By By Jex F. Lucero
DUTERTE VS. SIMBAHANG KATOLIKO
posted 20-Jan-2019  ·  
650 views  ·   0 comments  ·  

Patuloy ang bakbakang PRRD vs. mga pari at obispo ng simbahang Katoliko. Tunay na nagkakapikunan na talaga. Ang lahat ay nagsimula sa simbahang Katoliko kung saan ay tila masyadong pinakikialaman ng mga pari at mga obispo ang gobyerno ni PRRD. Sa buong kapuluan, tinitira ng mga pari ang administrasyong Duterte na siyang ikinakagalit nito ng husto. Kaya’t kung saan mang lugar magsasalita ang pangulo, ginagawa niyang pulutan ang mga pari at mga obispo. Ang pangulo ay pinararatangan ng simbahan na siyang dapat managot sa mga extrajudicial killings na nagaganap sa iba’t ibang sulok ng ating bansa. Dito pikon na pikon si Duterte kaya tuloy ang giyera!

******

Sa lahat halos na simbahang Katoliko binabanatan si Duterte gamit ang pulpito ng mga pari. Na siya namang ikinakagalit ng pangulo dahil hindi raw dapat nakikialam ang simbahan sa trabaho ng gobyerno ng Pilipinas dahil maliwanag naman daw sa konstitusyon ng ating bansa ang separation of powers between the church and state. Dito nanggagalaiti ang presidente kaya lahat ng mga pagbubulgar tungkol sa mga anomalya ng simbahan ay ginagawa ni Duterte. Ang iba ay sinasabing foul na raw ang ginagawa o mga sinasabi ni Duterte pero ang iba naman ay sinasabing totoo lang daw mga ibinubulgar ng pangulo!

******

Mga pagbubulgar na otsenta y singko porsiyento raw ng mga pari ay mga bakla? Na ang mga obispo raw ay mga bilyonaryo? At iba pang mga paratang ng pangulo na talagang mag-iisip ka at tiyak bibigyan mo ng espasyo sa utak mo kung totoo nga ba ang mga sinasabi ng pangulo? Mga bilyonaryo mga obispo? Mag-iisip ka di ba? Kung bilyonaryo mga obispo saan at saan sila kumukuha ng iniyaman nila? Karamihan daw sa mga pari ay bakla? Mag-iisip ka di ba? Granting na mismong si Duterte ay biktima ng isang parang bakla nang siya ay estudyante pa, basehan ba iyon para sabihin ng pangulo na 85% ng mga pari sa simbahang Katoliko ay mga bakla? At ano naman ang masama kung karamihan sa mga pari ay mga bakla? Ayyyy... Nakuuu..Si Dutweeerti talagwaa.....Over ka namwaan!

******

Ilang obispo ang napabalitang mga bilyonaryo at sila ay may mga negosyo talaga o mga stocks sabi nga. Sa KMJS lumabas ang katotohanang may mga bilyonaryong obispo o mismong simbahang Katoliko ay may mga kayamanan. At talagang mayamang mayaman sila. Sabi nga ng nagbulgar nito sa kapuso mo Jessica Sojo, hindi raw maganda na nanghihingi pa sa gobyerno ang mga taga-simbahan gayong saksakan sila ng yaman. Kinukumpetensiya pa raw ng simbahan ang mga mahihirap na mga tao sa Pilipinas. Na kung pakaiisipin natin totoo ang ginawang pagbubulgar sa KMJS tungkol sa yaman ng mga obispo? Kaya kamakailan ay pinasadahan na naman ni Duterte ang mga pari at mga obispo.

******

Sabi ni Duterte sa mga tambay, holdapin ninyo ang mga obispo dahil mayayaman yang mga iyan. Patayin ninyo! Tama ba ako na sinabing patayin ninyo? Baka naman hindi? Sorry pero parang sinabi nga? At sabi pa ni Duterte, uulitin ko, karamihan daw sa mga pari at obispo ay mga bakla? Pero sabi pa niya “l have nothing against gays.” Pero aniya pa sinong maniniwala sa inyo? Hamon pa ni Duterte “Come out in the open. Forget celibacy at payagang mag boyfriend ang mga bading na pari o obispo?  Oh come on Dutweeertee.... Grabeng iwal nindo, ano? Ngonian sana ini nangyari sato na ang sarong presidente puerte pakiayutan sa simbahang Katoliko? Alam ba ninyo kung ano ang puno at dulo ng awayang ito? Ako alam ko. Ang sobrang pakikialam ng hindi dapat pakialaman iyan ang ugat ng lahat. Dapat kasi mind your own business!!!!!! Scratch your galis!!!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs