By By Jex F. Lucero
PASAWAY NA MGA GURO
posted 4-Mar-2019  ·  
724 views  ·   0 comments  ·  

MGA PASAWAY SA CALATAGAN HIGH SCHOOL - Sa bawat organisasyon, ang hindi pagkakaunawaan ay hindi maiiwasan although hindi dapat ito nangyayari. Ang hangad ng dapat namumuno ay pagkakaisa at mabuting takbo ng organisasyon o maayos na pagsasama. Pero sabi nga, hindi nawawala ang mga pasaway sa bawat organisasyon. Anupa’t nagaganap ito sa paaralan kung saan ay itinuturing kong parte na rin ako ng nasabing school bilang presidente ng Central Parent Teacher Association (CPTA). Nakakalungkot isipin na magkasama kayo sa isang paaralan ay para kayong mga aso’t pusa na pag magkakalapit ay magkakalmutan, mag-iiringan. Iyon ang mga aso’t pusa. Ang problema ay mga guro kayo na tinitingala ng mga mag-aaral bilang modelo nila, mga magulang nila, mga pinagpipitaganan at inirerespeto sa loob at sa labas man ng paaralan. Malaking problema?

******

MALAKING PROBLEMA - Bakit malaking problema ika nyo? Kasi nga sa mga paaralan ang pinoproblema ay ang mga mag-aaral at never na ang mga guro? Mga mag-aaral ang mga pasaway pero kung ang mga pasaway ay ang mga gurom ibang usapan na iyan? Ganyan ang problema sa CHS. Kayo kayo lang nagbabangayan at hindi magkasundo-sundo. Maliit lang problema ninyo at ika nga mapag-uusapan over a cup of coffee. Dinadala pa ninyo sa kung saan-saan ang hindi ninyo pagkakaintindihan. Huwag na ninyong paabutin kung saan-saan pa. Huwag na ninyong hintaying ang mga kinauukulan o ang mga sangkot sa kaguluhan diyan sa Inyong paaralan ay umabot sa pare-pareho kayong mawawalan ng trabaho at kung mamalasin pa kayo ay kulungan ang bagsak ninyo? Ang hirap ng may kaso! Alam ko iyan dahil twent- two years ako sa Korte at grabe ang hinaing ng mga taong nakakasuhan maging ang nangkakaso. Pare-pareho silang isinusumpa ang sila’y nakasuhan at maging ang nangkakaso. Malaking abala at perhuwisyo sa buhay ang sinasabi nila.

******

PAYO KO MAG-AYOS KAYO - Ako naman ay nagbibigay payo sa mga sangkot sa suliranin ninyo na ayusin ninyo sa mabuting usapan ang problema ninyo dahil napaka-simple lang naman. Ako bilang parte ng organisasyon ng mga guro at magulang ng CHS ay namamagitan sa inyo at nakikiusap na ayusin ninyo ang inyong gusot sa lalong madaling panahon. Huwag na ninyong pahabain pa. Kung gusto ninyo, ilalathala ko sa kolum ko ang buong istorya ng gulo ninyo. Maganda eh! Marami ang magkakainteres at tiyak magandang teleserye. Kaya muli nakikiusap ako na mag-ayos na ang mga sangkot dito para magkaroon na ng katahimikan ang buhay ninyo. Akala siguro ninyo madali ang nagsasampa ka ng kaso? Bakit sigurado mo bang mananalo ang kasong isasampa mo? Paano kung ma-dismiss ang kaso di ikaw ang babalikan?

******

PASAWAY SI KONSEHAL NG VIRAC - Isang konsehal ng Virac ang mariing kinokondena ng isang may ari ng Testing Center diyan sa malapit sa LTO dahil sa ginawa nitong pananakot at mga pagbabanta sa empleyado ng Testing Center. Nagmula ang mga pagbabanta ni kagawad ng ipa-test nito ang kanyang sasakyan na tila matagal nang na istambay at matagal nang hindi nagamit. Sa ginawang pag-testing ng empleyado ng testing Center, bagsak ang awto ni kagawad. Nagalit daw si kagawad at sinabihan ang empleyado na dapat ipasa ang sasakyan niya dahil malaki na ang gastos niya. Trenta mil na daw ang gastos ni kagawad kaya dapat daw ay pasado na ito. Kung hindi raw pumasa ang sasakyan ni kagawad, pahihirapan daw ang Testing Center nila sa konseho ng Virac. Aha, ginagamit mong panakot ang pagiging kagawad mo, ano? Galing! Iyan tuloy naka-blotter ang mga pagbabanta mo sa opisina ng barangay. Konting pino naman, bossing. At huwag mong gagamitin ang pagiging honorable kagawad mo sa mga ganoong bagay. Pangit at puwede kang tablahin ng may-ari ng Testing Center. Mabuti napakabait at hanggang pa-blotter lang naisipan niya. Pero huwag kang pakasisiguro kagawad at uminit ang ulo niya nang nakausap ko.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs