By By Jex F. Lucero
Kahirapan sa buhay ang problema ng mga taga-Catanduanes
posted 26-Jun-2019  ·  
773 views  ·   0 comments  ·  

Panalo ang Raptors laban sa Golden State Warriors sa malungkot  na kaganapan na maaaring sa paniniwala ng ilan na kung hindi nagkaroon ng injury ang dalawang magagaling na player na sina Durant at Thompson ay baka ni hindi makaisa ang taga-Canada. Na puwede rin namang totoo ang paniniwala nila. Sa akin ok lang kasi ang team ko, may Lakers at Miami Heat. Sa mga maka-Raptors, congratulations.

*****

Nagpasiklab na naman ang mga magagaling na senador malagay lang mga pangalan nila sa diyaryo. Hindi pa nga natatapos o nauumpisahan ang imbestigasyon may mga konklusyon na sila sa banggaan ng bapor ng Tsina at bangkang pangisda ng mga Pinoy. Ang gusto ng mayabang na si Hontiveros ipauwi daw iyong ambassador ng Pinas sa Tsina tulad ng ginawa ng pangulo nang pauwiin ang konsulada ng Pinas dahil sa problema sa Canada. Sa totoo lang hindi nga masiguro kung bapor nga ng Tsina ang nakabangga. Mga judgmental kaagad ang mga senador kasi madya-dyaryo pangalan nila. Ang layo pa ng 2022,panay mga pasiklab na.

*****

Kuryente at tubig daw ang mabigat na problema dito sa Catanduanes. Oo nga pero sa totoo lang kahirapan sa buhay ang pinakamabigat na problema ng mga taga-Catanduanes. Papa tuto ang pinakaproblema ng mga taga Catanduanes. Sa mga merong papa tuto at papa, sila sila ang nakararamdam ng palsok-palsok na kuryente at kawalan ng tubig. Iyong nakararami, ang problema nila iyong bituka at ang mga nakaabang na bulate sa tiyan nila.

*****

Tanong kailan ba talaga matutuldukan ang paghihirap sa kuryente at tubig? Ah, oo nga pala matagal pa ito dahil pangako pa lang ng mga pulitiko ang hinahawakan natin. Tatlong taon pa ang hihintayin natin bago maisakatuparan ang mga matatamis na promises nila. Tulad ng wawakasan na nila ang problema sa kuryente sa pamamagitan ng submarine cable at iba pang nilalanggam na mga pangako. Hala, tatlong taon lang ang expiration ng mga yabangan ninyo. Kaya mga hambugon na mga pulitiko, pagbutihan ninyo ang pagnanakaw para sa 2022 eleksyon.

*****

Nagsisisi daw si Pang. Duterte sa pagkahalal niya bilang pangulo. Sana daw ay hindi na siya nagkandidatong presidente noon. Ibang klase din ito si Duterte. Iyong iba nagpapakamatay sa pagkapit sa panguluhan, ito namang pangulo natin gusto nang bumitaw. Ibigay mo kay Trillanes, Lacson, Gordon, at kay Robredo na pareho ni Trillanes na awat ng gatiriam-tiam na maging presidente.

*****

Delikado raw ang sitwasyon nila Estrada at ilan pang nasasangkot sa kasong plunder. Masakit pag nagkataon. Talo na sa eleksyon ang buong angkan, ngayon naman ay matatalo pa sa kaso. Ang buhay talaga ng tao sa totoo lang ay weder-weder lang talaga. Kaya kayong mga mayayabang.na pulitiko kung ngayon ay nagpapakamayabang kayo, darating ang araw na matatapos din ang kayabanagan ninyo. Kahon din ang paglalagyan sa inyo.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs