By By Jex F. Lucero
Korapsyon hindi mawala-wala sa ating gobyerno: sabi ni PRRD
posted 6-Aug-2019  ·  
706 views  ·   0 comments  ·  

Sabi ni PRRD, gusto niya kung magkakaroon daw ng lindol, dapat doon sa Batasang Pambansa habang nagdedeliver siya ng SONA noon. Para daw maubos na ang mga korap. Sabi pa niya may nagsabi raw sa kanya na isang psychic na ang unang crack daw ng lindol ay doon din sa Batasan. Grabe si Duterte para bang ibig sabihin niya na ang mga korap ay nandoroon sa Batasan ng mga panahong iyon. At alam ko kung sino pinatatamaan niya. Pero walang epekto iyon dahil hindi na tinatablan ang mukha ng mga pinatatamaan.

*****

Galit na galit daw mga supporters ni Keith Thurman, ang boksingerong tinalo ni Manny Pacquiao. Maliwanag na maliwanag daw na ang panalo ay si Thurman at hindi si Pacquiao. Hindi pa man daw nagsisimula ang laban ay timbuwang na ang kababayan natin. Kahit ako ang paniniwala ko ay panalo si Thurman. Talong-talo nga si Pacquiao. Walang binatbat ito at kahit i-review ang mga tapes panalo si Thurman sa.........hambog boda sa sihong!

*****

Sabi ng DILG, ang mga barangay o mga opisyal ng mga barangay na hindi gagawa ng mga dapat na trabaho nila sa kanilang barangay ay sususpendihin. Malamang maraming mga opisyal ng barangay ang tatamaan nito. Bukas ang 8888 at ito ay direkta sa Malakanyang. Ang maganda pa nito kung ikaw ang impormante, protektado ang pangalan mo at hindi ka kasali sa pag-iimbistiga at ang tanging iimbestigahan ay ang inereklamong opisyal. At hindi lang mga opisyal ng mga barangay lahat ng nasa gobyernong mga magnanakaw, puwedeng isumbong sa 8888.

*****

Kaya pag may mga balasubas na mga taga-gobyerno na nakikita ninyong harap-harapan ang pambabalasubas, huwag na kayong lumapit sa amin, itawag na ninyo sa 8888 at tiyak iimbestigahan iyan kung totoo ang sumbong mo. Kaya dapat iyong totoo lang para naman makatarungan. Problema ang korapsyon sa ating gobyerno at hindi raw mawala-wala ito. Tama nga hindi nga mawala-wala! Bakit nga kaya? Ang isa sa pinaka-dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang korapsyon ay dahil sa eleksyon. Pag may eleksyon ang mga opisyal ng barangay, ng munisipyo, ng siyudad, ng probinsiya at mga opisyal nasyonal tulad ng mga kongresman, mga senador once na nasa puwesto sila ang gagawin niyan ay mag-iimbak ng bala para sa darating na eleksyon.

*****

At saan sila kukuha ng salapi? Siyempre sa mga proyekto ng gobyerno na siyang dahilan kung bakit mga ampaw o substandard lahat halos na proyekto ng gobyerno. Puwera lang marahil kung talagang ang isang pulitiko ay mayamang-mayaman at hindi umaasa sa mga madudugas sa gobyerno. Sabi nga, karamihan sa mga nanalong mga pulitiko ay mga magnanakaw. Kasi nga naman saan sila kukuha ng mga kuwartang ipinamimigay o ipinamimili nila ng boto? Magkano ba ang suweldo ng isang kagawad, board member, Vice mayor, mayor, Vice Governor, Governor, kongresman at mga senador? Kahit na beinte anyos silang nakaupo sa puwesto nila, hindi nila makukuha ang mga ginastos nila sa eleksyon kung suweldo lang aasahan nila.

*****

Bakit? Lahat ng kandidato tulad na lang dito sa atin, isang kagawad lang gumastos ng dalawang milyon. Buti panalo! Isang PBM gumastos ng mahigit limang milyon at nanalo. Isang PBM gumastos ng tatlong milyon minalas, natalo. Kaya ang totoo basta may eleksyon, may korapsyon. At hindi mawawala iyan dahil kung hindi magiging korap ang isang elected official, hindi na siya makakaulit. Iyan ang isa sa mga kasagutan sa tanong ni Duterte kung bakit hindi mawala-wala ang korapsyon sa ating gobyerno.

*****

Mga magnanakaw sa gobyerno, konting pino lang kayo! Alam na ng mga tao kung papaanong huhulihin ang mga pagnanakaw ninyo. At huwag ninyong masyadong dinidisplay mga kayamanan ninyo. Alam ng mga tao na hindi naman kayo mayaman pero kung umasta kayo parang talo pa ninyo ang mga mayayaman dito sa atin. At huwag ninyong ipinagyayabang na kayo ay opisyal ng gobyerno. Sabi sato guiromdumon nindong kaya kamo nanggana dahil sa pandaya nindo sa eleksyon asin dahil sa mga hinabasan nindo sa gobyerno na siya man sanang pinamakal nindo ning boto. Guiromdumon nindo an!


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs