By By Jex F. Lucero
WALA SA NARCO LIST MGA PULITIKO SA ATIN
posted 24-Mar-2019  ·  
524 views  ·   0 comments  ·  

RAPIST NA PARING PINOY SA AMERIKA - Isang paring Pinoy sa Philadelphia sa Amerika ang nahaharap sa kasong panggagahasa. Sa ngayon ay nakalalaya ito sa bisa ng piyansa. Bailable pala sa Amerika ang kasong rape o puwede namang mahina ang kaso kaya napiyansahan. Kasi ganyan dito sa atin ang mga kasong sabi nga heinous crime ay walang piyansa, puwera lang kung medyo may kahinaan ang mga ebidensiya pinapayagang magpiyansa ang akusado. O baka naman dahil pari kaya medyo malambot ang batas. Puwede di ba? Makapag-pari nga!!

******

DUMADAMI SILA - Masyadong dumadami ang mga paring nasasangkot sa sexual abuse. Iyong isa sa pinakamataas na pari sa Vatican guilty sa pangmomolestya ng kabataan sa Australia. Bakla ang naturingang pari dahil lumalabas na ang mga batang biktima ay mga lalaki. Tama si Duterte na 85% sa mga pari ay mga bakla. Walang masama kung sila ay mga bakla. Ang masama ay mga pari sila. Iyon ang masama! At masamang masama! At lalong masama kung pari ka ay may naanakan  kang isang babae. Hindi rin masama kung ang isang lalaki ay may naanakan, at least lalaki siya. Ang masama ay isa siyang pari.

******

PAYAGAN NA LANG MAG-ASAWA ANG MGA PARI - Dapat baguhin na rin ang batas ng mga Katoliko kung saan hindi pinapayagang mag-asawa ang isang pari. Tuloy nagkakaloko-loko mga tinaguriang alagad ng Diyos. Nagkakasala sila! Kaya marami na ang hindi naniniwala sa mga pari dahil sa batas ng Simbahang Katoliko na bawal sa kanila (pari) ang mag-asawa. Sila rin ang dapat sisihin. Tao lang naman kasi sila. At mahirap sa isang tao na pagbabawalan mo ng pinakamasarap na luto (menu) na hindi kakainin. Pag hindi mo natikman ang pinakamasarap na luto sa sanlibutan, ikaw ay may diperensiya sa utak. Huwag nating sisihin ang mga pari. Tao din lang sila. Nagkamali nga lang sila ng pinili nilang propesyon.

******

DITO NAMAN TAYO SA MGA PASAWAY NA PULIS - Sinasabing mababa daw ang suweldo ng mga pulis noon. Pero hindi sa administrasyong Duterte. Sa ngayon sila ang tumatanggap ng higit pa sa sapat na suweldo kung ikukumpara sa ibang mga empleyado ng gobyerno. Pero diyan ka makakakita ng mga katarantaduhang pinaggagawa ng mga  pulis. Oops...hindi lahat siyempre! Tingnan mo iyong mga pulis na sangkot sa pangongotong, kidnap for ransom at iba pang mga labag sa batas na pinaggagawa nila. Tuloy pati iyong matino ay damay. Kaya sa totoo lang nakakatakot magtiwala sa mga patolang ito. Ang ganda ng motto nila di, ba? TO SERVE AND PROTECT, TO EXTORT AND KIDNAP. Mali yata ako, to serve and protect lang pala. Sorry!

******

KANYA-KANYANG LINYA LANG YAN - Kung may pasaway sa mga pulis, meron ding mga pasaway sa mga doktor. Naalala ba ninyo iyong doktor na durugista, iyong abogado na inalisan ng lisensiya dahil sangkot sa kung anong krimen, mga pulitiko na sangkot sa korapsyon, mga empleyado na kakapiranggot ang suweldo mansiyon ang bahay tatlo ang kotse at tatlo asawa, mga negosyanteng sangkot sa iligal na negosyo, mga alagad ng Diyos na mga rapist, at marami pang iba? Kanya-kanyang linya lang talaga! Ang pinakamalala ay mga pulitiko, kukonti lang mga suweldo ng mga hinayupak pero kung gumastos panahon ng eleksyon milyon. Sila ang buwaya sa lahat ng mga buwaya! Saan nila pinagkukuha ang mga kuwartang iyan na pinambibili nila ng boto? Isang kagawad lang, isang provincial board member, mayor, vice mayor, milyon ang isinasaboy ng mga iyan kung panahon ng eleksyon. Pero tingnan ninyo ang mga SALN ng mga animal na iyan sakto sila sa walang sabit. Kaya ang mga SALN na iyan, katarantaduhan yan. Tunay na kagaguhan! Pinagloloko lang ng mga iyan ang mga tao. Tayo namang mga loko-loko, paniwala naman tayo. Pero marami kaming hindi naniniwala sa mga katarantaduhan ng mga tarantado. Sila lang!!

******

HINDI SILA KASAMA SA NARCO LIST - Karamihan sa mga sangkot sa NARCO list ay mga alkalde. Kahit isa sa mga kandidatong gobernador o kongresman sa buong Pilipinas ay walang nakasama. Dito sa atin apat ang kandidatong gobernador kahit isa sa kanila ay hindi kasama sa NARCO list ng PDEA at Malakanyang. Iyong mga sabi-sabi nila ay maliwanag na political isyu o politikal gimik lamang. Black propaganda na ginamit ng isang politiko noon at ginagamit pa rin hanggang ngayon. Apat din ang kandidatong kongresman at hindi rin sila kasama dahil sa ang inilabas ng gobyerno ay pawang mga alkalde at ibang puwesto. Patay na ang isyu sa droga sa mga politiko. Wala nang maniniwala. Hanap na lang kayo ng ibang isyu, iyong paniniwalaan ng mga tao. Ang magandang isyu ay kung sapat ang kuwarta ninyong pambili ng boto. Iyan ang isyung itatak ninyo sa inyong mga bumbunan! Sa akin, hindi isyu ang kuwarta dahil talagang wala ako niyan. Ang problema, pag hindi dumating iyong isang kilong pako na ipadadala sa akin ni Trump. Ang hindi ninyo alam, ginto ang nasabing mga pako.

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs