By By Jex F. Lucero
MGA PANGAKO NI SANCHEZ
posted 5-Jun-2019  ·  
531 views  ·   0 comments  ·  

NAGPAPATAWA - Ang sabi ng isang kandidato noong nakaraang  eleksyon, ang dapat daw gawin para mabura ang probinsiya ng Catanduanes sa listahan bilang isa sa pinkamahirap na lalawigan sa buong bansa ay dagdagan daw ang Internal Revenue Allotment (lRA) ng probinsiya. Tama nga naman, ano? Malaki ang kikitain sa mga kontrata, di ba?

*****

PINAKASIKAT NA ISYU BAWAT ELEKSYON - Ang pinakapinag-uusapan na isyu sa buong probinsiya natin tuwing eleksyon ay ang tungkol sa kuryente. May mga nagsasabing ganito at ganoon ang solusyon. May nagsasabing pulitika ang dahilan, May nagsasabing may mga suwapang at ganid kaya hindi malutas-lutas ang nasabing problema. Pero si Congressman-elect Sanchez, ang solusyon daw ay submarine cable na ita-tap sa Tiwi Geothermal Plant. Isang napakalaking proyekto at kakain ito ng malaking budget ng gobyerno at ang tatlong taong panunungkulan ni Sanchez ay hindi sasapat para maisakatuparan niya ang isang ambisyosong proyekto. Malamang nito, tapos na ang tatlong taong termino ni Sanchez, hanggang pag-uusap lang.

*****

ANO KAYA ANG GAGAWIN NI SANCHEZ KUNG WALANG MANGYARI SA SUBMARINE CABLE NIYA? - Malamang sa malamang, sasabihin ni Sanchez na kulang ang tatlong taon kaya bigyan pa ninyo siya ng isa pang tatlong taon. Sana naman ay hindi ganun at sana pa rin pagsikapan ng ating mga lider na mangyari ang hinahangad nila para malutas ang matagal nang problema ng ating probinsiya na sa tingin ko isa sa mga dahilan kung bakit sa halip na pasulong ang takbo ng buhay natin ay paurong ito. Ang kinatatakutan ko lang, baka hanggang doon lang iyon sa candidates forum. Ngayong tapos na ang eleksyon, tapos na rin ang plataporma de gobyerno na kadalasan ay napapako. At sa 2022, ang mga sasabihin ay: “Mga tugang halipot ang tulong taon kaya tawan pa nindo ako nin tolong taon pa nganing matapos ko ang sakuyang proyekto.” Go to hell!

*****

KAPATID PALA NI BIKOY SI BIKAY? - Sumuko na si Bikoy na ang totoong pangalan ay Peter Advincula. At isa palang Bicolano ang magaling na itong maglubid ng buhangin. Isa siyang taga-Sorsogon at kapatid siya ni BIKAY na anak ni Manoy Marlon Advincula na kapatid ni Fernando Advincula na asawa ni Manay Cecelia. Hehehe..parang pangalan ng mga kandidato, ano? Kung hindi ako nagkakamali, baka kamag-anak pa nila si Jorge Advincula at saka si Jose Advincula. Hayaan ninyo, tatanungin ko sila kung magkaanu-ano sila. Trabaho kasi nito ni Bikoy ang maglubid ng buhangin. Mahirap na trabaho! Mahirap maglubid ng buhangin!

*****

BAGSAK ANG MGA DINASTIYA SA METRO MANILA, ESTRADA, EUSEBIO AT SANA IYONG IBA PA - Ang gusto kong mawala ang mga Duterte at matira lang ang presidente. Mayor iyong anak, bise alkalde iyong isa pang anak, kongresman iyong isa pa at siguro ko kung qualified na iyong pangalan na si Kitty baka kumandidatong na rin iyong koneshal ng Davao. Pero ang nakakatakot ay kung may alaga silang mga aso o pusa? Baka pakandidatuhin din nila. May mga babuyan sila, sana pinakandidato rin nila. Pero may palagay akong babawi ang mga Estrada. Pero anumang sabihin  naisahan na sila lalo at halos maubos ang pangalan nila. Pito sa angkan nila ang kumandidato Erap for mayor, Jinggoy, JV Ejercito for senator, George Estregan Jr. governor, Gary Estrada-kongresman, at isa pang apo ni Erap ang nag-isang lumusot na konsehal sa San Juan at pangwalo lang. Sa Pasig naman, mga Eusebio pinabagsak ng isa sa mga anak ni Vic Sotto. Iyon sanang asawa ni Andaya, gusto ring mag kongresman ng CamSur pero sa Comelec pa lang talo na. Ang lahat talagang bagay sa mundo may katapusan.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs