By By Jex F. Lucero
IKAW, ANO ANG LIGA MO?
posted 14-Sep-2019  ·  
565 views  ·   0 comments  ·  

Ang ibig sabihin ng MPBL ay Maharlika Pilipinas Basketball League. Ito ang baby ni Sen. Manny Pacquiao kung kaya’t nabuo ang liga ng basketball na ito. Ang komisyuner nito ay ang sikat na basketbolista ng PBA na si Kenneth Duremdes. Magandang pakinggan ang patalastas ng MPBL kung saan ang tanong ay ano ba ang liga mo? Kayo, ano ba ang liga mo? Sumagot ang ilan at ang sabi ang Liga namin ay ang LIGA NG MGA PULITIKONG MAGNANAKAW SA GOBYERNO! Ganoon ba? Kung gayon, mayayaman na kayo? Sagot ng ilan sa miyembro ng liga ng mga pulitiko. Oo naman! Matatalo ba kami tuwing eleksyon kung wala kaming pera? Sa komisyon na komisyon na lang, sapat na sapat ng panggastos para ipanalo ang isang eleksyon.  Iyong iba pang nananakaw naming, tiyak swak sa panalo!

******

Hindi lang iyan, sabi pa ng kasapi ng liga ng mga magnanakaw, mas malaki ang kita namin kasi ang mga asawa namin mga kontratista. Ang style lang diyan kukuha lang kami ng engineer na kunwari siyang nanalo sa pa-bidding ng mga proyekto ng gobyerno pero dummy lang iyong engineer actually kay pulitiko iyong proyekto. So..halos lahat ng kikitain ng proyekto ay kay pulitiko. Swaaak sa yaman si pulitiko kaya pagdating ng eleksyon, no problem. Ganyan lang ang ilan sa mga kalakaran sa mga proyekto ng gobyerno. Ang masakit, dahil sa kasisikwat ng mga hinayupak na pulitiko, ang mga proyekto natin ay mga ampaw. Patrabahong binaboy kumita lang ng malaki ang mga miyembro ng Liga ng mga Pulitikong Magnanakaw. Ito ang pinoproblema ni Duterte, ang mawala ang mga magnanakaw sa gobyerno at sana tamaan sila lahat ng  kidlat sabay-sabay para maubos silang mamamatay na nangingitim. Ang tinutukoy ko naman ay iyong. miyembro ng mga pulitikong magnanakaw. Hindi naman kasali iyong matitino. Gets n’yo!

******

Ano raw ba ang masasabi natin sa ginawang pagpapalaya ng gobyerno sa 2,000 convicted prisoners na may mga kasong karumal-dumal tulad ng rape, murder, droga, kidnapping, at iba pang mga malalaking kaso tulad ng kaso ni Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na ni-rape at pinatay ang magkasintahang mga estudyante? Kung si Sanchez ay kasama sa mga palalayain p...,,g ..n ...dapat matagal nang pinatay  ang demonyong iyan. At dapat pagkatapos patayin ay patayin muli ng maraming beses. Iyong iba na nakasunod sa kung ano ang sinasabi ng batas at sinunod naman ang ipinatutupad ng bilangguan, huwag lang tulad ng kay Sanchez ay dapat na palayain. Sangayon ako sa pagpapalaya sa mga nagpakabait at nagpakabuti ng mga bilanggo. Una iyang ginagawa ng gobyerno ay pagtalima sa kung ano ang sinasabi ng batas.

******

Ayon sa mga eksperto, ang pag-iinom daw ng kape ay nakapagpapahina ng memorya ng tao. Gusto kong maniwala dahil mga eksperto ang nagsasabi pero sabi ng kaibigan ko, isang pitsel na kape raw ang iniinom niya tuwing umaga para makalimutan niyang may asawa siya pero tuwing umaga palaging nasa harapan niya ang isinusuka, kinabubuwisitan, ikinahihiya, niyang asawa na ang bunganga ay parang kanal ang amoy na walang tigil ng kadadakdak na kung umasta parang kung sinong milyonaryo pero walang-wala din naman. Sabi ng kaibigan ko, lalo niya raw naaalaala ang kawalanghiyaan ng asawa niya. Kaya kayo kape pa more!!!

******

Pag  nagkaon ka daa ning mga pagkaon na mahahamis, mahelang ka ning diabetes. Pag ang pigparakaon mo daa mga maasgad, mahelang ka sa bato. Kung maalsom naman daa ang pagapara kaonon mo,  mahelang ka ning pagkatiwi dahil nakatiwi ang alsom. Kaya kung babaye ka, delikado dahil duwa ang matitiwi sa imo. Palibhasa duwa ang kimot siguro?

*****

Ang UAAP o ang Universities Athletic Association of the Philippines ay binuksan sa MOA Arena noong September 1, at sinalihan ito ng mga participating universities tulad ng Ateneo, UP, Adsamson, FEU, UST, NU, LaSalle, at UE. Tinampukan ito ng makukulay na palabas at ng panunumpa ng bawat manlalaro na sila ay tatalima sa lahat ng alituntunin ng kanilang lalahukan na mga laro. Napakaaktibo ng mga unibersidad sa Maynila pagdating sa sports.  Sana tayo rin dito sa Catanduanes! Ang uso kasi dito sa atin delihensiya sa proyekto ng gobyerno. Walang gustong gumastos pag sa ngalan ng sports.


0 comments
new to catanduanestribune.com?
connect with us to leave a comment.
connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
Other Tingnan Natin articles
home home album photo album blogs blogs