By By Jex F. Lucero
CONGRATULATIONS JOSE “BONG” JOSON TEVES!
posted 12-Jun-2019  ·  
458 views  ·   0 comments  ·  

SPEAKERSHIP PINAG-AAGAWAN - Pinag-aagawan sa mababang kapulungan ang speaker, ang puwestong iiwanan ni GMA. Cayetano, Romualdez, Velasco, at dating speaker Alvarez ang mga  interesado. Ang nakakalamang sa apat ay walang iba kundi si loud speaker.

*****

NADAYA AKO KAYA TALO AKO-Sabi ng isang taga-Comelec, dinaya daw ako kaya natalo ako. Paninindigan daw niya ang sinasabi niya na kaya raw hindi ako nanalo dahil nadaya ako. Maliwanag na maliwanag daw sa kanya ang lahat. Nadaya si Sir Jex kaya natalo siya. Pero kung hindi raw siya nagising, lumalamang na raw sa kalaban ng mga beinte mil. Sayang! Hanep kang taga-Comelec ka, panaginip lang pala! Ano ba naman mananalo ba tayo hanggang panaginip lang? Ang hirap talaga ng kandidatong daeng pilak. Hanggang panaginip na lang. Pero mas nakakahiya iyong gumastos ng tatlong milyon, pero talo pa rin. Managinip ka na rin lang!

*****

CONGRATULATIONS, CONG. JOSE “BONG” JOSON TEVES! - Dalawa ang kongresman natin, Sanchez at Teves. Trinabaho talaga ng husto ni Bong Teves ng TGP ang pagkapanalo niya. Walang duda walang alinlangan. Sabi nga ng ilan, ginapang talaga nang husto ni Bong Teves ang tagumpay na natamo niya. Bawi iyong kabiguan niya ng nakaraang eleksyon kung saan ay natisod siya at medyo may kalakihan ang nagastos niya. Doble selebrasyon niya at panalo rin sa pagka-alkalde ang anak niyang si Paolo Teves ng bayan ng Baras. Congratulations, Cong. Teves at Mayor PaoloTeves.

*****

SUBMARINE CABLE - Pag naisakatuparan ni Cong. Hector Sanchez ang pangarap niyang submarine cable para sa kalutasan ng problema natin sa kuryente, tapos na rin ang mga nagpapatakbo ng kuryente nating ala-Christmas tree. Sana, sana maisakatuparan ang nasabing proyekto ni Sanchez at sana iyong sinasabi nilang plataporma de gobyerno ay mauwi sa hindi lang porma kundi totoong pangako. Come on submarine, huwag kang magpapalunod. Dapat maging tapat tayo sa mga pangako. Or else sa 2022 magkakaroon ng malaking problema.

*****

PUMUNTA NG JAPAN SI DUTERTE -  Ayon sa balita nakakuha ng 288 bilyong piso ang pangulo para sa mga proyekto ng ating bansa. Magaling, iba talaga ang mga Hapon. Nagpapautang na nagbibigay pa ng mga grants. Ayon sa ilang mga kasama ng pangulo sa Japan, nagtataka daw sila kung bakit bihira na sa mga Hapon ang sakang at mga bulol. Dati raw ang mga Hapon ay mga bulol at hindi maka-pronounce ng salitang merong R. Ngayon daw ang gagaling na nila pagdating sa mga salitang may R. Tulad daw sa salitang lalapaluka. Sabi ng Hapon raraparuka. Bulol pa rin! Nang lumakad ang isang Hapon kitang-kita raw kung papaanong nakalusot sa pagitan ng dalawang hita ang isang kalabaw ng hindi man lang sumabit ang dalawang hita. Over ang pagka-sakang ng Hapon na iyon.

*****

WONG MALAS SA PAGKANDIDATONG KONGRESMAN - Bakit nga ba sa tuwing kakandidatong kongresman si Cely Wong, parati siyang nahuhulog? Waterloo ba talaga ang nasabing puwesto o hindi lang marunong ang mga humahawak sa kanya? Sa umpisa pa lang ng kampanyahan kitang-kita na agad ang husay ng organisasyon nila. Marami nga ang nagsasabing mananalo na si Wong sa pagkakataong ito. Pero iba pa rin ang naging resulta.Ano sa akala ninyo, titigil na kaya si Cely o magpapatuloy pa rin dahil sa parang bale wala lang pag ito ay natatalo? Totoo kayang itong si Cely ay may balon ng pera?


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs