By By Jex F. Lucero
TEAM CUA SUPER-LAKAS
posted 2-Jun-2019  ·  
393 views  ·   0 comments  ·  

MASASAYA ANG MGA TAO PAGKATAPOS NG ELEKSYON—Pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon, makikita mo sa mukha ng mga tao na masasaya sila. Para bang nakatanggap sila ng biyaya galing sa langit. Na para bang pang habang buhay ang biyayang tinatamasa nila. Sa totoo lang ang sasaya nila. At ang daming mga mamimili. Kita ang mga fastfoods, mga groceries, mga bazaars, at iba pang mga pamilihan. Ito ang biyaya na galing sa mga pulitiko. Walang problema dahil ang sabi mismo ni Duterte ang vote-buying ay parte ng eleksyon. Noon, ang sabi ni Duterte, pag nagkaroon ng vote-buying, magdedeklara siya ng failure of eleksyon. Ngayon ay iba na ang tono ng kanta niya. Wel,l masaya ang mga tao kaya tuloy ang ligaya!

*****

MASAYANG-MASAYA DIN AKO KAHIT TALO AT PANGHULI SA MGA KUMANDIDATONG PBM. Sa totoo lang, napasubo lang ako sa pag-file ng COC para sa kandidatura ko sa pagka-PBM. Sabi ng doktor ko sa Naga City, puwede daw akong mangampanya on my own risk. Pero kung puwede ay huwag na raw. Naglie-low ako at ang ginawa ko ay namasyal sa Cavite, sa Baguio City, at sa Naga City. Pero hindi ako nagwithdraw. Ang hangad ko na lang ay makakuha ng kahit isandaang boto. Iyon lang, isandaan lang. Kahit isang baryo ay wala akong pinuntahan sa dapat na tatlong bayan, ang Virac, San Andres at Caramoran. Kahit sa Mayngaway na sarili kong baryo ay hindi ako nangampanya o maging dito sa Bigaa na siya kong tinitirhan ngayon. Pero labis ang saya ko ng makakuha ako ng mahigit dalawang libong boto. Maligayang-maligaya ako,.walang kasinligaya. Alam ko kasing ang halos tatlong libong bumoto sa akin ay iyon ang talagang nakakakilala sa akin at iyon ang mga taong totoong naniniwala sa ipinaglalaban ko. Ang matino at mabuting gobyerno.

*****

MARAMING SALAMAT PO SA HALOS TATLONG LIBONG TAONG BUMOTO SA AKIN. Hindi ko po malilimutan ang nakaraang eleksyong iyon. Dahil napatunayan kong hindi lahat ng botante ay madadala ng sabon, shampoo, noodles, bigas, sardinas, bente pesos, singkuwenta pesos, isandaang piso o higit pa. Talo ko iyong gumastos ng mahigit tatlong milyong piso, mahigit isang milyong piso pero talo pa rin. Ako ang gastos ko sampung tarpaulin lang. Mayayaman mga kalaban ko. Iyong isa ang gastos daw ay umabot ng halos anim na milyon, iyong isa nasa limang milyon, basta milyones ang gastos nila. Ang yayaman nila, ano? Sa PBM lang po iyan. Muli ang pasasalamat ko sa mga taong tumangkilik sa aking kandidatura kahit sa totoo ang pangampanya ko ay doon lang sa Candidates Forum kung saan binati ako ng isang pari na sabi sa akin ako lang daw ang nagsasabi ng totoo. Na ang ibig sabihin ang mga plataporma de gobyernong sinasabi ng mga kandidato ay wala naman daw nasusunod. Sabi ko ngani puro kabubuwaan!

*****

GOB. CUA SUPER LAKAS....SANCHEZ NADARA KANG HABOG KANG KUSOG NI CUA! - Sabi ng mga political observers dito sa ating probinsiya ng hindi pa raw nagsisimula ang kampanyahan, tila umuungos lang daw ng konti si Cong. CVS kay Gob. Cua. Pero nang mabulgar daw iyong kaso kung saan ay nasuspinde si Cua, doon daw biglang nagbago ang ihip ng hangin. Napunta ang simpatiya sa suspendidong gobernador. At mula doon lalong umangat ng umangat ang popularidad ng gobernador na sa halip na bumaba ay lalong napamahal ito sa mga botante. Kaya maging kasama niyang kandidatong kongresman, sabi ngani sato nadara sa habog nin kusog ni Gob. Cua. Sa parteng an na nadara sa habog kang kusog ni Gob. Cua si Sanchez, naniwala ako. Dahil kung pinasolo an si Sanchez, maluwas man an solo. Para sa team Cua na binubuo ni Gob. Cua, Congressman-elect Hector Sanchez Vice Governor Shy Abundo Congratulations po sa inyo!

*****

TAPOS NA PO ANG ELEKSYON....LET US ALL MOVE ON - Ang matalo ang isang kandidato sa isang eleksyon ay normal lang iyan. Para lang iyang sugal. Kung talo talo at dapat tanggapin ang pagkatalo. Marami pang darating na eleksyon at iyon ang hintayin ninyo. Iyong sama ng loob, lunukin na muna ninyo. Samahan lang ninyo ng maraming laway dahil mahirap talagang lunukin ang sama ng loob. Gusto kong batiin ang mga kaibigan kong nanalong mayor. Ang mayor ng Pandan na si Mayor-elect Olog Tabligan, Mayor Camano ng San Miguel, Mayor Paolo Teves ng Baras, Mayor Johnny Rodulfo ng Bato, at ang kanyang Vice Mayor Roy Regalado, ganun din ang bise alkalde ng Bagamanoc na  hari ng mga hari bise alkalde Pascua. Ang friend kong alkalde ng Viga Bong Tarin, at ang Mayor namin sa San Andres Mayor Peter Cua at Vice Mayor Nonong Mendoza. Sa hindi po napasama sa susunod na po.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs