By By Jex F. Lucero
MGA TOTOONG KUWENTO
posted 10-Mar-2019  ·  
1,092 views  ·   0 comments  ·  

GOLD AND BRONZE FOR MY GRANDDAUGHTER AND GRANDSON SA PALARONG BICOL-Congratulations sa granddaughter at grandson ko na si TITTEN Lucero Romero, champion sa tennis singles sa katatapos na Palarong Bicol at isa siya sa kakatawan sa Bicol sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Davao City. Isa siya sa mga tennis player na nag-represent ng Naga City. Samantala bronze medal naman ang nasungkit ni Jabin Lucero Santos sa larong tennis/doubles at ang dala niya sa Palaro ay ang lalawigan ng Catanduanes. Second time nang mapapasabak sa Palarong Pambansa si TITTEN at noon ay sa Davao din. Congratulations muli sa inyong dalawa. So far puwede na!

******

MGA TOTOONG KUWENTO - Ang kuwentong ito ay totoong nangyari sa isang korte. In open court, ‘ika nga. Ang kaso ay rape. Ang testigong nakasalang ay isang doktor. Ang tanong ng piskal sa testigo ay kung ano ang nakita/nadiskubre niya sa ginawa niyang pagsusuri sa ari (vagina) ng biktima. Ang sagot ng doktor ay nakitaan niya ito ng pamumula at tila mga kalmot. Sa puntong ito agad tumayo ang abogado ng depensa at kanyang sinabi sa hukuman na ang kanyang kliyente ay siguradong sigurado niya na ang ari (penis) ay walang kuko. Oo nga naman, ano? Puwera lang marahil kung finger ang ginamit sa panggagahasa kaso ang sabi iyong sa mismong sa lalaki ang ginamit.

******

SA HUSGADO PA RIN - Sa pagkakataong ito ang sangkot sa kaso ay pagnanakaw ng sasabunging manok. Ang nakasalang sa witness stand ay ang complainant. Dito ang kino-krus eksamin siya ng abogado ng depensa. Unang tanong ay kung anong klase raw ng manok ang nawala sa kanya? Ang sagot ng testigo ay teksas. Tanong muli sa testigo. Paano mo masisigurong ang nawawala mong manok ay teksas? Ang sagot alam ko po dahil po sa tilaok niya. Ah ganun ba? Sabi ng abogado ng depensa. Kung ganun puwede bang ipakita o iparinig mo sa amin kung papaanong tumilaok ang manok mong nawawala? Dito ang sumabad ay ang mismong Judge. At ang sabi niya ay the witness can not demonstrate to the Court on how his fighting cock crow because the witness is not a fighting cock. I think he is a fighting man. Reform your question, sabi ng Judge. Maluyang testigo para maturaok.

******

PERIOD - Noong nasa college ako, nakatabi ko ang isang kaklase na pawindang-windang ang pag-aaral. Kumbaga hindi siya seryoso, pa-easy easy ‘ika nga. Kaya pag nakatabi ka, siguradong ikaw ang obligadong turuan mo kung nataong sa kanya nakatutok ang tanong ng professor. Ang topic noon ay Philippine Literature at ang kuwento ay tungkol sa kay Lam-Ang kung saan mismong Professor ay sinasabing karamihan daw sa mga kuwentong Pinoy sa umpisa pa lang ay tila alam na natin kung ano ang katapusan ng kuwento. Sa puntong ito ang tanong ng Professor ay: “What do you think would be the ending of the story?” Sabi sa akin ng katabi ko, baka ako ang tanungin anong isasagot ko? Ibinulong ko sa kanya ang dapat na sagot. Sa kamalasan-malasang palad ang tanong ay nakatutok sa katabi ko.  Bago sumagot ang katabi ko dahan-dahan namang lumabas ako at sinagot naman iyong tanong. Sagot niya, “Ma’am, simple lang iyan. Ano pa, di period.”

*******

ULYANIN NA - Nangyari naman ang kuwentong ito high school pa ako noon, taong 1968. History ang subject at si Rizal ang topic namin kung saan ay kinukumpara ng aming guro ang mga kabataan noon at ngayon. Sinasabi ng guro na kung si Rizal ay maligaya kung siya nabubuhay ngayon kung saan ang mga kabataan ngayon ay malayo daw sa klase ng mga kabataan noon. Nataon pa naman noon na magulong-magulo ang Pilipinas. Rally ditto, rally doon, gulo ditto, gulo doon. Sa pagkakataong iyon, sinabi ng aming  guro na kung ano raw ang masasabi ni Rizal kung ito ay nabubuhay pa tungkol sa mga kabataan natin ngayon. Isa ring kaklase ko ang sumagot dahil sa kanya natapat ang tanong. Ang sabi niya, ang dali namang tanong yan. “Ma’am, kung nabubuhay pa si Rizal ang sagot niya sa tanong ninyo ay Leonor Rivera. Ulyanin na iyon kung nabubuhay pa kaya hindi na matinong kausap.”


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs