PRESS STATEMENT
posted 10-Mar-2019  ·  
875 views  ·   0 comments  ·  

PBM JUAN A. VELCHEZ, JR.

FEBRUARY 28, 2019

Ako po ay nagagalak na ipaalam sainyo na may mga bago pong kaalyado ang ating Gobernador Joseph “Boboy” Cua sa East District ng Catanduanes na nagpahayag ng solidong suporta sa grupo ng ating gobernador ngayong darating na eleksyon sa Mayo 13, 2019. Sila po ay sina Mayor Obet Fernandez ng Panganiban, PBM Bolotoy Templonuevo ng Bato, PBM Arnel Turado ng Gigmoto at si dating PBM Edwin Tanael ng Baras. Lahat po ay kumakandidatong PBM sa East District.

Ako bilang kilalang taga suporta ng ating gobernador ay personal na nag desisyon na hindi na ituloy ang aking kandidatura bilang PBM sa East District ng Catanduanes upang aking ipahayag ang taos pusong pagtanggap sa mga bago kong kaalyado na naniniwala sa mga programa ng ating Gobernador “Boboy” Cua.

Nais ko pong magpasalamat sa aking mga kababayan sa Bagamanoc sa ibinigay ninyong tiwala at suporta sa mahigit dalawang dekadang paninilbihan sa inyo. Kahit wala na ako sa pulitika ay bukas pa rin po ang aming pinto sa pag alalay at pagtulong sainyo.

Sa aking mga taga suporta sa East District, lubos po akong nagpapasalamat.

Sa aking mga kasamahan sa Philippine Councilors League isang karangalan ang paglingkuran kayo, salamat sa tiwala.

Sa aking pamilya na laging nakasuporta at nagbibigay lakas sa akin sa kung ano man ang aking mga hangarin, kayo ang aking inspirasyon.

Nais ko rin pong magpasalamat kay Engr. Hector Sanchez sa binigay niyang pagkakataon na isa ako sa napili niyang tumulong sa kanyang kampanya bilang kandidatong Congressman ngayong darating na eleksyon.

Mga kaibigan, posisyon lang po ang nawala sa akin subalit ang relasyon natin sa gobernador ay lalo pong titibay. Aktibo parin po akong makikilahok at susuporta sa mga programa ng ating Gobernador Joseph “Boboy” Cua, lalo na po sa aking bayan sa Bagamanoc.

Kay GOB BOBOY – Salamat sa mga programa at tulong na direktang nakatugon sa tunay na pangangailangan ng Catandunganon.

PAGPALAIN NAWA TAYO NG PANGINOON.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other News Feature articles
home home album photo album blogs blogs