By By Jex F. Lucero
Locsin at Duterte most admired woman and man
posted 29-Jul-2019  ·  
598 views  ·   0 comments  ·  

Ang kaso ni Gob. Cua ay nasa Sandiganbayan na, na ang ibig sabihin ito ay umuusad na. Na dahil ito ay umuusad na kaya maaaring mapapadali ang mabigyang desisyon kaagad ito. Na ang ibig sabihin din ay maaaring magkakaalaman kaagad kung si gobernador ay guilty sa mga bintang sa kanya o mapapawalang sala siya. Kung mapapawalang sala siya, malaki-laki ang babayaran ng gobyerno kay Gob. Cua. Pero hindi iyon mahalaga sa isang katulad niya. Ang mahalaga doon ay naipakita niya sa mga tao na hindi sila nagkamaling ibalik siya sa dating puwesto. Suma tutal dahil ang kaso ay gumigiling na bukas makalawa bubulaga na lang sa atin ang balita. Antabayanan na lang natin ang susunod na kabanata.

*****

Ang tindi talaga ni Duterte! Grabe ang taas ng approval rating! Super taas! Ito ay sa kabila ng ang mga nasa oposisyon ay walang tigil ng kapuputak. Lahat na yata ng klase ng paninira ay ibinato na sa kanya pero 85 porsiyento ng mga Pinoy ay nasa likuran ng kanyang pamumuno. Maski ako kumbinsido ako sa pamamalakad niya sa ating bansa. Maging sa takbo ng ating ekonomiya, foreign policy, peace in order, at iba pang aspeto ng ating gobyerno saludo ako. Ang hindi niya lang makuha ang katunayang buong pamilya niya ay nasa gobyerno na kung tawagin sa atin ay political dynasty. Nakakatakot ang ganito kasi baka pag wala na silang mapapatakong tao sa pamilya nila, ang patatakbuhin nila ay ang mga alaga nilang ibon, aso, baka, at baboy. Naku, laking gulo nito!

*****

Ibinasura iyong mosyon ni VP Robredo sa PET na dapat daw ideklara na siyang panalo laban kay BBM dahil lumalamang na raw ng kinse mil sa bilangan samantalang iyong ipinoprotestang mga probinsiya ay hindi pa natatapos bilangin at wala pang ginagawang appreciation of votes ang PET.  Masyadong nagmamadali si Manay Leni. Siguro nagaalala si Manay na baka maisahan siya lalo at kilala niya ang pamilya Marcos na magaling sa magic. Sa referendum nga noon pinataas lang ang mga kamay ng mga tao at tinanong kung gusto nila ng pagkain at taasan ng kamay ang mga tao at kinunan ng litrato Paglabas sa diyaryo approbado na ang konstitusyon ni Marcos noon. Lahat ng mga guro noon kasabwat sa pandaraya, wala rin silang choice dahil Martial Law noon.

******

Kung madalas kang napupunta sa mga lugar sa Maynila, Pasay, Makati, Quezon City, kung saan maraming condominium, diyan mo masasabing ang Pilipinas ay nilusob na ng mga Intsik. Sa mga daan o kung saan man sa mga nabanggit ko ng lugar sa paglalakad mo, makakasalubong mo mga Intsik. Pagnaka-check in ka sa isang condo, Intsik ang karamihan sa naninirahan diyan. Kaya sinasabi nila na nagkaluwagan na raw sa Pinas sa dami ng Intsik na naninirahan sa atin pero alam naman natin na temporary lang pamamalagi nila sa atin. Noon sa Bacolod, sabi ng nakasama ko sa seminar, saksakan daw ng dami ng mga Koreano sa lugar nila. Parehas din nating mga Pinoy na saksakan ng dami sa iba’t ibang lugar na nagbabakasakaling makakita ng magandang kapalaran. Hayaan lang natin sila, basta ba legal ang pagpasok nila sa atin. At basta huwag aagawan ng trabaho ang mga kababayan natin.

******

Ang most admired Filipino Woman ayon sa latest survey ng global public opinion at data company youGov ay si AL as in Angel Locsin at ang sumusunod sa kanya ay si Marian Rivera kasama din si Anne Curtis, Angelina Jolie, Queen Elizabeth at iba pa. Sabi ni AL hindi raw siya naniniwala pero kung totoo man daw ay salamat. Samantala ang most admired naman na Filipino ay walang iba kundi ang ating pangulo Rodrigo Duterte. Sinusundan ito ni Pope Francis, Jacky Chan, Manny Pacquiao at iba pa. Hinahanap ko si Trillanes at Leni Robredo, nakita ko sa Fiscal’s Office at sedition ang mga kaso nila habang nakatunganga si Bikoy.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs