By By Jex F. Lucero
GSW O RAPTORS?
posted 24-Jun-2019  ·  
303 views  ·   0 comments  ·  

NBA FINALS: GSW  VS.RAPTORS - Sa mga mahilig sa sports tulad ko, kahit saang sulok ng mundo ang pinag-uusapan ay ang NBA finals kung saan ay nakalalamang ang Toronto Raptors 3-1 pabor sa mga taga-Canada. Kumbaga isang panalo na lang ng Raptors. Ang ikalawang panalo na posibleng mangyari dahil sabi nga bilog ang bola kahit sabihin nating ang momentum ay pabor sa taga-Canada, malay natin? Ganunpaman kung matapos ang laro sa susunod na laban ang sinusulat kung ito ay a thing of the past. Ang GSW ay tulad sa GSM may ugaling never say die. Kaya umasa tayo ng bakbakang umaatikabo sa susunod na laban.

****

WHAT WENT WrONG - Marami ang magtatanong kung ano raw ang  nangyari sa kandidatura ni Manay  Cely Wong. Sa mga survey kasi bago ang May 13, lumalabas na CW ang nangunguna. Pero nang dumating ang bilangan ng boto, ang nanguna ay HS na kung tutuusin ang sabi-sabi ay malamang na ito ang malalagay sa panghuli. Ang tanong, bakit talo si CW? Ano kaya ang mga naging pagkukulang ng grupo ni CW? Kinapos ba sa pondo, kinapos sa diskarte, o mahina ang humawak sa grupo?

***

NAGKULANG SA DISKARTE? - Ang sagot ng iba, kulang daw sa diskarte. Pag sinabing nagkulang sa diskarte puwedeng nagtipid, kinapos, o masyadong nagtiwala sa mga pag-aakala. Akala kasi ganito, akala kasi ganoon, akala kasi panalo na iyon, pala hindi naman. At naniniwala ako na maraming namamatay sa akala. At marami ang natatalo sa akala. Tulad sa nangyari kay CW. Sa kabuuan, ang paniniwala ko at pati ng mismong mga tapat kay CW, nagkulang sa diskarte ang grupo ni CW. Sa diskarte kasing tinatawag, dapat lahat ng anggulo ay tinitingnan at inaalam ang lakas at kahinaan ng kalaban lalo ang lalim ng balon ng ginto ng kalaban. Mahirap gawin pero oras na nagtapsok ka sa arog kaitong laban, dapat daeng limit ang bobon ning bulawan mo. Lalo kung isi ning mga tawo na dae gahubas ang bobon mo ning bulawan.

***

MAGALING SA DISKARTE ANG GRUPO NI HECTOR SANCHEZ -  Magaling daw sa diskarte ang grupo ni  Hector Sanchez? Sa tingin ko nga, magaling sa diskarte. Una, hindi siya humiwalay sa Cua team. Iyon ang pinakamagaling na ginawa niya. Dahil kung lumakad siya ng solo, maniwala kayo sa hindi, CW ang panalo. Dahil marami ang naniniwalang ang totoo ang isa sa mga dahilan ng panalo ni Sanchez ay nadala siya ng lakas ni Cua. At walang duda na ganoon nga ang naging mga pangyayari. Sabi ngani ning iba, nadara si Sanchez sa super kusog ni Cua. Kumbaga nakaiba sa habog kang kusog ni Cua. No doubt sa sakong obserbasyon.

***

CONGRATULATIONS ATTY. POSOY SARMIENTO - Bago na ang mayor ng Virac. Wala pa akong matandaan na ang naging mayor ng Virac ay isang abogado. First time siguro ito. Hindi ko sure. Hindi naman kasi ako talagang taga-Virac. Iyan ang sigurado ako dahil taga-San Andres ako. Ang pinalitan ng isang abogado ay isang engineer. Nasubukan na natin ang isang engineer at ngayon sa loob ng tatlong taon ay masusubukan naman natin ang isang abogado. Sa loob ng tatlong taon, makikita at mararamdaman natin kung sino ang may nagawa o kung sino ang ngawa lang ng ngawa. Ano ang mga nagawa ni Laynes sa nakaraang tatlong taong panunungkulan niya? Ngayong iba na ang alkalde, ano naman kaya ang magagawa niya? Malalampasan ba niya mga nagawa ni Laynes? Malalaman natin iyan pagkaraan ng tatlong taon? Hintayin natin. Meantime, huwag muna nating sabihin walang magagawa ang bagong alkalde ng Virac. Maghintay kayo, makikita ninyo ang mga gagawin at mga ipinangako niya. Saka ninyo sabihin iyan ang mga nagawa ng bagong alkalde. Ngayon kung wala naman, bahala na kayong husgahan siya sa 2022.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs