By By Jex F. Lucero
MGA MAMBABATAS ANG DAPAT IKULONG, HINDI ANG MGA BATA
posted 3-Feb-2019  ·  
595 views  ·   0 comments  ·  

Gusto ng mababang kapulungan na gawing 9 na taong gulang ang criminal responsibility ng isang tao  para baguhin ang juvenile delinquent law na ang may akda ay si Sen. Pangilinan sa edad na 15 anyos. Ito ay gawa ng mga kabataan ngayon kung saan dumami ang mga batang kriminal. Naging malaking problema ito ng ating gobyerno at ng ating lipunan. Pero ang panukala ng mababang kapulungan ay nalusaw  pagdating sa senado. Sa bicam nagkasundo ang mga crocs na gawing dose anyos ang edad ng criminal responsibility sa halip na siyam na taong gulang.

******

Masyado nga namang bata pa para tawaging isang kriminal ang isang 9 na taong gulang halimbawang ito man ay nakagawa ng isang krimen. Grade 3 pa lang sa eskuwela ang isang 9 years old at por Diyos por santo naman sabi sato, makabusong man an! Kahit sabihin pa nating hindi ikukulong ang isang bata na nakagawa ng krimen, nakatatak na iyan sa kanila na sila ay minsan pinaratangang isang kriminal. Puwera lang marahil kung ang nagawa ng isang dose anyos ay isang krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, at iba pang matataas na klase ng krimen. Pero kung mga maliliit na krimen din lang, tama na ang ayus-ayusin lang.

******

Pero iyon namang sinasabi ni Duterte na papanagutin ang magulang, iyon ay isang katarantaduhan. Walang magulang na magtuturo ng kalokohan sa isang anak. At isa pa, hindi sa lahat ng oras ay nasusundan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Huwag namang parang mga gago ang mga mambababatas natin at maging ang ating pangulo. At isa pa paaano kung ang  krimeng nagawa ng dose anyos na bata ay isang malaking aksidente lamang? Magdudusa ang isang bata sa hindi sinasadyang mga pangyayari o di kaya ay papanagutin ang magulang sa isang aksidenteng pangyayayari na tulad sa pagkamatay ng isang bata na nagsisipaglaro at naitulak itong hindi sinasadya at nadulas, nabagok ang ulo at namatay. Kakasuhan ang bata pati ang magulang. Katarantaduhan!

******

Ang sabi naman ni Sen. Pangilinan ang dapat daw na kasuhan ay iyong mga sindikato na siyang responsable sa pagiging kriminal ng mga bata. Ito namang senador na ito parang dose anyos din ang edad. Dapat niyang malaman na hindi lahat na mga kaso ng mga bata ay dahil sa sila ay hawak ng mga sindikato. Halimbawa ang mga insidente sa eskuwelahan kung saan ay pinamumugaran ito ng mga sigang mga estudyante? Hawak ba ng mga sindikato ang mga nambu-bully na mga estudyante? Ang dapat ipatupad ng maayos ang mga batas natin, hindi ang mga kung anu-anong mga dakdak na wala namang katuturan. Kinse o dose anyos man kahit siyam na taong gulang kung hindi maipatutupad ng maayos ang mga batas natin, bullshit pa ring matatawag ang lahat ng iyan.

******

Puro batas, puro batas wala namang katuturan. At saka sinong maniniwala sa mga batas na ginagawa ng mga mambabatas natin? Eh iyong mga gumagawa ng mga batas panay mga gago at mga tarantado? Maniniwala ba kayo sa mga ginagawa ng mga mambabatas natin samantalang ang mga batas na ginagawa nila ay sila-sila rin ang napapaboran? Mga batas na ang mahihirap ay parating dehado lalo kung kalaban ng isang mahirap ay isang maimpluwensiya, mayaman, maraming kilala sa itaas at isang maimpluwensiyang pulitiko? Walang kalaban-laban kahit sabihin pa nating nasa katuwiran ang isang mahirap. Lalo na kung ang makakalaban ay isang pulitiko tulad ng mga senador natin na ayaw ng magsialis sa puwesto nila? Anong laban natin sa mga iyan? Diyan sa mababang kapulungan, puro mga pasiklab lang ang alam. Panay mga mayayabang at puro pabor sa kanila ang mga ginagawang mga batas at hindi para sa kapakanan ng mamamayan. Pero huwag kayong mag alala, hindi ko naman nilalahat sila. Parehas din sa mataas na kapulungan na ang alam lang puro pasiklab, puro kayabangan, na akala mo kung sinong pagkagagaling na para bang mga walang kamatayan.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs