By By Jex F. Lucero
Anti-Elder Abuse Act (Senior Citizen) aprobado sa mababang kapulungan
posted 18-Feb-2019  ·  
476 views  ·   0 comments  ·  

Nag-file ng isang bill sa Mababang Kapulungan si Kong. Victor Yap ng Tarlac House Bill No. 7030 ang Anti-Elder Abuse Act at 176 na kongresista ang sumang-ayon sa nasabing panukalang batas. Sa madaling sabi, aprobado na ito sa Mababang Kapulungan. Ang nasabing batas ay magkakaroon ng kaparusang pagkakabilanggo ng naaayon sa Revised Penal Code kung ang isang Senior Citizen ay makararanas ng physical, psychological, economic, sexual, neglect and abandonment.  Wala ni isang kongresista ang tumutol o nag-abstain nang ipasa ito sa Mababang Kapulungan. Ingat kayong mga abusado sa mga senior citizen dahil kung tutuusin isang salpukan na lang isang batas na ito at natural malaking armas  ito laban sa  mga taong walang respeto sa mga senior citizen.

******

Ayon sa Comelec, kailangan ay susunod daw ang mga kandidato sa mga poster rules kung hindi ay mahaharap sila sa kaparusahan. Hahahaha..hahaha.. Nagpapatawa ba sila? Itong mga kandidatong senador at iba pa ang numero unong hindi sumusunod sa itinatalagang batas ng Comelec Pero kahit kailan walang nadidisqualify at walang nakukulong. Ang pagtutuunan naman ng pansin at mga paghihigpit ay ang mga local candidates. Kaya wala nang naniniwala. Sana naman seryosohin ng Comelec ang mga batas na pinaiiral nila. Huwag puro batas na hindi naman nasusunod.

******

Bawal ang bilihan ng boto at bawal ang magbenta ng boto. Ito ang isang batas na matatawag nating katarantaduhan. Ito ang batas na hanggang sa papel lamang nakasulat at hindi kailanman nasusunod lalo dito sa ating lugar, isang batas na pinaglalaruan lamang ng mga kandidato. Batas na masasabi nating walang ngipin, walang buto, walang anghang, wala lahat. Hanggang sabi lang ng Comelec talaga at hanggang doon lang. May magagawa kaya ang Comelec para masawata ang ipinagbabawal na bilihan ng boto o hanggang dati pa rin. So dati sana, barakalan man siyempre ning boto?

******

Kung kandidato kang gobernador, kongresman dito sa atin ihanda mo ang halagang dalawang daang milyong piso o humigit pa para sigurado ang panalo mo. Kung isandaang milyon lang ang handa mo para kongresman o gobernador ka, tagilid ang kandidatura mo. Isagad mo sa hanggang 200 milyong piso ang handa mo at puwedeng makapusoy ka ng kalaban. Pero kung kulang isandaang milyon ang kuwarta mo, magtanim ka na lang ng kamote. Dahil tiyak limang trak na tanglad ang makukuha mo.

******

Kung alkalde naman ang target mo at dito ka sa Virac halimbawa, kung ilang milyon din ang kakailanganin mo. Lahat ng kakandidato maging kagawad ng munisipyo milyon ang gagastusin mo para manalo ka. Sa PBM lang, sabi ng mga kasalukuyang kandidatong PBM, mababa daw ang limang milyong pisong gastos para masigurado mo ang iyong panalo. Kung wala kang limang milyon, kangkungan ang tungo mo. At nakahanda na ako pero sa ugbosan ning kamote ang target ko. Pero kahit alam kung mahirap Manalo, sige pa rin ako dahil totoo daw kasi ang himala. Kahit sabi ni Nora Aunor walang himala. Pero sabi ng mga nakalaban ni Duterte nang kumakandidato pa lang itong president, himala raw kung manalo itong pangulo? Kaya ayon, totoo pala ang himala!

******

Itong chief ng PAO na si Atty. Fersida Acosta ang hirap maintindihan? Kasi nga hepe siya ng PAO. Ang mga abogado ng PAO ang hinahawakan nilang kaso ay ang sa mga akusado. Pero itong si Acosta ang mga hawak  niya ay iyong mga nasa prosecution at siya pa ang nagsasampa ng kaso tulad ni Duque ng DOH at iba pang mga kaso tulad iyong mga bata na biktima ng EJK kuno. Sabi ko nga noon, dapat sa kanya sa DOJ. Nakakalito! Kung ganoon ang mga taga-PAO dito sa probinsiya ay puwede na ring magsampa ng kaso o magprosecute. Kasi iyan ang ipinakikitang halimbawa ng hepe ng PAO. Saan na ngayon pupunta ang mga akusado gayong ang tinatayuan ng mismong boss ng PAO ay iyong mga nagrereklamo at hindi ang inire reklamo. Nasa panig na siya ng prosecution? Sa totoo lang nakakalito ang style ni Acosta. Kung ganyan, puwedeng ang mga abogado ng PAO dito sa atin ay magsama-sama na lang at saka mga piskal. Anyway, lahat naman sila sakop ng DOJ. Atty. Borja puwedeng paki explain mo po sa akin kung bakit ganyan ang gawi ng inyong boss?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs