi sa isang krimen na katulad sa pumatay kay Larry Que at sa isang journalist ng Legazpi na tinadtad ng bala pero ni balita kung sino ang kriminal ay wala. Pag nagkataon ki kongresman, journalist, o magsasaka, kriminal, mga inosenteng biktima ng mga baligtad ang atay, puso at utak ay pare-pareho lang ang kapalaran nila. Namatay o pinatay silang hindi nakamit ang hustisya. Iyan siguro iyong tinatawag na pantay-pantay na hustisya. At least iyong mga pinatay na hindi nakamit ang totoong hustisya tulad ni Larry Que ay may kapantay na sila. At kung magkataon kapantay nila ay kongresman pa.

******

Kamakailan ay mariing kinondena ni PRRD ang pagpatay kay Kong. Batocabe. Nang malaman nitong pulitika ang dahilan ng pagpatay sa kongresman, may binanggit itong matatawag nating person of interest na isang alkalde pero wala siyang binabanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy na alkalde. Basta alkalde siya. Buti na lang at hindi ako alkalde. At masama ang banta ng pangulo sa kung sino mang alkalde. Ang siste nito ay kung mali ang hinala nila? Papaano kung lumabas na ang kriminal o ang krimeng naganap ay hindi pulitika at iba ang totoong dahilan? Papaano naman iyong mga taong pinaghihinalaan? Siguro dapat ang ginagawa ng mga nag-iimbistiga ay maging maingat sila para maiwasang iyong mga totoong kriminal ang siyang dapat managot at hindi iyong nagpapalabas na ng kung anu-anong mga salita na hindi naman sigurado sa mga sinasabi nila.

******

Parehas yan sa kaso ni Larry Que kung saan ang daming pinaghihinalaan pero hanggang paghihinala lang nauwi. Hanggang ngayon wala pa ring malinaw na resulta. Kaya masama iyong nagpapalabas ng mga salita ang mga kinauukulan pero walang katiyakan. Hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon. Kung walang positibong resulta, saka na ninyo sabihing putang-inang gobyerno ito. Walang kuwentang gobyerno. Palpak ang mga nagpapatupad ng batas. Mamatay na kayong lahat. Hanggang doon na lang. Dahil walang nangyayari, sasabihin na lang natin na bahala na ang nasa itaas. Tutal nga naman, iyong mga kriminal ay mga tao din lang at mamamatay din silang mga tarantado sila. Minsan nasasabi natin na kung totoong may Diyos, bakit nila pinapayagang mangyari ang ganoong mga pagpatay. Ang sasabihin ng mga alagad ng Diyos ang ganoong mga pangyayari ay kaloob o pagsubok ng Diyos. Bakit ganoon karumaldumal at napakalapit ng kaloob o pagsubok ng Diyos?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
home home album photo album blogs blogs