By By Jex F. Lucero
BASTUSAN NA!
posted 24-Jul-2019  ·  
730 views  ·   0 comments  ·  

Ang bar topnotcher sa nakaraang bar exams ay taga-Ateneo de Manila University at ang nagtapos namang Summa Cum Laurel ay sa nasabi ring unibersidad sa taong ito.Dito sa ating probinsiya may mga topnotcher din. At talagang magagaling! Ipinagmamalaki sila ng kanilang mga pamilya. Sila iyong mga EPAL na pulitiko na topnotcher sa larangan ng kontrata sa mga proyekto ng gobyerno tulad ng infra projects, mga gamot (may kilala akong isa diyan malala Summa Cum Laude) talaga! Mga pulitikong nagtatago sa pagiging EPAL at pagpapakitang magaling sila. Pagpapakita ng kayabangan na akala mo pagkagaling-galing samantalang kilala lang naman ng lahat na kaya nananalo kung eleksyon dahil sa pandaraya at pamimili ng. boto gamit ang sabong mabango. Pwe...at pwe... at isa pang pwe! Walang hiya! Nakakahiya! Saksakan ng yabang mandaraya naman! Topnotcher sa kawalanghiyaan!

*****

Ang labanan ngayon ay bastusan. Binastos tayo ng mga pulitiko kaya sasakay tayo sa kabastusan nila, Ang totoo hindi pambabastos ang ginawa nila sa atin. Binaboy pa nga tayo. Ginawa tayong parang mga gago, tinarantado tayo, kinawawa at ginawa tayong parang mga inutil. Akalain ninyong isang sabon lang ang tingin sa pagmumukha ninyo? Tapos kung makaasta akala mo kung sinong pagkagaling-galing? Akala mo kung sinong hindi magnanakaw na hindi nakikinabang sa kuwarta ng gobyerno. Na akala mo hindi alam kung ano ang modus bilang isang kontratista gamit ang pagmumukha ng ibang  tao. Unggoy alam ng mga tao kung ano ka at kung ano style mo sa pagiging dayukdok at gahaman mo sa kontrata sa gobyerno. Sige yabang pa more mayabang na unggoy. Mga bastos kayo kaya bastusan na tayo ng husto. Mga bastos kayo!

*****

Paalaala sa mga EPAL na pulitiko. Kung pupuwede lang ay konting pino kayo. Huwag kayong mayayabang dahil wala na namang maniniwala sa mga pagiging EPAL at kayabangan ninyo. Kung may mga taong nauuto kayo iyon ang mga taong katulad ninyong mga uto-uto. Pero iyong mga taong nakakakilala sa inyo ang tingin sa inyo tae. Sa sato ang heleng sa indo duhay, igit, tobol, bugres, o di kaya doods para disimulado. Tapos na ang eleksyon kaya dae na kamo magparahambog. Noon ang kayabangan ninyo ay ok dahil kung eleksyon panahon talaga iyan ng mga kayabangan, kasinungalingan at panluluko. Kung ngayon na wala ng eleksyon ay mayayabang pa rin kayo iyan ay sobrang pambabastos na iyan. Konting pino mga EPAL Dae nang gatubod sa hahambog nindo.

******

Hanggang ngayon ang problema pa rin sa kuryente ang malaking isyu sa ating probinsiya. May mga nagpipilit bigyang solusyon ang nasabing problema pero mga pakulo lang at wala namang katuturan ang mga sinasabi. Merong gustong gayahin iyong ginawa daw na kakasuhan ang Ficelco tulad ng sa Palawan. Pasiklab na naman! Kung halimbawang kasuhan ang Ficelco, mawawala na ba ang brownout? Ang kasuhan ba ang Ficelco ang siyang solusyon sa brownout? O iyong mga gustong gumaya sa mga taga Palawan ay umi-EPAL lamang? Come on mga epalista, lumang tugtugin na iyan. Magpakamatay na lang kayo! Galit si Miriam Santiago sa mga epal. Baka multuhin kayo ni senador sa kaepalan at kakapalan ng mukha ninyo. Mahigpit na ipinagbabawal ang epal. Sabi ko nga magpakamatay na lang kayo. Kung gusto ninyo lahat ng taga-Ficelco, palayasin ninyo at kayo ang pumalit. Mga maorag baga kamo mga pulitikong ang puhunan mga mahamot na sabon. So liquid soap baga na ang hangop duhay na pareho nindo. Hangos na demongol an!

******

May mga nagsasabing dapat daw ay gayahin ni Mayor Posoy Sarmiento si Isko Moreno. Sabi ko naman hindi mangyayari yan. Si Mayor Posoy abogado, hindi siya gagaya at gagawa iyan ng sarili niyang diskarte.. At saka ang Virac ay hindi Manila na ang basura ay mas malaki pa sa Virac at ang mga magnanakaw ay kung ilang libo ang dami. Hayaan nating gumawa ang bagong mayor ng Virac at huwag natin siyang gawing Isko Moreno. Abogado iyan, may sariling diskarte iyan baka mas pa kay Isko Moreno ang magagawa niyan. Ang dapat tingnan natin ang mayor ng San Andres na si Mayor Bos Te. Tingnan ninyo ang San Andres. Kaya bang tapatan ng alinmang bayan ang San Andres? Hindi sa ipinagyayabang ko ang San Andres dahil taga-San Andres ako pero kahit saang anggulo ninyo tingnan ang San Andres ay maipagmamalaki ng mga taga-Catanduanes.

0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs